Chapter 14- The Ralationship and the Friendship

369 38 1
                                    

My phone keeps vibrating in my pocket. Hinintay kong matapos ang klase ko bago ko tiningnan kung sino ang panay message sa akin. Someone sent me a load.

Una kong naisip si Jayce so I message him.

Carly: Ikaw ba ang nagsend ng load sa akin?

Habang hinihintay ko ang reply ni Jayce ay pumunta ako sa next subject ko. Hindi ko siya classmate sa magkasunod na klase ko kaya mamaya ko pa siya makakausap.

Jayce: Hindi ako ang nagpadala ng load sa iyo. Sino 'yan?

Carly: Hindi ko nga kilala kaya tinatanong kita. Akala ko ikaw.

Hindi na ulit nagreply si Jayce. Baka nagba-basketball na.

After ng klase ko, pinuntahan ko si Jayce sa basketball court. Hindi nga ako nagkamali, pawisan na naman kaka-basketball ang isa na ito.

Nang makita ako ni Jayce, nagpa-substitute siya sa isa sa classmate namin. Umupo siya sa tabi ko habang hinihingal.

"Sino ang nag-send sa iyo ng load?" tanong niya.

"Hindi ko pa rin alam," I replied. He snorted.

"Pawis na pawis ka na naman."

I saw him smirk at mas lalo itong tumabi sa akin. Ginitgit na ako sa upuan habang kulang na lang ay tumili ako. Mababasa ako ng pawis nito. Kabwisit.

"Jayce, tumigil ka nga!"

"Maglalaro na ulit ako. Titingnan mo ang bola baka matamaan ka na naman. Baka hindi ko na mahabol ang bola sa susunod," bilin ni Jayce.

I was a little confused about what he said. Sinundan ko si Jayce ng tingin habang nagpapa-substitute ulit siya. Then I remember nang kamuntikan na akong matamaan ng bola.

So, he saved me that time. Ewan ko bakit ako biglang nangiti.

May ngiti ako sa labi habang pinapanood ang huling quarter ng laro ni Jayce. Sa isip ko, nagche-cheer naman ako para sa kanya.

Habang lumilipas ang mga araw mas na-appreciate ko si Jayce. Nasasanay na rin akong kasama siya at mas nakikilala ko siya.

Isang araw, pumasok siyang tahimik. Although tahimik naman siya pero pati ako ay hindi kinikibo.

"Jayce, okay ka lang?" tanong ko dito.

Medyo nagulat ako nang umiling siya.

"Ano ang problema mo?"

"'Yong lolo ko," he replied. "Kwento ko mamaya sa iyo."

Hinintay ko siyang magkwento. Pati basketball ay iniyawan niya ngayon. Nagpunta na lang kami sa library kung saan tahimik at makakapag-usap kami kahit papaano.

"Ano ang nangyari sa lolo mo?" tanong ko nang nasa library na kami.

"Namatay siya kagabi."

"Oh no. I'm sorry," I said. Jayce held my hand but his mind was far away.

"Hindi ko siya mapupuntahan. May exams tayo," sabi niya. "Lolo Aba ang tawag namin kay Lolo kasi mataba siya. Noong bata kami, lagi niya akong sinusundo tuwing bakasyon. Pumupunta kami ng Pangasinan."

"Close ka sa Lolo mo. Nakakainggit na may masaya kang memories kasama siya. Kailan ba ang libing? Baka makahabol ka pa?"

Umiling si Jayce. "Hindi ako makakahabol sa libing."

"I'm sorry," usal ko ulit.

"Okay lang. Wala lang ako sa sarili ko ngayon."

"No worries. I got you."

Hinayaan ko si Jayce na manahimik. Kung minsan ay nagkukwento siya ng memories niya with his lolo. Hindi niya binitawan ang kamay ko. Nakaupo lang kami sa library habang siya ay napapatulala kung minsan.

Namatay ang lolo ko na paborito noong seven years old ako. My memories with him were fading. Hindi ko na naalala ang mukha niya. Mapalad si Jayce kahit papaano na may memories siyang babalikan ngayong wala na ang lolo niya.

"Jayce, thank you for sharing your pain with me."

"Kanino ko naman isha-share ito kung hindi sa iyo?" sagot niya.

I'm just grateful, that's all. Bukod sa relationship namin ni Jayce, higit akong nagpapasalamat sa friendship na nabubuo namin. I don't have many friends. Ang akala ko ngang mga kaibigan ko ay tinalikuran ako nang maging boyfriend ko si Jayce. Isa lang ang kinatatakot ko, ang malaman ng mama ko na may boyfriend ako. I don't know what she will do to me or how painful the physical pain I will endure.

The power of words.

Naiisip ko pa lang na takot ko kay mama, nakaramdam na agad siya na may lihim ako. Pagdating o ng bahay, agad na hinila niya ang buhok ko.

"Bakit ginabi ka?" tanong nito.

Hawak hawak niya ako sa buhok at nananakit na ang anit ko.

"Aray ko, Ma!" sigaw ko.

"Bakit ngayon ka lang?" sigaw ni Mama.

"Kakatapos pa lang ng klase ko," katwiran ko.

"Ako Carly, huwag mong niloloko. Kapag talaga ikaw nahuli kong nagbo-boyfriend, kakalbuhin kita."

Binitawan ni Mama ang buhok ko na muntik ko namang ikangudngod sa table. Hindi ako kumain ng hapunan. Nagkulong lang ako sa kwarto ko at umiyak. Gusto kong magsumbong kay Jayce pero pinigilan ko. Nagluluksa pa siya sa lolo niya. Kaya sa gabing iyon, pakiramdam ko ay mag-isa muli ako.

Hindi nakaligtas kay Jayce ang mugto kong mata kinabukasan.

"Carly, umiyak ka ba?" tanong niya agad nang makita niya ako sa school.

"Medyo. Kagabi," sagot ko.

"Ano ang nangyari?"

"Sinaktan ako ni Mama. Dapat ay sanay na ako pero hindi pa rin."

"Parati ka niyang sinasaktan?"

Isang tango ang isinagot ko. "Kapag mainit ang ulo niya," I replied. "Anyway, hayaan mo lang. Musta na pakiramdam mo?" pag-iiba ko sa usapan.

Nakita ko sa mukha ni Jayce ang pag-aalala sa akin. Pinilit kong ngumiti na lang.

Naging mainitin ang ulo ni Mama. Sa tuwing uuwi ako ng gabi ay parati niya akong napupuna. Parati niya akong natatamaan sa kung ano ang hawak niya. Minsan ay nagpapasa pa ako at hindi nakaliligtas iyon kay Jayce.

"Hindi ko alam kung paano kita tutulungan. Hindi ko pa kayang ilayo ka sa Mama mo."

"Iiwas na lang muna ako—"

"Sa akin?" mabilis na tanong ni Jayce.

"Kay mama. Iiwasan ko na lang muna si Mama."

"Kaya mo pa?" nag-aalalang tanong ni Jayce.

"Wala naman akong choice, Jayce."

Kahit nasasaktan ako kay Mama, hindi pa rin ako umuuwi ng maaga. Pinanindigan ko ang schedule na binigay ko sa kanya. Sinasamahan naman ako ni Jayce sa kung saan ako pumupunta after school. Madalas ay nakatambay lang kami sa library at nagpapalipas ng oras.

In my DreamsWhere stories live. Discover now