Introduction

1.3K 8 0
                                    


Daigdig... sabi nila, bilog! Ang iba naman ay patag... ang iba ay trianggulo na ang nangingibabaw ay siyang mga mayayaman at may kapangyarihan lamang. Ngunit kahit na ano pa ang pakahulugan ng tao rito, isa lamang ang pawang totoo... itong daigdig ay puno ng misteryo.


Simula nang makarating sa Maynila si Chela ay nagsimula rin ang pagbabago sa kanyang pamumuhay mula sa payak hanggang sa mapanuksong mga bisyo. Sugal... Alak... Sigarilyo... Droga... Prostitusyon... at kahit ang iba-ibang mga klase ng krimen ay pumaligid sa kanya.  Isang pagsubok na kailangan niyang harapin habang siya ay nag-aaral pa at magdadalaga. Sa paglipas ng maraming sandali ay papasok sa kanyang isipan ang pananaliksik tungkol sa mga tao na itinuturing na sinumpa at pinagkaitan ng normal na buhay... mga taong pumapaslang at kumakatay ng kapwa tao... mga taong nag-aanyong maligno.


Ang matapang na pakikipagsapalaran ni Chela sa lungsod ay sasamahan pa ng mga bago niyang makikilalang kaibigan. Dito rin iikot ang kanyang mundo sa pagtuklas ng tunay niyang pagkatao at ang umibig ng totoo. At sa iyo...

"Mag-ingat ka sa mga ungol na maririnig mo...
Baka ikaw na ang susunod na biktimahin nito"

AHOOOOOH! 




Ning KalibutanWhere stories live. Discover now