KAPILTULO 29

566 0 0
                                    

Ikalimang gabi sa 'Bar de Camiguin'.






Mas dumami pa ang kustomer ng nagtayo ng bar. Palibhasa ay kaisa-isang klab ito na matatagpuan sa buong barangay at karatig lugar nito.Nagdagdag na rin ang may-ari ng kaniyang videoke machine sa loob para sa mga nais maghandog ng kanta. Wala pa namang naitatalang gulo sa kanilang unang pagbubukas sa publiko bukod sa maraming nalalasing na nakakatulog din sa loob at ilang nag-aamok ng away na pinapalabas ng mga bouncer.

Ang permit na nakuha ng klab sa munisipyo ay good for two years at nangakong hindi magpapapasok ng mga menor de edad kung walang gabay mula sa sariling mga magulang.

Pinakapinapalakpakan pa rin ang paggiling-giling at minsan ay paghuhubad pero tinatakpan naman ng kamay ang maseselang bahagi ng mga lalaki at babaeng dancer para lamang magbigay ng excitement at hmmmf sa mga manunuod. Tuloy ang party pagkatapos ng show.


"Hey Babe! Malipayon ba ka sa dance number ko?", tanong ni Jessica...ang nagtataas ng kilay tuwing makikitang nagkakamabutihan sina Christian at Sabrina

"Yes... They enjoyed it!", sambit ni Christian pagkatapos uminom ng alak sa bote at titingin sa mga katropang lalaki sa tabi ng couch

"Whaaat? They!?", dagdag ni Jessica na susubukang umupo sa mga hitang nakaupo ng binata, "Ibig sabihin hindi mo gusto?"

"Teka Jess...", sambit ni Christian at iaalis sa pag-upo si Jessica sa kaniyang mga hita, "I liked the dance number... pero hindi na yung sa iyo na gaya ng dati. You've been too liberated na nowadays... and I want change!"

"Change!!!?",mas mataas na boses ni Jessica na maglalaan ng atensiyon sa iba pa,"Kaya ba kumukuha kang ibang babae rito kasi gusto mo ng change? Ganun ba???"

"Look Jessica... we've been together for the past six months and our relationship didn't work out for good! Sinabihan na kitang tumigil ka na sa pagsasayaw mo kasi lalo mo lang bibigyan ng bastos na pag-iisip ang ibang tao sa iyo! I want a girl who is simple and also humble. I want a girl who makes me happy!"




"And that's me 'di ba?", sabi ni Jessica na kukunin ang ulo ni Christian at hahalikan sana ngunit iniwas ng lalaki ang ulo nito at uminom muli ng alak

"No!!!",sambit ni Christian

"At sino? Yung babaeng ipis na yun?! Yung waitress na... fuck! Mukhang aso?? Way kapuslanan ning akong body kay sige lang man sad ka'g hanap ug third party"

"Jessica... I'm leaving the country within this week and I want someone na disenteng babae na ipapakilala ko sa mga parents ko sa Canada. I felt in love with that waitress, a love that was wrongly felt to you! Sorry... Break na tayo!", sambit ni Christian na aalis sa couch at lalabas ng bar upang magpahangin dala ang alak.

Maiiwang mag-isa sa may lamesa ang luhaang si Jessica at mag-eeskandalo.

CHRISTIAAAAAAAN!







Tanghali sa mga Borile at katatapos lamang kumain ng iba pa sa kusina. Umakyat sa taas sina Carmen at Baste habang naiwang naghuhugas ng plato si Chela.

Habang nag-aayos ng upuan ang ina ay makakarinig sila ng pagbukas ng kanilang pinto

"Nay!",masayang bungad ni Sabrina sa nanay at lalapitan ito, "Nakapag-down payment na po ako sa bago nating tutuluyan!"

"Bagong tutuluyan?", pagtataka ni Chela at pupunta sa mag-ina pagkatapos mailigpit ang mga pinggan, "Aalis na po tayo rito?"

"Anak...",banggit ni Cassie, "Ibinenta na kasi itong lupa ng tatay mo sa isang magtatayo daw ng resort sa barangay kaya kailangan na nating lumipat"

Ning KalibutanKde žijí příběhy. Začni objevovat