KAPILTULO 8

427 1 0
                                    


Mantigue Island.

May mapuputing buhangin na ang gitna ay kagubatan. Higit sa apat na kilometro ang layo nito sa isang barangay na may kilalang diving spot. Bagong sibol ang mga bulaklak sa paligid at ang ilang mga ibon ay masayang nagsisipagliparan. Maaaninag ang pagsikat ng araw sa dulong karagatan. 

Naroroon pa rin ang nakahigang matanda sa ilalim ng kaniyang pahingahan. Nakatapis ang kumot at ang kaniyang bag ang pinaka-unan. Nakatagilid siyang nakahiga na nakaharap sa niyog habang humahampas ng dahan-dahan ang mabulang tubig-alat sa tabing buhangin. Mamumuo ang isang usok at maaamoy ito ng matanda na dahan-dahang ihaharap ang katawan sa kabila at sisilip.

"Ginang! Maayong Buntag!", wika ng isang lalaking maputi sa dulo

"Ha...",pagtataka ng matandang babae at unti-unting babangon at liligpitin ang mga gamit

"Mukhang pagod na pagod ka kagabi ah... Heto at ipinaghanda na kita ng mga makakain mo!", wika ng lalaki na ngumangata ng isang pirasong peras

"O...oo nga eh! Salamat pala...", sambit ng babae na aabutin naman ng lalaki ang kamay nito

"Kier...Kier ang akong ngalan!", wika ng lalaki na naka-short lamang galing sa kasama at nakatago ng maliit na tela ang sugat sa braso nito.

"Ah...Ako si Cassie! Pasensiya at hindi pa ako sanay mag-Bisaya kasi bago lang ako rito"

"Ayos lang!", nakangiting wika ng kausap, "Hindi rin naman ako madalas mag-Bisaya sa mga taong nakakasalamuha ko. Ayaw ko kasing maalala ang masalimuot na pagiging taga-Siquijor ko..."

"Parehas pala tayo! Ganun din naman ako noong nasa Luzon pa ako hanggang sa makarating ng Cebu at Siquijor... Salamat na lang sa Diyos at buhay pa ako hanggang ngayon"

Mapapansin ng binata ang pagiging malungkot ng kasama at magwiwika ito, "Tama na ang drama... kumain ka na!", ipapakita nito ang mga inihandang samu't saring pagkain

"Woooow...",pagkamangha ni Cassie. Makikita niya ang maraming mga iba-ibang klaseng prutas, ilang gulay, kamote, mais, nilagang alimango at lutong dahon ng malunggay na nakalatag sa mahabang dahon ng saging. Titikman ni Cassie ang sabaw ng nilaga at mapapaisip ng salita, "Lami!"

"Oh! Marunong kamag-Bisaya?", usisa ng lalaking si Kier

"Hindi pa masyado... Nabasa ko lang iyon sa isang poster...", dagdag ni Cassie at ibabaling naman nito ang tingin sa lalaki, "Kinuha mong lahat ng ito???"

"Sinabi mo pa! Iba na talaga ang laki sa kuweba at bundok!", wika ni Kier na kumakain pa rin ng peras

"Laki sa kuweba??? Bundok?", tanong ni Cassie na sasamahan ng lalaki sa may kainan, "Siguro ay sadya kang lumayas sa inyo kaya ka naririto ngayon anuh?"

"Parang ganun na nga...", wika ni Kier na nakatingin sa malayong parte ng dagat

"Malawak nga ang mundo... kahit marami ang nagkalat na masama sa paligid,marami pa rin namang mabubuti na kagaya mong nagtatago lang pala sa ibang sulok ng mundo", sambit ni Cassie na kakanin ang mais, "Ang mahirap lang na makuha sa mundong ito ay ang permanenteng kasiyahan ayon sa nais ng puso at isipan mo"

"Wala naman kasing perpekto rito... lahat, kumplikado!", wika ni Kier

"Oo nga...", sambit ni Cassie na maibabaling ang tingin sa sugat ni Kier, "Ayos na ba ang sugat mo?"

"Ayoon!", banggit ng lalaki na itatapon ang tira ng kinaing prutas sa malayo, "Maraming salamat sa tulong mo... kung hindi mo ako ginamot sa sobrang sakit kagabi, baka isa na akong bangkay na iuuwi sa amin"

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now