KAPILTULO 18

355 0 0
                                    

Camiguin. Ang islang ito ay tinatawag ding "born of fire" sa ingles dahil sa pitong bulkan na makikita sa kabuuang 238 kilometro kuwadradong lupa malapit sa mga probinsiya ng Misamis Oriental at Cagayan de Oro.

Taong 1953 nang pumutok ang Mount Hibok-Hibok ay naglabas ito ng napakaraming mga lava at nagkalat ng lupa na noong natuyo at lumamig ay gumawa ng karugtong na mga bahagi ng probinsiya...
ang probinsiyang kinalakhan ni Chela... ang probinsiyang kabilang sa Rehiyon ng Hilagang Mindanao... ang probinsiyang kaniyang kailangang bigyan ng essay report sa asignaturang Filipino bilang bahagi ng kanilang huling proyekto sa hayskul:


"Bakit nais kong manatili sa Camiguin???"

By Cecilia Mae Borile

Sabi nila, walang malaking nakapupuwing... Ang sabi ko, meron pa rin! Kung ang malaki ay binubuo ng maliliit na bahagi at magkakawatak-watak ito... oo! Ito ay nakapupuwing! Gaya ng aking sinilangang probinsiya... ang probinsiya ng Camiguin.

Kahit maliit lamang ang lugar na ito, pawang malalaki naman ang mga kultura at kasaysayan na matatagpuan dito. Narito ang Underwater Cemetery na naging matubig na libingan dahil sa bulkang sumabog noong 1871 na nagpabago ng kaniyang katayuan. Naririto rin ang Moro Watchtower na dating himlayan ng mga tumakas na babae at mga anak nilang Muslim habang ang mga kalalakihan ay nakikipagsagupaan sa mga pirata. Sa kalaunan ay pinagtayuan na ito ng aking naging eskuwelahan na nakapaligid sa kaniyang relika.

Mababakas din ang kakaibang pamumuhay noon sa isla sa napuntahan naming Enigmata Art Gallery na tiyak patok na puntahan ng maraming turista. Bukod sa mga ito, hindi rin papatalo ang isla sa kanilang magagandang tanawing kayang ipantapat sa iba pang panig ng mundo...

Ang napakalinis na White Island... Arden Hot springs... Hibok-Hibok... Sto. Niño Hot Springs... ilang bakasyunan sa Mambajao at ang sikat na isla ng Mantigue.

Ngunit bakit nga ba nais kong manatili sa Camiguin?

Tinatanong pa ba iyan? Siyempre dahil sa mga masisiyahing tao rito! Ay ambot... Masaya akong nakakakita ng ngiti sa bawat isa. Ngiti na nagbibigay kulay pa lalo sa aming bayan... sa Barangay Catohugan! Mga ngiting sumasagisag ng simple sa kabila ng kahirapan ng mga tao. Mga ngiting bumubuo sa Camiguin... sa probinsiya nako!

At ano nga ba ang ngiting mas nangingibabaw sa Camiguin?

Siyempre... ang ngiti na kasama ko ang pamilya ko... Ang mama... ang kuya... ang aking ate... Magkakasama sa bahay at laging masaya.

Ang pamilya ko na inspirasyon ko kung bakit nais kong manatili sa Camiguin.

Makakarinig ng palakpak si Chela sa kasamang si Magnus habang hawak ang papel na ginawa ng dalaga. Nasa labas sila ng kanilang classroom sa may upuang bato.

"Wow! Nakakaiyak naman masyado itong essay mo Chels! Puwede na itong speech mo sa pagkuha ng award sa recognition day natin", wika ni Magnus

"Ganun talaga... Buong puso ang pinuhunan ko diyan anoh! Tsaka, napamahal na rin talaga sa akin ang probinsiya eh...", sabi ni Chela na nakatitig sa malayo

"Ako rin...", wika ni Magnus na titingin sa hindi nakatinging mata ng dalaga, "Napamahal na rin ako sa'yo..."

"Hahh??", mapapahintong ani Chela at lilingunin ang kausap

"Ah... Napamahal na rin ako sa'yong essay ba. Ang sayaeh! Akalain mong sinakto mo talaga sa 300 words na limit ah...Hihi!", wika ng natotorpeng binata at ibibigay sa dalaga ang papel na hiniram

"Ah...",patuloy ni Chela, "Sayang nga kung mas mahaba pa sana... mas marami akong sasabihing maganda tungkol sa probinsiya"

"Nabanggit mo yung salitang 'laging masaya' sa pamilya mo... Totoo ba? Kasi noong huli naman akong dumalaw sa bahay niyo eh parang hindi naman kayo nag-uusap madalas ng mga kapatid mo..."

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now