KAPILTULO 21

285 1 0
                                    

Pagkatapos ng misa para sa kanilang recollection sa umagang kay ganda ay isinagawa naman ang recognition sa dulong hapon upang makaiwas sa matinding sikat ng araw.


Naroon ang mga estudyante ng programang K-12 at naglipana rin ang mga bulaklak na pang-displi sa mga damit ng magsisipagtapos. Marami rin ang nagbaon ng kanilang mga kamera upang makapag-selpi habang wala pa ang seremoniya. Nasa quadrangle ang mga upuang monoblock at ilang benches sa paligid para naman sa dalang guardian ng mga naka-uniporme. Sinimulan na patugtugin ang Ceremonial March habang nag-aayos sa kani-kanilang pila ng pangkat ang mga estudyante.

Bababa mula sa isang owner si Magnus kasama ng kaniyang nanay at ang nag-drive na titser na ama. Ang ina ay makakausap ang ilang gurong katrabaho ng asawa at maiiwan sa hindi kalayuan ang anak na si Magnus. Maghahagilap ng ilang tao sa paligid si Magnus at titingin sa cellphone na ang wallpaper ay kaniyang larawan na kasama ang modelong si Bella Padilla nang minsang napabakasyon ito sa 'Paras Beach Resort'. Maya-maya ay may kakalabit sa kaniyang mga kaklase.

"Hohoho... Bro! Happy Last day sa school!", banggit ng isang binata na kasama ni Magnus sa Sepak Takraw na isport kaakbay ang isa pang babae.Makikipagkamay ito sa isa pang binata at tatapikin ang dibdib,"Mukhang kinakabahan ka... Enjoy!"

"Hindi naman sa ganun... kaya lang siyempre magkahalo ang lungkot at saya kasi ito na ang pagtatapos ng pagkikita-kita natin sa klase eh!",sambit ni Magnus na titingin sa isa pang babaeng kaakbay ng kaniyang kaklase

"Sus...para namang ito na talaga ang last nuh! Marami pang araw ang darating... alam kong magkakasama-sama pa rin tayo kapag may time",wika ng babae na mapapatingin sa katabing lalaki, "Hindi ba...Bae?"

Itataas ng lalaki ang kaniyang dalawang kilay sa babae at hahalikan ito sa pisngi, "Yes Bae! Tsaka Magnus... parehas naman tayo ng lilipatang papasukan I'm sure! Hindi ba't magsi-Senior High ka rin sa Cebu Institute?"

"O...Oo!", sambit ni Magnus na tila may hinahagilap sa paligid, "Pero hindi ko sure kung matutuloy ako... Marami rin namang ibang schools dito sa Camiguin na nag-ooffer na rin ng Grade 11 at 12, baka dito na lang din ako!"

"Ayun... Ayaw mo talaga sa ibang probinsiya, hindi na bale Bro... alam ko naman ang tunay na dahilan kung bakit mo gustong mag-stay dito eh! Hehe!", dagdag ng katapat na lalaki at sasabayan naman ng pagtawa ng babae, "Ayaw kasing malayo sa future wife niyang dito lang din mananatili sa prubinsiya... kumustahin mo na kaya Bro, ayun oh!".Ituturo ng panguso ng lalaki ang isang babaeng naka-side view sa malayong likuran nila na ikakangiti naman ni Magnus.

"Well...Good luck sa panliligaw mo kay Miss Topnotcher!", banggit ng lalaki at kakamayan muli si Magnus, "Paano? Text text na lang!"

"Yes and... Amping!", wika ng babae na hahalik sa pisngi ni Magnus bago tuluyang lumisan

"Sige...Salamat!", pangiting sambit ni Magnus at ibabalik ang tingin sa isang babaeng maraming kumakamay na estudyante. Dahan-dahan niya itong pupuntahan at kabadong iaangat ang kanang kamay upang kumustahin ang magandang dilag.



"Hi!!!",pangiting banggit ni Magnus kay Chela nang masolo ito at hahalikan sa pisngi, "Bag-o ka lang dito Miss???"

"Haah???",pagtataka ni Chela sa biro ng kausap at hahampasin ito ng mahina sa balikat. May suot na corsage sa damit ang dalawa, "Hoy! Haha... Ang lakas mo sa mga joke nuh!".

"Eh, gusto lang kitang pakalmahin at patawanin... kumusta ang First Honor namin?"


"Eto...ayos lang! Kasama ko sina nanay at Ate Sabrina!", sambit ni Chela na ituturo sa kabilang bahagi ang mga nakaupong guardian. Mangangati ang lips ni Chela na walang lipistik.

Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon