17 YEARS LATER

437 0 0
                                    



Puno ang eskuwelahan ng mga nakaunipormeng estudyante.







 Ang mga lalaki ay nakapantalong kakki at may puting polo habang ang mga babae ay palda at blouse ang suot. Ang mga guro ay luntian ang pinaka-kulay ng damit habang ang mga guwardiya ay natural na puti at kumpleto sa mga parapernalya. Nakasentro sa loob ng eskuwelahan ang monumento ni Lapu-Lapu na ilang hakbang lamang ang layo sa pinaka-gymnasium at laboratory room para sa mga estudyanteng nag-eeksperimento. Ang computer room nito ay wala pang internet access habang may kaliitan naman ang lawak ng buong eskuwelahan na hanggang Junior High level lamang ang kaya pang ituro dahil sa kakulangan ng titser. Malalaki ang mga gusali habang mga nagtatayugang puno ng lanzones ang pinaka-atraksiyon sa loob. Mula sa isang classroom ay lalabas ang mga mag-aaral sa Grade 10 at maglalakad sa kanilang luma at lubak-lubak na ring pathwalk palabas ng eskuwelahan.

"Chela!!!",banggit ng isang humahabol na guwapong lalaki bitbit ang bag sa likod ng isang disisiyete anyos na maputing tinedyer, "Diin ka mulakaw?"

"Ah...pupunta ako sa computer shop sa may palengke! Gusto ko kasi matapos na yung pinapagawa ni Sir na research at makauwi nang maaga", ani Chela sa binata

"Hah???",banggit ng lalaki kasabay na sa paglalakad si Chela. Titingin ito sa cellphone na hawak, "Maaga pa naman ah! Mamasyal na muna tayo! Treat ko..."

"Huwag na! uubusin mo pa pera mo sa ako!", dagdag ni Chela, "Mabuti pa ipunin mo na lang iyan para sa iba pa nating bayarin sa graduation!"

"Huwag ka nang mag-alala... ako ang bahala!"

"Dili na! Ang dami mo na ngang nailibre sa akin eh... Ultimo pambili mo ng bagong Jordan Shoes eh naipahiram mo pa para sa akin dahil sa bayarin natin!", ani Chela na hihinto sa may bench na may magkaakbay na magsyota at hahawak sa braso ng kausap, "Itago mo na lang iyan!"

Magsisimula muli silang maglakad kasabay ng ilang estudyante at magpapatuloy sa pag-uusap, "Oh kung ayaw mo... kahit sa bahay na lang! Sabay na tayo mag-research sa PC ko!"

"Masyado na akong nauuwaw sa imong mama giyud!", dagdag ni Chela, "Baka isipin niya... inaabuso ko ang kabaitan na ipinapakita mo sa akin..."

"Naunsa ka!? Hindi naman ah...", banggit ng guwapong lalaki at biglang magsasalita ng mahina, "Sa katunayan nga eh, boto siya sa imoha!"

"Hahh??",mapapahintong ani Chela at magtataka

"Ah...ang sabi ko, boto siya sa'yo para maging first honor sa klase natin!Hihi!"

"Ah...",patuloy ni Chela, "Nabanggit mo na rin pala sa kaniya yung status sa ranking natin... Sure ako na masaya rin ba siya na mupasok ka sa top ten!"

"O...Oo! Tsaka...", banggit ng lalaki na iaangat ang kamay sa hangin upang umakbay sa dalaga at biglang magsasalita ng mahina, "Masaya rin siya sa ah---ten!"

Hindi matutuloy ang akbay ng binata nang biglang tumunog ang cellphone nito.

"Oh! Baka ang papa mo... may nakalimutan ka na naman ata sa office niya!",ani Chela na makakalabas na ng gate ng paaralan na susundan naman ng binatang kausap upang maghintay ng dyip.

Pahalakhak na tatabi sa dalagang sing-taas lang din niya ang binata habang hawak ang cellphone na XPERIA Z.

"Hoy! Ang daming tao dito oh! Gawa ka na naman ng eksena... patay ka sa imong papa karun! Kung makatawa mura'g wala nay ugma", wika ni Chela

"Eto kasing si Randy... yung freshman na kasama ba natin sa Theater Club!Nagtext ng gitik-gitik!", masayang banggit ng binata na pinagpapawisan na rin sa init

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now