KAPILTULO 27

293 0 0
                                    

Kainitan at ang paligid ay nanatiling mapagmatiyag laban sa lumalalang insidente ng pagpatay at pagnanakaw. Ang ilang kanto ay sinimulan na ring magtalaga ng mga checkpoint ng mga sundalo para ma-check ang mga sasakyang lumalabas at pumapasok sa bawat barangay. Sa kabilang banda, ang magkapatid na Sabrina at Sebastian naman ay inumpisahan ang paghahanap ng trabaho mula sa mga opisinang airconditioned hanggang sa ilang sakahan at commercial establishments.

Nagpasa sila ng mga bio-data sa mga may bakanteng posisyon kahit na ang karamihan ay talagang gradweyt ng kolehiyo ang kinakailangan. Sa pagkapagod ng paglalakad ng dalawa ay mapapadpad sila sa isang bagong tayong convenience store upang pumasok dito at bumili ng maiinom.

"Dalawang mineral po...", banggit ni Sabrina sa tinderong nakasumbrero at kukunin ang pera sa pitaka upang bayaran ang binili at samahan si Sebastian na naiwan sa labas ng tindahan

"Oh! Uminom ka muna", wika ni Sabrina sa kapatid na nakaupo sa gilid ng convenience store

"Salamat...", sabi ni Sebastian at kukunin ang ibibigay na mineral water ni Sabrina upang inumin, "Parang maglisod-lisod pa man bitaw tayo sa pagpangita ng trabaho niyan... bumalik na lang kaya ako sa azucarera..."

"Naku... mubalik ka pa? Eh ang dami mo nang nakaaway dun... baka kainin mo pa sila isa-isa eh lalo pa tayong mapahamak..."

"Kung sa bagay tama ka... kung bakit kasi tayo isinumpa ng Panginoon eh..."

"Baste... hindi tayo sinumpa. Sadyang naiiba lang tayo sa normal na tawo. Alam ko namang may tamang pamamaraan kung paano natin mapipigilan ang ating mga sarili ng pagbabagong anyo eh...", wika ni Sabrina na titingin-tingin sa paligid at mas mahinang magsasalita sa kausap,"Kung paano tayo mas mamumuhay nang hindi nagiging halimaw..."

"Eh magpatingin kaya tayo sa duktor... sa mga espesyalista ng pagbabago-bago ng anyo! Siguro naman ay may paliwanag sila sa kung anong sakit mayroon tayo 'di ba?"

"Ah... Ambot! Naisip ko na nga rin iyan eh... Hindi ko alam kung may maniniwala sa atin pero hayaan mo't kapag napag-ipunan ko ang pagpapatingin na iyan, samahan mo ako sa ospital nang malaman ang tunay na kondisyon sa ating katawan", wika ni Sabrina na makikita ang paglabas ng isang ale sa convenience store bitbit ang nakataling alagang Labrador

"Si Tatay Kier... siya ang nakakaalam ng lahat ng ito! Kung hindi lang naubos ang lahat ng angkan nila dati, sana ay may nagpapaliwanag sa atin karun ukol sa mga bagay na ito!", sabi ni Sebastian hanggang titigan sila ng dalawa ng Labrador sa malayo at kahul-kaholan ang mga ito


ARRRF! ARRRRRF! GRRRRR....

Inaamoy at galit na galit ang aso sa kambal na nakaupo sa tabi at mapapansin ng amo nito ang pagsugod sana sa dalawa kaya hinila nito ang alaga para makapasok sa kaniyang nakaparadang sasakyan at ngingiti ang ale sa kambal.

Nang makalayo ang sasakyan ng ale ay aalis na rin sa naturang convenience store ang dalawa upang makapagpatuloy sa paghahanap ng trabaho. Inabot sila ng hapon at ang tanging maaaring puntahan na lamang nila ay ang maliit na pagawaan ng sweet corn sa dulo ng kanilang barangay.

"Manong... magtatanong lang po!", sambit ni Sabrina sa guwardiya sa may gate ng pagawaan

"Unsa'y imong gipangutana day?", usisa ng guwardiya

"May hiring po ba diri?", dagdag ni Sabrina habang lumililim sa may shed si Sebastian

"Hiring???",wika ng guwardiya, "Kailangan nila ng drayber ngayon eh... tawagan ko lang ang ilang Its-Ar!"

"Si...sige po!", sambit ni Sabrina na tumitingin sa naghubad na ng pang-itaas niyang damit na si Baste sa may shed dahil sa init. Pupunta sa guardhouse ang guwardiya upang tumawag sa telepono at maiiwan sa may tabi si Sabrina. Ilang saglit pa ay lalapit muli ang guwardiya sa dalaga at kakausapin ito.

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now