KAPILTULO 16

488 0 0
                                    



Mahigit isang taong makalipas ng isang insidente sa Isla ng Mantigue ay namuhay ng normal at masaya ang pamilya ni Cassie. Masasaya ring naglalaro ng ilang laruang pambata sa sahig ang kambal na patuloy din sa pagbigat dahil sa nakakaing masusustansiyang pagkain. Ang buong kapuluan ay naging tahimik na sa mga ulat tungkol sa pagpatay ng mga 'Asowang' na naging paraan ng mga tao upang maalis sa kanila ang takot at pangamba.

Isang dapithapon nang dumating sa mansiyon ang matipunong lalaking naka-kotseng itim at ipaparada ito sa katabing pintuan malapit sa kanilang fountain. Bababa ang lalaking naka-unipormeng pampulis SAF at pupunta sa kanilang salas na bubungad naman ang dalawang mababait na anak.

"Dada!!!",banggit ng lalaking anak na sasabayan din ng makulit na isa pang babae

"Oh...Kumusta ang aking mga chikiting ting ting ting???", wika ng pulis na bubuhatin ang dalawang anak at paghahalik-halikan ang mga ito. Bababa mula sa hagdan ang napaka-seksi at nakabestidang si Cassie. Suot pa rin ni Cassie ang dalawang hikaw na pangil.

"Well...kanina ka pang hinihintay ng mga iyan! San Dada? ng San Dada nga sa akin eh!", sambit ni Cassie na titingin sa mukha ng pulis

"Hahaha! Namimiss agad ako? Saglit lang naman akong ipatawag ni Chief eh...siguro gusto nitong makipag-play do na naman sa akin anuh?"

"Hehe! Yung lalaki gusto baril-barilan daw kayo tapos yung babae naman...horseback sa likuran mo ang gusto. Alangan namang ako ang mag-asikaso sa kanila eh lagi ako abala sa kusina at sa bunso natin!", sambit ni Cassie na hahalik sa labi ng pulis

"Ayun!!!",wika ng pulis at ibababa ang dalawang anak upang makapaglakad sa sahig, "Lagi niyo pa lang ginugulo ang mama ninyo! Kayo ah... huwag kayong masyadong makulit kapag maraming ginagawa ang mama niyo!"

"Dada...Mama...", banggit ng babaeng anak at matatawa pa lalo ang pulis at si Cassie

"Oh siya... para makapagsimula na tayo sa laro natin... Group Hug muna!!!", wika ng pulis na paluhod na papupuntahin ang mga bata sa kanya at aakapin ng ina upang makapag-group hug habang makalat sa kanilang sofa dahil sa mga laruan.


SAF Commander Raphael Borile III.

Nasa kuwarenta'y dos anyos ito nang maging SAF Commander dahil sa sunud-sunod na promotion na ginawa sa kaniya at in-assign sa Central Visayas. Laking Maynila ang lalaki at pangatlo sa kanilang angkan na naging pulis. Isa sa pinakamahalagang bahagi sa buhay niya ang gawaran ng medalya dahil sa pagtugis ng mga 'Asowang' sa may Siquijor at karatig lugar. Mula nang matunton ang huling natitirang halimaw sa isla ay nakilala niya si Cassandra Eriguel at dalawa nitong anak. Inilikas sila sa isla at binigyan ng buhay sa bayan upang mas maprotektahan at makapamuhay ng normal. Iyon din ang araw na magsimulang tumibok ang kaniyang puso sa napakakinis at mayuming dilag na si Cassie... pinakasalan sa huwes at isinunod ang apelyido sa anak.

Ilang saglit na napagod sa paglalaro ang mga bata at ang amahin; ay niyaya na sila ng ina sa hapagkainan upang kumain.

"Oops! Handa na ang hapunan... Tara na!", yaya ni Cassie sa tatlo na nasa salas

Ang kanilang kainan ay malapit sa maliit na kusinang naka-granite ang lababo. Ang kanilang tubig ay malinis na nanggagaling sa water district at kung minsan ay namumutol dahil sa mga pinapaayos na mga tubo sa kani-kanilang customers. Mababaw lamang ang mga upuan na nakahanda para sa mga maliliit na bata at ang lamesa ay gawa sa malapad na katawan ng narra at nilagyan ng barnis pampakintab. Naroroon ding nakadisplay ang ilang mga pinatuyong pangdekorasyon ng nakuha pa sa isla noong magkasama pa roon sina Cassie at Kier. Kita sa kanilang bintana ang mayayabong na puno ng lanzones at ang ilang mga poste ng ilaw na nagpapaliwanag sa labas ng bahay kapag magdidilim. Magdarasal muna ang mag-anak bago kumain.

Ning KalibutanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt