KAPILTULO 11

475 1 0
                                    

Alas singko ng hapon sa orasan nang buksan ng isang lalaking silahis na malaki ang tiyan ang kanilang telebisyon sa salas. 

Malinis ang buong bahay at kahit na walang katulong dito ay napapanatiling nasa maaayos na kondisyon ang mga pang-display at ilan pang dekorasyon. Nakasara na rin ang mga blinds ng kanilang bintana hanggang sa maisipan ng lalaki na kunin ang kaniyang cutix kit sa ilalim ng cabinet at pumuwesto sa upuan upang manuod ng palabas. May kakatok sa kanilang pintuan... magbubukas... tutunog ang mga wind chime at didiretso ang pumasok sa lalaking abala mag-manicure sa sarili.

"My Loves!!!", bungad ng babae sa kaniyang asawa

"Oh well Darling Muwah!", sambit ng lalaking naka-foundation sa babae na may hawak na mga folders at hahalik sa pisngi nito, "You've been so busy today ahh.."

"Well... marami lang ang pinagawa sa amin ng professor ko!", ika ng babaeng kulot at maitim. Nasa lampas trenta'y singko na ito at ang kaniyang asawa naman ay dekada 70 isinilang.

"Talagang super career ka sa pagdo-doctorate mo darling..."

"Siyempre...para naman makapagsabayan na ako finally with the family on the side of yours...", wika ng babae na uupo sa couch at magpapahinga, "Ever since na nagkasama tayo... they always exclude me on your special
gatherings..."

"Wow...ang drama mo naman teh!", sambit ng lalaki na itataas ang paa sa kinauupuan at magtatanggal ng mga ingrown, "Pinakasalan kita not because you should be like them... like my family but of course...you are totally beautiful!"

"Ay...paulit-ulit na litanya mo na iyan sa akin eh... pero I am just concerned to you!", wika ng babae at lalapit sa kausap, "Ang dami nang maintenance na gamot ang ginagamit mo para lang malunasan yung mga karamdaman mo sa katawan and the fact na hindi kita tutulungan... para na rin kitang pinatay niyan. Tiyak ako ang ipakukulong ng mga magulang mo nuh!"

"No!",pasigaw na sambit ng lalaki, "They cannot do that! Alam nilang malaki ang utang na loob ko sa iyo... Kung hindi dahil sa pagwi-witness mo na nakitang inihalo ng dati kong kinakasamang boyfriend ang lason sa ininom kong milk tea, malamang malayang nambibiktima ng iba pang kalaguyo yung taong yun! Agnasin na sana siya sa kulungan na iyon!"

"Well...ibang usapan ang pagsagip ko sa iyo sa role ko bilang asawa mo! At least, yung pride na ipinagmamalaki nila ako bilang asawa mo at hindi parang nurse mo lang dito sa sarili mong bahay"

"Your presence...", sunod ng kaniyang asawa, "Your presence is enough...your love is precious... and your body is worth more than a wonderland na!"

Ngingiti ang babae at magpapatuloy, "Heeeh... ikaw ah! Ang lakas mo talagang mambola! Kung sa bagay, kaya nga kita pinakasalan kasi matalino ka at sobrang maintindihin sa kapwa. You are one of a kind... and thank you for making me as a woman of every man's dreams... of being Mrs. Los Santos!"

Hahalikan ng babae ang kaniyang asawa at magugulat sa pag-ring ng telepono.

"Oh! Sagutin mo muna, baka namimiss ka na ni mama...", pabiro ng lalaki

Ngingiti ang babae at pupuntahan ang telepono malapit sa kanilang telebisyon at katapat ng malaking salaming imported pa galing Scandinavia. Magpapatuloy sa paglilinis ng mga kuko ang lalaki at mababaling ang tingin sa headlines ng isang news show sa tv. Mabilis na pupuntahan siya ng asawang babae pagkababa ng telepono at pakuyakoy na uupo sa couch isang dipa mula sa asawa.

"Then... who's the one calling you over?", tanong ng lalaki

"Si Nymfa! Kailangan na raw bukas mag-submit sa professor namin ng thesis title proposal para sa doctoral studies namin..."

"Then... what did you say???"

"I'm still thinking about it... Ang hirap kasi kung puro about politics and poverty ang ilalagay ko doon. Napaka-common na kasi eh! Ikaw my loves? Any suggestions?"

"One thing that I could suggest to you is that a study that is minimal to have known by the people... Yung hindi pa naiintindihan ng tao and yet you will initiate to tell stories and facts for them!"

"Pero, hindi kaya mahirapan ako ng masyado doon?"

"Yes! The more difficult the study you will present... the more challenging and interest your mentors would applaud your doctorate status...", wika ng lalaki na matatapos sa paglilinis ng mga kuko at ililigpit ang mga ginamit para itago sa may cabinet.

"Okay... may point ka nga diyan! Pero kakayanin ko ba? I'm sure, through researches lang ay marami akong gagastusin diyan..."

"Darling... I trust you! And I know you can do it! Nung masteral mo nga lang eh I salute your efforts to finish the course... I am here to support you... I am your husband!", wika ng lalaki na didiretso sa comfort room para magbawas ng mga natunaw na kinain





Maiiwang nag-iisip sa couch ang babae... Kukunin ang mga magasin na babasahin sa ilalim ng kanilang glass-typed table at maghahanap ng ilang topics. Naroroon din ang isang diyaryong hindi natapos ang crossword na English kaya siya ay nawiling ipagpatuloy at magsulat. Habang nagmumuni ay mababaling ang tingin niya sa nakabukas na tv. Headlines ang mga nangyaring patayan sa Siquijor. Marami ang nagsipag-iyakan...maraming nag-alay ng panalangin... maraming nangulila sa pagkawala ng mga mahal nila sa buhay. May isang pamilya roon ang ininterbiyu na sobrang nagngangalit sa mga pesteng halimaw na tinatawag nilang 'Asowang'. Mga taong nagiging aswang at kumikilos na parang asong buang. Isang 'Shalani' na taga-Cebu ang sobrang iniyakan ang puntod ng kaniyang mga kamag-anak na lalo pang nasaktan nang malamang dinamay ng mga halimaw ang bagong panganak na sanggol ng kaniyang pinsan. Ayon sa ulat ng mga pulis, 833 ang pawang mga nasaktan at pinahirapan ng mga halimaw sa isla at nasa 45 ang mga namatay kabilang na ang tatlumpu sa mga hinihinalang pamilya ng mga 'Asowang'.


Full Alert ang buong rehiyon at lahat ng tao ay may kani-kaniyang text hotline number kung saka-sakaling may makitang kakaibang ikinikilos na mga tao sa paligid at kahit na dayo lamang sa kanila. May pulis din doon na ikinapanayam na ayon sa report nila ay natunton na ang pinagtataguang kuweba ng mga 'Asowang' at inisa-isang pinatay ang mga nakatira upang tuluyang maubos ang mga lahi nito.


May ilang larawan na rin ang hawak ng pulisya ukol sa mga natitirang miyembro sa angkan ng mga 'Asowang' na pinaghahanap habang ang ilang katawan naman ay patuloy na sinusuri pa upang malaman ang kondisyon o virus na nakukuha ng mga taong halimaw na ito sa kanilang pagbabagong anyo. Ang iba pang lokal na balita naman ay patungkol sa sunud-sunod na panalangin ng mga tao sa krimen na nangyayari sa Siquijor,pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law sa Mindanao at ang masigabong selebrasyon ng Sinulog sa probinsiya ng Cebu. Magpapatalastas ang istasyon sa tv at darating naman sa upuan ang lalaking asawa upang yayain ang asawang kanina ay seryosong nanunuod sa telebisyon.

"Darling...", sabi ng silahis na lalaki, "Shall we???"

"Uhmm... I guess I have a thesis title already!", banggit ng babae na tatayo at titingin sa asawa

"Then...", sabi ng lalaki na kukunin ang remote control ng tv sa gilid ng glass table at ii-sleep mode ang appliance, "We should discuss that in our dining room"









Aalis ang lalaki at maiiwang nakatulala ang babae. Bago magsimulang maglakad ang babae ay mahina niyang iwiwika ang mga katagang... "Okay!"

















Ning KalibutanWhere stories live. Discover now