KAPILTULO 39

201 0 0
                                    

Ilang araw na nawala rin ang selos ni Pietra kay Chela at hinayaan niyang matapos ang ginagawang proyekto ng buong klase upang masolo na talaga nito ng bonggang-bongga ang kasintahan. 




Ang seating arrangement ay naroroon pa rin sa ilang asignatura at patuloy pa rin ang mga discussion upang may matutunan ang mga estudyante. Nakaupo na sa kaniyang silya si Magnus nang kalabitin ng papasok pa lang na si Jarred ang kasabayang si Chela at ibibigay nito ang balot na Hershey's na dala.

"Uy! Salamat...", banggit ni Chela kay Jarred, "Teka... ako lang ba?"

Ipapatingin ni Jarred ang isa pang balot na mga tsokolate sa bag, "Para sa mga tropa! Nagpa-package galing Nepal yung Tito Leo ko! Tanggapin mo na habang nagkaklase"

"Sas... Salamat ulit!", banggit ni Chela at tutunguhin ang upuan na katabi ni Magnus. Napansin din ni Magnus ang pag-uusap nina Chela at Jarred malapit sa may pintuan at uusisain ito sa pag-upo.

"Nanliligaw ba sa iyo si Guanzon?", tanong ni Magnus pagkatapos sumulyap kay Jarred

"Ha? Sino? Si Jarred?", banggit ni Chela, "Kaibigan ko lang siya! Coincidence nga kasi siya pala yung nahiraman ko ng ballpen dati sa enrolment eh! Mabait si Jarred!"

"Eh yung binigay niya sa'yo?", tanong ni Magnus at titingin sa hawak na mga tsokolate ni Chela

"Ah... Bigay niya sa buong tropa namin! May nagpadala raw kasi sa kanila eh... Gusto mo ba?", banggit ni Chela, "Halika at tikman natin habang wala pa si Ma'am!"

Bibigyan ni Chela ng dalawang piraso si Magnus at bubuksan ito. Isusubo ni Magnus ang isang tsokolate habang ang isa pa ay isusubo niya sa bibig ni Chela.




"Masarap ah... Eto! Ikaw naman ang tumikim!", yaya ni Magnus

"Huh??? Uy! Baka pagselosan na naman ako ng girlfriend mo niyan Sobrefin!"

"Sssshh... huwag mong intindihin yung baliw na yun! Alam niya kung ano ang susunod na mangyayari kapag ginawa niya ulit yung ganun sa iyo! Kung werewolf lang ako... kakainin ko talaga siya ng buhay! Haha!", sabi ni Magnus

"Alam mo... loko ka rin nuh! Kagaya mo yung close friend kong Magnus din ang pangalan sa amuhang purbinsiya! Makulit yun! Sobra...", banggit ng dalaga at masayang isusubo ni Magnus sa bibig ni Chela ang nabalatang tsokolate

Mula sa malayo ay mapapansin ng mga nakaupong sina Pietra at Emily ang harutan ng dalawa habang sina Tiffy at Howie ay naglilinis ng naalikabukan na mga arm chairs nila.

"Alam mo Sis... gustung gusto kong paniwalaan si Magnus na wala siyang nararamdamang iba kay Chela... pero sa tuwing nakikita ko ang pagiging malapit nilang ganyan sa isa't isa... daig pa nila yung magkasintahan na kami ni Magnus eh! I need to take some actions.....", napapakagat ngiping sambit ni Pietra

"Kung sa bagay, may point ka nga diyan Sis!", sabat ni Emily, "Bakit mo pa hihintayin na maagaw na sa iyo yung mahal mo kung dapat sa umpisa pa lang ay gumawa ka na ng bagay na hindi magpapalala ng paglayo niya sa iyo!"

Ihaharap ni Pietra ang mukha niya kay Emily, "Tell me Sis... pangit na ba ako? Kapalit-palit ba ako?"




"Sis... consistent Miss Intrams ka ng batch natin since then! I don't think na hindi ka magiging Miss Intrams ngayong Senior High! Mas maigi na si Magnus ang sumagot niyan sa iyo!", sabi ni Emily sa kausap

Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon