KAPILTULO 30

526 0 0
                                    

Magsisipag-uwian na ang ibang trabahador ng bar nang huling utusan si Sabrina ni Bekilita na itapon ang ilang basura ng loob sa pinakadulong drum ng basurahan sa labas.



Mag-isang tinapon ni Sabrina ang mga basura sa may madilim na bahagi ng labas ng bar nang biglang may nagtakip ng kaniyang bibig mula sa kaniyang likod at hinampas ito ng walang lamang Mucho sa ulo upang ito ay makatulog. Ilang saglit pa ay imumulat ni Sabrina ang kaniyang dalawang mata at makikita ang pagmumukha ni Jessica.

"Kumusta... Sabrina Borile!", nakataas ang kilay na banggit ni Jessica sa nakagapos sa may punong madilim na si Sabrina

"Ah... Je... Jessica? Ba... bakit ako nandito?", tanong ni Sabrina

"Nandito ka para sunduin ni Christian... ngayon na raw ang flight niyo sa langit!", banggit ni Jessica habang tinitignan ng dalawa pang kaibigang dancers sa likuran, "Or should I say... sa impiyerno!!!!! Ha ha ha!"

"Ah??? Anong pinagsasabi nimo?", muling tanong ni Sabrina

"At nagmamaang-maangan ka pa ah... alam ko na ang plano ninyo ng boyfriend ko! Suko ko nimong mang-aagaw!", banggit ni Jessica at sasampalin ng malakas si Sabrina sa kanang pisngi nito, "Malandi ka!", sampal sa kaliwang pisngi at isang malakas na sabunot,"Pokpok!"

"Je... Jessica! Hindi ko siya inaagaw sa iyo!", sigaw ni Sabrina

"Eh ano ang tawag mo sa pagdidikit-dikit kay Christian? Kaibigan???"

"Kinakausap niya ako kasi marami daw siyang problema tungkol sa girlfriend niya...mga bagay na kinaiinggitan niya sa ibang lalaking nakakahanap ng matinong tao"

"At ano ako? Abnormal??? Baliw??? Walang kuwenta???", banggit ni Jessica, "Pare-parehas lang sila nina mama ug akong papa! Pinabayaan ako kasi wala akong kuwentang anak! Kaya ako nagrebelde...hindi na nagtapos ng pag-aaral at nagpaka-dancer sa klab para buhayin ang sarili ko! Tapos ngayon... nandito ka! Inagaw mo pa ang pinakamahalagang tao sa buhay koooooo!"

Mula sa pintuan ng bar ay magpapaalam ang kaibigang lalaki ni Sebastian bago umuwi ngunit hahanapin naman ni Sebastian ang kapatid hanggang maamoy nito ang dinaanan ni Sabrina papuntang basurahan.

"Alam mo... Sabrina! Wala kayong pinag-iba ng kapatid mong mang-aagaw din!", mas galit na banggit ni Jessica sa nakagapos

"Ha??? Kilala mo si Baste?", muling tanong ni Sabrina

"Si Sebastian Borile... ang umagaw sa kasintahan ng kuya kong si Rey Butsoy!", nakatingala sa mga bituin na banggit ni Jessica, "Oo Sabrina... kapatid ko si Rey! Ang pinatay ng kapatid mo!"

"Jessica..."

"Alam ko... kahit hindi pa matibay ang mga ebidensiya namin! Kapatid mo ang pumatay sa kapatid ko!!! Kaya ngayon...", ani Jessica at kukunin ang ibibigay na Muriatic Acid ng kaibigang nakasalamin atdahan-dahang ibubuhos sa mukha ni Sabrina, "Ikaw naman ang papatayin k..."


"Huwaaaaaaag!",pigil ni Sebastian sa hindi kalayuan

Ibababa ni Jessica ang hawak na Muriatic Acid at uutusan ang dalawa pang kasamang babae, "Oh nandito na pala ang dakilang kapatid!!! Girls...sayawan niyo muna ang isa pang mang-aagaw na iyan!"

"Jessica... huma na!!! Grrr...", wika ni Sabrina at pawang nagagalit

"Bakit???",ani Jessica at matatahimik ang lahat at titingin ang dalawa pang dancers sa nakagapos, "Akala mo ba ay matatakot mo ako?!"

Itatapat ni Jessica ang hawak na muriatic acid sa mga mata ni Sabrina nang may mabalahibong kamay at mahabang kuko ang pumigil dito at hinawi ang kamay ni Jessica upang maging dahilan ng pagkabagsak ng muriatic sa tabi ng halamanan. Bigla-biglang malulusaw ang mga dahon ng halamanan at mapapatingin sa kaniyang likuran si Jessica, "Ha... li... maw!"at tatambad nga sa kanya ang dambuhalang halimaw... (mahahaba ang pangil, buo-buo ang laway, ang ilong ay patusok, malaking ulo,tengang sampung beses na mas malaki sa tao at ang mga mata ay naninilaw). Uungol ito ng malakas.





Ning KalibutanWhere stories live. Discover now