KAPILTULO 5

695 1 0
                                    

Tanghaling tapat.






Ang buong probinsiya ng Cebu ay patuloy na naging abala para sa malaking pagdiriwang sa kanilang Kapistahan. Ang mga mamimili ay tsumatsamba ng murang bilihin sa palengke at makabili ng mas maaga. Isang babaeng may bendahe ang braso ang nagligpit ng kanyang mga gamit sa paninda at nagbilang ng pera sa plastik na arinola upang malaman ang mga kinita. Sa puwesto niyang puro isdaan, naninilaw na rin sa sobrang dumi ang bumbilyang ginagamit sa pagtinda habang ang timbangan na digital ay kanila namang inutang sa isang kapitbahay upang magamit. Habang nakatalikod at may pagpahid sa mga pawis ay may biglang tatawag sa kanyang may hawak na isang isda.

"Neng! Tagpila man ang tulingan?", tanong ng isang ginang

"Ah... 130 usa ka kilo!", sagot ng babaeng tindera, "Murag mahal ra ba kay kaunti lang huli kagabi..."

"Okay... pili na ako...", sabat ng ginang na habang namimili at inilalagay sa timbangan ay bigla namang dating ang isa pang dalagitang tindera malapit sa babaeng may bendahe

"Shalani!", banggit ng dalagita at aakap dito

"Oh...", sabi ng babaeng may bendahe pagkaalis ng yakap, "Ganiha pa kita hinintay... Naunsa ka man Peng?"

"Moadto ko kada boy watching ba!", sagot ni Peng na may dalang diyaryo ngunit pagkatapos makapamili ang ginang ay bigla niya itong itatabi sa gilid ng mga sariwang isda at ipaplastik ang order. "Nubenta'y tres ate!", banggit niya sa bumibili

"Mao ra! Sige lang tingin sa mga pogi gihapon... tapos! Kay landi mong babaye!", sabi ni Shalani na naglilinis na ng sarili at nagsusuklay upang makaalis ng tindahan



Habang patuloy ang ingay ng ibang mga tindera't tindero at mamimili sa kalapit na lugar ay magpapatuloy sa kuwentuhan ang dalawa pagkaalis ng ginang.

"Si John Lloyd! Pupunta raw buwas sa plaza! Akong isama mga ka-igsuunan at kaklase... Heeeeh! Keleg mats!", masayang banggit ng dalagita

"Ikaw na talaga Peng! Ikaw na!"

"Teka, hindi ba ngayon ang dating ng pinsan mong si Kuya Dado?", sunod ni Peng na aasikasuhin ang bagong dating na customer

"Ay! Oo gani! Tiyak yun may pasalubong na ginamos sa amin ni Tatang... mga pagkain nila sa trabaho na masarap din ah!", sabi ng may bendaheng si Shalani at mapapansin ang frontpage sa nakatuping diyaryo na dala ni Peng. Kukunin niya ito.

"Waw! Lami giyud... Dala ka bukas ah!", banggit ni Peng na ibabalot ang mga isda na napili ng customer

"Ah... ano kining 'Asowang' na gi-masaker ang isang baryo?", tanong ni Shalani habang hawak ang diyaryo

"Aysus! Mga halimaw daw iyan sa isang bayan sa Siquijor. Nahadlok man ako kaayo kay ang isturya sa ako ni lola ay sinaunang mga taong lobo raw iyan na nagpalipat-lipat ba ng lugar tas unta na-diskubreng diri lang pala kalapit ang kanilang taguan. Kay kaluoy man ang mga biktima diyan... tsk tsk!", banggit ni Peng habang nakatingin sa diyaryong hawak ni Shalani. Mapapatingin sa malayo si Shalani at aalis.

"Oh... mulakaw ka na?", tanong ni Peng sa kasama

"Peng... pa-hulam lang ako sa imong diyaryo, puntahan ko lang sina tatang ngayon!", mabilis na sambit ni Shalani na aalalayan ang kumikirot na may bendang braso at ibubulsa ang pitaka. Pagkalisan nito ay maiiwan sa puwesto ang dalagitang kukunin naman ang silya't uupuan, "Magkita ra kita usab"

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now