KAPILTULO 3

409 3 0
                                    

Gabi na ng makaalis ang barko kasama ng mga pasahero ng bus sa may port papuntang Cebu.

May pangilan-ngilang sama ng alon din dulot ng paiba-ibang temperatura sa langit. Masarap ang tumingin-tingin sa tubig at sa labas ng barko na puro isla ang mababanaag. Ang alat ng dagat ay amoy din ng mga nakasakay rito kasabay ng mga paglangoy ng ilang mga isda at malalaking butanding na pawang nakikipaglaro sa barko. Madilim ang paligid at malamig ang simoy kaya't masarap simulan ang pagtulog at pamamahinga. Mabuti na lamang at nakapagbaon noon ng kumot si Cassie na kaniya rin namang itinapis kay Dado na katabi niya sa Economy Class na pahingahan. 


"Naku... naabala pa tuloy kita!", wika ni Dado sa matanda habang naririnig ang kaunting ingay mula sa kabilang kuwarto na pawang may acoustic band sa party

"Walang anuman... alam kong kailangan mo ito", banggit ni Cassie

"Noong nagpalabuy-laboy ka sa Maynila... wala bang nakakilala sa iyo doon? Sinabi mong tagapagmana ka sa inyo at sikat ang pamilya mo eh! Sana natulungan ka nila kahit papaano", kuwento ni Dado

"Sa kasamaang palad... wala! Actually inisip ko na nga rin iyan na manghingi ng tulong sa ibang tao na kakilala ko o ng pamilya pa namin pero natakot na rin ako at baka lalo nila akong layuan kapag nalaman ang nangyari kina mom at dad..."

"Mabuti kang tao Cassie... sigurado akong pakikitunguhan ka rin nila ng kabutihan... nuh!"

"Alam mo naman na madumi ang pulitika... Dado! At kahit nga ang pakikitungo sa iba pang mayayaman ay katatakutan mo pa rin! May ilan... oo! Mabubuti pa rin naman ang loob, pero sa lahat ng nakilala ng pamilya namin? Wala kang pagkakatiwalaan ng loob mo. Maghahanap pa rin sila ng kapalit, kahit pa nga siguro buhay mo ay hindi pa sapat para ipambayad sa mga tulong na ibibigay nila sa iyo!", nalulungkot na banggit ng matandang babae

"Ganun nga talaga ang daigdig anuh... Masyadong anper ba!", wika ni Dado at kukunin ang isang malambot na unan upang higaan

"Unfair... parang yung nangyari sa mga kapatid mo! Ikaw na nga ang nagpaubaya sa kanila, tapos ikaw pa ang aargrabiyaduhin nila sa huli!"

"Naku, Cassie! Sinabi mo pa! Ganun talaga kapag tayo ang mga bunso sa pamilya... kinaiinggitan! Alam nila kasi na pinalaki tayo sa layaw ng ating mga magulang. Laki sa luho!"

"Ay... iniisip mo rin pala ang mga iyon!", banggit ng matanda

"Natatandaan ko pa nga noong isinilang daw ako ni nanay... Grabe! Kasagsagan ng El Niño sa among probinsiya. Wa kaming makain... wa mainom basta kung ano lang ang naka-istak na mga pwedeng kainin sa bahay... yun lang ang kakainin naming pamilya. Si tatay nga, palibhasa paborito kong tignan ang mga goldfish at seahorse na nakukuha niya sa karagatan, sige siya panghuli kahit mataas ang sikat ng araw! Hala, isang beses nga muntikan na iyon malunod sa tubig kasi inabot sila ng malalakas na alon sa kabilang isla... Mabuti at matibay yung ginawa nilang bangka noon..."

"Siya nga...", sambit ni Cassie na makakakita ng maliliwanag na bituin mula sa nakasaradong babasagin na bintana

"Si nanay... sa bahay lang siya! Siya tagaluto, tagasaing, tagalaba, tagalinis at tagapagpalit ng mga napupunuan kong lampin tapos tuwing darating galing iskwila ang mga kapatid ko... sila naman ang aasikasuhin nito. Tipikal na mga nanay ba! Isang araw nga dati, noong bago ako gumradweyt sa elementarya, naku! Ay naku! Nagreslingan ang dalawa kong koya sa aming maliit na bahay kasi nag-agawan sa iisang babaeng kras nila sa school... Alam mo ginawa ng nanay ko?", wika ni Dado na titingin sa nakatulalang si Cassie

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now