KAPILTULO 14

346 0 0
                                    

Ang pamilya sa Mantigue.





Lumipas ang maraming mga araw at nagsipaglakihan na rin ang dalawang bata. Marunong nang lumakad at paminsan-minsa'y nagsasalita. Ang mga pinatuyong carapace ng pagong ang naging laruan ng kambal na sanggol sa kanilang pananahan sa buong isla. Madalas din ang kanilang pagligo sa may dagat at ang pagsuso sa ina na nagdudulot sa kanilang makapagpahinga ng sobra kapag sasapit ang gabi. Mas pinatibay naman ni Kier ang kanilang kubo kung sakaling datnan sila ng mga bagyong hindi nila alam kung kailan ang pagdating dahil sa malayo ang mga ito sa pinaka-lungsod at wala kahit na anong gamit na makakapagpabalita sa kanila. Ginawa na rin nilang panggatong ang nabubulok na mga kahoy mula sa sirang motorboat na nakaharang sa may batuhan. Masikap ang ama ng tahanan na alagaan ang mga bagong silang hanggang sa paghahanda ng mga makakain ng mga ito. Si Cassie, na ang tanging libangan ay ang pananahi, ay tumutulong din sa pag-aasikaso sa mga anak sa tuwing ito ay magkakalagnat at sa kaniyang nobyo o kasintahan o asawa... na sa kaniya'y full support sa paglalaan ng pagmamahal.

Dumating ang isang hatinggabi at pagkatapos makatulog ang kambal sa kanilang mga higaan ay pupuntahan ni Cassie ang kasintahan na nasa labas ng kubo at tila nakaluhod na nagdarasal malapit sa tubig-dagat.

"Kier...",banggit ni Cassie sa pagtapik ng balikat ng lalaki

"Oh...bakit hindi ka pa natutulog? Samahan mo na ang mga anak mo roon!",wika ni Kier na aalisin sa pagkakadikit ang dalawang palad at titingin sa bahaging kubo

"Inaalala lang kita... baka kasi kailangan mo ng tulong dito...", banggit ni Cassie at mapapatingin sa napakalinaw na buwan, "Kabilugan ng buwan... kaya ka ba nagdarasal?"

"Oo, mahal ko!", wika ng lalaki, "Nakagawian ko na ang pagdarasal tuwing kabilugan ng buwan... pantaboy sa mga masasamang loob sa paligid"

Ngingiti rito ang babae at magsasalita, "Matagal na tayong nakatira rito sa isla, siguro kung dadalawin man tayo ng mga masasama... iyon ay kung pababayaan natin ang isa't isa! Hayaan mo... sa paglaki ng mga bata, pipilitin kong makapunta sa bayan at makahanap ng bahay natin para mas maging normal pa ang pamumuhay natin bilang isang pamilya"

"Kung iyan ang gusto mo... mahal ko!", wika ng lalaki na hahawak sa babang mukha ng babae at itatapat ang ilong nito sa may pisngi upang namnamin ang pagkagat sa labi ng asawa. "At doon... magpapakasal na tayo!"











"Hmmmmh...", mahinhing banggit ni Cassie pagkatapos itong halikan sa labi ni Kier. Nakatakip sila sa anino ng puno ng niyog. Iikutin siya ni Kier hanggang ito ay patuwad na luluhod sa buhanginan at patuloy sa paghalik ang nobyo. Walang anu-ano'y huhubarin ni Kier ang suot na pang-ibaba ni Cassie ganun din ng sa kaniya at kaniyang ipapasok ang alaga sa likod ng babae. Aalalayan ng mga kamay ni Kier ang dalawang dibdib ni Cassie at magpapatuloy sa ginagawa na nadidinig ang echo ng kanilang mga tinig sa paligid.

AHHHHHH!!!

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now