KAPILTULO 4

381 2 0
                                    


Magigiliw ang mga tao sa isla ng Cebu.

Puno ng koloretes ang paligid at mga sinaunang banderitas na ginagawa pa rin nila. Sandamakmak ang nagtitinda sa paligid, mga nagmamartsa, mga nag-aati-atihan, namamasyal at konsiyerto ng mga artistang dinudumog madalas ng tao. May mga paradahan ng dyip para sa pagpunta sa sentro ng probinsiya na ang bayad ay sinasamahan ng pagdarasal para sa mas ikauunlad pa ng buong bayan. 

Ang ilang bakasyunista ay hanap talaga ang mga malilinis at sobrang dayuhin na resort dito kasama na ang iba't ibang klase ng putaheng world-class ang lasa gaya ng sa Ding Qua Qua. May mga gustong mag-picnic, may mga wiling-wili sa mga dalang alagang hayop hanggang sa mga magagarang simbahan na nanatiling matatag sa kabila ng sunud-sunod na kalamidad.

Pagkasakay ng isa pang bus galing sa daungan, mapapadpad ang dalawa sa isang pilahan ng mga sasakay ng traysikel. Dito makakatawag ng pansin ang isang poster sa isang pader si Cassie habang may kausap naman sa cellphone si Dado. Habang nakatalikod si Dado kay Cassie ay lalapitan ni Cassie ang poster at hahawakan ang mukha sa papel. Mapapansin ito ni Dado at tatawagin si Cassie pagkababa ng cellphone.


"Cassie!", tawag ng lalaki sa matanda. Aalis si Cassie sa may poster at pupuntahan si Dado, "Naunsa ka man diha? Kilala mo yung nasa piktyur?"

"Ah... Hindi, pero ang ganda niya!", pagkamangha ni Cassie sa larawan ng isang pagbati ng konsehala sa lugar na iyon

"Ahihi! Gwapa lagi! Ayan si Konsehala Enriquez... eredera ng Mactan!", sambit ni Dado at sasakay sa traysikel katabi ni Cassie, "Hindi ba't naging eredera ka rin sa inyo?"

"Oo...", wika ni Cassie sa kausap

"Santander po!", sambit ni Dado sa drayber at ibabaling ang tingin sa katabi, "Bakit hindi ka na napamanahan ng mga magulang mo kahit isang kusing?"

"Ibinenta namin ang lupa. Mas... masyado na rin kasing nakakalungkot ang pagtira pa roon... maaalala mo lang ang mga malulungkot na sandali"

"Sayang naman!", sambit ni Dado habang patuloy ang pag-andar ng traysikel, "Ikaw ang inasahan ng mga magulang mo na mag-aalaga noon tapos mawawala lang din pala bigla"

"Ayaw din kasi ng mga kuya... Gusto nga nila na sumunod na lang ako sa States kina Tito at Tita kaso alam kong pahihirapan lang din ako doon lalo pa't iba ang ugali ng mga kamag-anak namin doon. Tsaka isinangla na rin pala ng pulitiko kong tatay yung lupa na iyon noong natalo siya sa sugal kaya nga ipinakulong iyon sa patung-patong na kaso ng korupsiyon"

"Ah... grabe naman pala!", sambit ni Dado at tititigan sa mga mata si Cassie, "Tama lang na magbagong buhay ka na at simulan mo sa malayong lugar na ito... Sus! Malay mo, mahanap mo rito yung taong magpapaligaya sa iyo habang buhay!"

"Ikaw... pinapaasa mo ako eh!", nakangiting banggit ni Cassie at sasampalin ng mahina sa pisngi si Dado, "Guwapo ka pala kapag malapitan anu!"

"Haha! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo ah, baka isa ka sa mga mabuntis ng itsura ko! Ay ambot!"

"Loko! Menopos na ako nuh! Ang lakas mo ring magbiro ah!", banggit ni Cassie at mababaling sa tawanan ang kanilang usapan, "Teka... saan ba tayo pupunta?"





Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon