KAPILTULO 6

399 1 0
                                    

Ang alon sa dagat ay gulu-gulo dahil sa matinding pag-ihip ng hangin.

Ang mga isda rito ay hindi rin malaman kung saan tutungo bagkus ay nagtago sa kailaliman ng dagat upang makaiwas sa paghagip papuntang pampang. Katabi ng isang matayog na punong niyog itinali ang isang motorboat na ginamit sa pagpunta sa isla. Ang buhangin dito ay natural na kulay abo dahil sa nagkalat na basura na naitatapon lang basta basta ng mga residente roon. Halata sa buhangin ang mga naiwang bakas ng mga paa na nagtuturo sa direksiyon ng isang maliit na bahay. Nasa labas ang pinaka-palikuran nito at may isang nakataling maliit na askal na babae bago ang pinaka-pinto.

 Ang yero na kanilang bubong ay may mga maliliit na butas na rin dahil sa kalumaan at nangangalawang na tekstura. Sa loob ay maririnig ang paulit-ulit na sigaw ng babaeng nasa trenta anyos... nakatihaya sa kamang malapit sa sala... at nakabukaka.

"Lalabas na!!! Iri pa!", sambit ng matandang babae na nakatingin sa may biyak ng buntis


"Aaaaah! Hindi ko na kaya!!! Aaaaaaah!", sigaw ng babaeng nakatihaya habang hawak ang dalawang kamay ng kanyang asawa hanggang sa may tinig silang maririnig

UHAAAH! UHAAAH! UHAAAH!


"Eto na siya... Naku! Napaka-kyut na beybi! Lalaki!", magiliw na sambit ng babaeng tumayong kumadrona habang hawak ang sanggol na duguan. Puputulin ang umbilical cord at lilinisin upang itabi sa ina.

"Heeeh... ang anak ko!", naiiyak na sabi ng ina na nakatitig sa sanggol

"Oo nga... ang kyut niya! Kamukha mo siya honey...", dugtong ng ama na hahalik sa mga noo ng kaniyang mag-ina. Ngingiti ang kumadrona at magpapasalamat sa itaas.




Ang lamesa ay kumpleto ng pagkain. May kanin, may mainit na sabaw, may ulam na kalderetang baboy, pinakbet, pangatlong init sa pritong tilapiya at ilang mga prutas na kamakailang ibinalot sa mga damit upang hindi mabulok sa pagbiyahe. May hugasan din ng kamay sa gilid at ilang baso para sa inuming tubig. Nakabukas ang ilaw.


"Maraming salamat pala Cassie sa tulong mo...", wika ng ama ng sanggol habang inaalalayan ang bagong panganak na misis sa kanyang upuan

"Wala iyon... mabuti nga at maayos ang kondisyon ng bata. Tsaka hindi naman na ito bago sa akin, kahit noong nasa kalye ako ay nakapag-paanak na rin ako ng isang namamasura doon", sambit ng kumadrona na nagsisimula na ring kumain sa hapag


"Napaka-swerte naman ng asawa ko at nakilala ka niya sa pagpunta rito", wika ng inang si Esther na unti-unting nagpapalakas at humihigop ng sabaw. Ibabaling niya ang tingin kay Cassie, "Teka, taga-saan ka nga ho ulit?"

"Sa Nueva Vizcaya... tapos nung iniwanan ko ang asawa't pamilya ko, nagpalabuy-laboy na ako sa Maynila", sambit ni Cassie at makikitang mahimbing ang tulog ng bagong panganak na sanggol sa kama


"Sa Maynila lang din kami nagkakilala ni Dado noong lumuwas siya doon... Limang taong gulang pa lang ako nang ipa-ampon ng mga magulang ko doon at nakapagtapos ng kolehiyo sa tulong ng pamilyang kumupkop sa akin", wika ni Esther

"Noong mabuntis ako, sinadya ko namang bisitahin dito sila mama at papa para makasama ko naman sila lalo pa't magkakaroon na sila ng una nilang apo", patuloy ni Esther sa kuwento


"Una? Ibig sabihin wala ka nang ibang kapatid?", tanong ng matandang si Cassie

"Meron akong kuya... kaso nagpari naman siya! Tapos yung sumunod sa akin, namatay sa malaria bago pa siya mag-trese anyos habang yung pinaka-bunso ay nag-aaral pa sa elementarya", wika ni Esther na tatapusin na ang pagkain... iinom ng tubig at pupuntahan ang anak na kagigising lamang. Pasususuhin ito ni Esther at ihehele sa higaan.

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now