KAPILTULO 13

416 1 0
                                    

Kumpirmado ang pagbubuntis ni Cassandra Eriguel o Cassie. Sa dinami-rami ng pagbabagong kaniyang napagdaanan mula nang lisanin ang kapital ng bansa, ito ang mas malaking pagbabagong kaniyang kahaharapin. Ang pagbabago bilang isang mas batang anyo... at ang pagbabago bilang isang ina!





Dahil walang kalendaryo o orasan sa isla ay pinalipas ng magkasintahan ang kanilang mga araw sa pag-aalaga sa isa't isa at ang pamumuhay bilang para na ring mag-asawa. Si Kier ang madalas na nangangaso at nangunguha ng mga pagkain sa kagubatan na natuto ring magtanim ng ilang palay upang maging kakanin kapag inani. Ang ilang balat ng hayop na nahuhuli ni Kier ay pinapatuyo nila sa arawan at ginagawang damit kalaunan. Pati ang pagkuha ng maiinom na mga tubig sa balon ay madalas na gawin din nito. Naroroon pa rin ang mga punong nagsisilbing silungan sa matitinding unos o init ng araw. Sa matagal na pananatili ng dalawa ng walang istorbo sa isla ay nagpasinaya na rin sila ng pamumuhay ayon sa sarili nilang pangangailangan. Araw-araw ang pagtingin at pag-obserbang ginagawa ng ama sa sinapupunan ni Cassie kung ito ay nagreresponde sa mga palakpak at pakikipag-usap dito. Ang dating ginawang balsa ay naging sahig na rin sa kubo na ginawa ng lalaki. Sa tuwing dadalawin naman sila ng ulan ay nagtitiyaga ang magkasintahan na lumilim sa kanilang kubo at gumawa ng panggatong na mga kahoy laban sa sobrang lamig.

Mabilis ang pag-usad ng mga araw. Lumaki ng higit sa sukat ng isang ruler ang tiyan ni Cassie na maging dahilan upang siya ay kumain pa ng napakaraming mga pagkain at hindi masyadong gumalaw upang maiwasan ang ilang aksidente sa tabing dagat. Madalas din na samahan ng lalaki ang kaniyang nobya kung nais nitong maligo sa mababaw na parte ng dagat at makapagtampisaw kung sakaling naiinitan.

Si Kier na ang nagkukusang maglaba ng kanilang mga damit at kapag nabanlawan na ay isasampay sa malapit na mahabang sanga ng isang puno. Matalas ang pang-amoy ni Kier na kapag may napapadpad na malaking isda sa dagat ay kaniya itong huhulihin at hihiwa-hiwain ng matatalas na stick upang pagsaluhan ng isa pang kasama. Ang kanilang pinaka-sabon sa isla ay mula sa mga halamang ligaw sa kagubatan gaya ng aloe vera, gugo, gumamela at pinatuyong sunflower. Isa sa mga libangan ng dalawa ang pagpapatugtog sa iba-ibang klaseng nakukuhang dahon sa mga puno na pawang pampahele na rin sa sinapupunan ni Cassie. Maging ang mga dumadayong paru-paro sa kanila ay sumasabay sa pagsayaw at ang ilang mga insektong gumagapang gapang din sa lupa.

Isang madaling araw nga ay may napadpad malapit sa kanilang kubo na isang manok na alagaing 45 days. Mabilis na nahuli ito ng kagigising lamang na si Kier noon at itinali ang isang paa ng manok upang itabi sa may puno. Sa kinaumagahan ay bumuo na rin ito ng kulungan upang pakainin ng pakainin ang manok na kung minsan ay sumasadyang manghuli na rin si Kier ng mga bulate sa mapuputik na parte ng gubat upang ipakain sa hayop. Nang maging malaki at sobrang taba na ito ay pilit na itong tinanggal sa pagkakatali, ginilitan ng leeg at pinakuluan ng mainit na tubig upang pagsaluhan nilang magpamilya. Siyempre, bakas ang tuwa sa nagdadalang tao na si Cassie at lalo pang minahal ang mapag-arugang kasama.




Lumipas pa ang ilang sandali at natuto na rin sa pananahing pinagtatagni-tagning piraso ng dahon ng niyog si Cassie para gawing mga sapin o mga punda at pansamantalang ipantakip sa mga ulunan. Magkaupong magkatabi ang dalawa sa sahig ng kanilang kubo nang magkuwentuhan ang mga ito.

"Isuot mo nga ito...",sambit ng buntis na si Cassie sa kaniyang kasintahan sabay bigay ng ginawang pulseras gamit ang dahon ng niyog

"Ah... Ano ito?!", tanong ni Kier

"Regalo ko...", sambit ng buntis habang nasa loob ng kubo, "Hindi ko man alam ang petsa ng kaarawan mo... At least, inuna ko na ang regalo ko sa iyo!"

Susuutin ni Kier ang pulseras at hahalik sa noo ng kasintahan, "Sapat nang regalo sa akin ang makasama ko ikaw at ang anak natin..."

"He he...", sambit ni Cassie na itatago ang mga suot na hikaw na pangil sa kaniyang mga buhok at isasandal ang ulo sa balikat ng lalaki, "Ito na yata ang sinasabi nilang 'Thing Called Tadhana'... ang magkita tayo at magkasama sa islang ito! Ang magka-ibigan at bumuo ng bagong pamilya..."

"Oo nga...", wika ni Kier at puputol ng pirasong tingting mula sa dahon ng niyog at ipapasok sa bibig upang gawing toothpick, "Tayo ang itinadhana na ipagpatuloy ang nasimulan ng ating pamilya at ang pagsibol ng mga bagong henerasyon sa aming lahi"

Mapapahawak sa dibdib ni Kier si Cassie at magpapatuloy sa sinasabi, "Sabik na nga akong makita ang magiging anak natin... Sana ay kasing pogi niya o kasing ganda niya ang mga magulang niya... Alam kong magiging mabuti siyang anak sa paglaki"

"Kayo ng anak ko ang dahilan kung bakit gusto ko muling ipagpatuloy ang buhay na dati ay hinamak ko nang tapusin... Sana'y patuloy pa tayong maging maligaya sa mga darating pang mga oras at araw...", sabi ni Kier nanakatingin sa labas ng kanilang pintuan na nakaharap sa dagat

"Hmmm... Hindi pala ako nagkamali na huwag kang iwan dito Kier! Sa paglabas ng anak natin, wala na akong mahihiling pa sa Diyos...", wika ni Cassie na hahawak sa kaniyang lobong tiyan na hahalikan naman ng ama ng bata.










Partial Lunar Eclipse.

Ang ilang hayop sa kagubatan ay nagtago sa kani-kanilang mga lungga. Ang mga isda ay hindi rin masyadong gumagala habang ang mga ibon ay patuloy sa kanilang pamamahinga sa bawat punong kanilang madadapuan. Ang pinakamataas na parte ng isla ay aakyatin ng isang asong lobo at uungol ito ng napakalakas habang nakatungo sa buwan.

AHOOOOOH!

Malakas ang pag-ihip ng hangin sa labas nang biglang manakit ang tiyan ni Cassie at mapahiga ito sa loob ng kanilang kubo. Naroroon si Kier napawisang nakatingin sa lalabasan ng bata at dahan-dahang sinasabihan ang nobya na umiri at huminga.

AHHHHHHH!

Sadyang mahirap ang paglabas ng bata. Dahil sa alam din ni Cassie ang gawain ng isang midwife, siya mismo ang gumagabay kay Kier kung ano ang gagawin at ang dapat niyang mga ihanda.

"Nakikita mo na ba ang ulo?", tanong ni Cassie na madiing iniire ang bata sa kaniyang tiyan

"Wa...wala pa! Sige pa!!!", banat ni Kier habang nakaabang ang mga palad sa pagitan ng mga hita ng babae

"Ahhh! Ahhhh! Ito na....", mas malalim na pag-iri ang ginawa ni Cassie upang lalong lumabas pa ang ulo at makapagsimulang hugutin ito ni Kier

"Ayan... Sige Cassie, malapit na malapit na!", dagdag ni Kier at mapapansin ang mas mapuwersang pag-iri ng babae. Walang anu-ano'y lalabas ang ulo ng bata at ito ay kukunin ng dahan-dahan ni Kier at puputulin ang umbilical cord.

UHAAAH! UHAAAH! UHAAAH!

"Ang anak ko!", nanghihinang wika ni Cassie habang inilalapit ni Kier ang anak

"A...anak.... natin", namamanghang sabi ni Kier at ibabaling ang tingin sa mukha ng nahahapong nobya, "Cassie..."













Mag-iiba ang kaninang masayang babae nang bigla muling manakit ang tiyan nito at iiri. AHHHHHHH! Mas mahirap na paglabas ang gagawin ni Cassie. Laking gulat ni Kier na babalik sa kaninang puwesto at makikita ang isa pang sanggol. Mas malalim na puwersa ang ginawa ng babae nang biglang lumabas ang ulo ng mas mayuming sanggol at kukunin ito ni Kier. Magiging dilaw ang parehong mga mata ni Cassie at mahihimatay.Ilang saglit pa ay muling uungol ang lobo sa bundok, mahihimasmasan muli ang ina ng mga sanggol at matutulog ng mahimbing kasama ng kaniyang pamilya.






AHOOOOOH!













































Ning KalibutanWhere stories live. Discover now