KAPILTULO 37

127 0 0
                                    

Umaga sa Senior High at nagpulung-pulong sa isang pinagtabi-tabing upuan ang grupo nina Pietra. 





Huling nakarating sa pag-uusap si Howie na may dalang gitara na kaniyang binili sa isang tiyangge sa labas. Ang iba kabilang sina Chela ay nagpahangin din sa labas ng kuwarto upang tignan ang ilang pagsasanay at workshop na isinasagawa sa lilim ng Open Field. Mananatiling nakaupo't naghihintay ng guro ang ilang estudyante sa loob habang abalang makipag-usap ang grupo ni Pietra sa isa't isa.

"Teka... teka, parang kulang na tayo ngayon ah!", tanong ni Pietra na inaakbayan ni Magnus at tila may hinahanap

"Yup! Sina Carl at Carly...", sagot ni Tiffy, "Lumipat sila ng Afternoon session sa isa pang section kasi si Carl ay kumuha ng TESDA training ng 'Welding and Metallurgy'. Sayang kasi ang slot na binigay ng tatay ni Carl na nagtatrabaho sa TESDA."

"Eh kung si Carl lang ang kukuha, bakit kasama si...", tanong ulit ni Pietra

"Siyempre... gustong samahan ang boyfriend kaya lumipat na rin si Carly!", dagdag ni Emily kay Pietra, "Yun ang sabi niya sa akin nung tumawag si Carly kagabi"

"Well... Magkakaiba man tayo ng section ngayon, still solid pa rin naman ang friendship natin'di ba?", nakalibot na tingin ni Pietra

"Siyempre... solid na solid!", nakangiting banggit ni Adore at sasabayan ng nakasalamin na lalaki sa pagdikit ng mga kamao, "Kahit wala si Pietra noong Debut ni Tiffany... Solid pa rin tayo! Haha!"

"Hoy! Ipagdiinan talaga... bumawi naman ako Sis 'di ba?", ani Pietra at titignan si Tiffy

"Tapos na yun... Ang mahalaga ay importante Sis! I love you kahit hindi ka nakarating sa party", sambit ni Tiffy at sisingit sa usapan ang katabing si Howie

"Napanuod niyo yung news sa tv kagabi?", usisa ni Howie

"Ano dun??? Yung napatay na Cake Delivery Boy na natagpuan ng mga residente sa may bakanteng tapunan ng basura malapit sa house nina Tiffy?!", banggit ng nakasalamin

"Yeah! That's it! Nangyari daw yun noong midnight ng birthday party ni Tiffy eh...Nalaman na lang kasi ng manager ng delivery boy na hindi na ito nakabalik sa kanilang shop", sabi ni Howie

"Baka naman... may nakaaway lang dun o may humahanting na talaga sa taong iyon? Parang 'Target to Kill' ba!", wika ni Magnus na nakanuod din sa balita

"Hay... Hayaan na natin iyan sa mga otoridad nuh! And... Tiffy! Ingat na lang lagi kayo sa house niyo. Gumagana pa rin ba yung CCTV sa may labasan niyo?", ni Pietra

"Yung sa loob ng bahay okay... Pero yung sa labas eh papalitan pa raw ng mas bago para sa night view shots", sambit ni Tiffy at papansinin ang gitarang dala ni Howie

"Okay... at least aware tayo sa maraming masasamang loob sa daan...", ani Pietra at titingin kay Magnus, "Tama ba ako, Hon?"

"Ah... Tama!", wika ni Magnus at hahalikan ito sa pisngi ni Pietra. Saktong dumating naman sa oras ang kanilang guro at pagpasok ng ilan pang kaklase mula sa labas ng classroom. Bago magsimula ang klase ay nais ng guro na umayos sa pagkakaupo ang lahat batay sa pagkakasunod ng letra ng kanilang apelyido.

Pagkatapos tawagin ng babaeng guro isa-isa ang pagkakasunod ng pagkakaupo ng mga estudyante ay naging magkatabi sa kabilang gilid ng ikalawang hanay sina Magnus at Chela. Dito mas lalo silang naging malapit na magkakilala.

"Sobrefin Magnus Borile pala...",banggit ni Magnus sa katabi at iaabot ang kamay

"Ah... Ako naman si Cecilia Mae...", wika ni Chela pag-abot sa kamay ng binata

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now