KAPILTULO 28

302 0 0
                                    

Bar de Camiguin.


Bagong tayo lamang ito ng isang Manager na babaeng taga-Mahinog na nakapangasawa ng isang Aleman na nakilala niya lamang sa Skype. Maliit lamang ang bar at may puwesto ang ilang manunugtog na acoustic band mula pa sa bayan. May magarang tanghalan din sa harapan na may mga kurtinang matitingkad para sa mga magsasayaw sa oras ng kanilang palabas. Imported ang ilang alak at ang sigarilyo ay binebenta ng mas mura para sa kanilang customer. Ang iba-ibang kulay ng ilaw ay nagpapa-engganyo rin sa mga tao upang magsaya at pansamantalang lumimot sa kani-kanilang problema. Pinagtatrabahuhan ito ng dalawang malaking bouncer, isang guwardiya, tatlong staffs, mga dancers, waiters at waitress sa gabi kabilang na ang kambal na Borile.


"Hoooh!!! Enjoy the night... Sir at Ma'am!", banggit ng isang waiter na lalaki na nakasando at may ribbon na pula sa ibaba ng kaniyang leeg

Habang nadidinig ang nakaka-indak na tugtog ay sige naman sa pagse-serve ng mga pulutan at inumin ang mga waitress at waiters.

"Bag-o ka lang diri Pre nuh?", tanong ng isang kasamang waiter na lalaki sa katabing si Sebastian na naghihintay sa may table ng pilian ng mga alak

"Ako? Lahat naman tayo eh bagong pasok dito di ba?" ,sagot ni Sebastian

"Hindi... sabi ko ba na bago ka lang sa ganitong klase ng trabaho nuh. Medyo naiilang ka pa kasi na umikot-ikot sa mga customer eh"

"Ah... naninibago lang! Galing kasi ako sa taniman ng asukal at hindi pa ako sanay sa mga bar na kagaya nito... Hindi ba't madalas na may gulo rito?",ingon ni Baste

"Madalas... siyempre, nandiyan na nag-iinuman sila at naglalasingan eh! Alerto naman ang mga bouncer kapag way kuntrol na nangyayari. Masasanay ka rin sa katagalan!", wika ng kasama habang nakatingin sa mga parating na turista sa looban, "Ganyan din ako noong una akong pumasok sa bar sa may Cagayan De Oro... lumipat lang din ako rito kasi taga-rito yung asawa ko. Nakiusap siya sa ako na diri na lang mutrabaho para malapit ako sa iya. Tiyempo namang bagong tayo itong bar kaya dito na ako nagbaka-sakali... ikaw Pre, may asawa ka na rin ba?"

"Ha???",pagtataka ni Sebastian at biglang titingin sa kausap, "Meron na... meron"



Habang abala sa pag-aasikaso ng mga tumatawag sa mga waiter ang ilan ay masikap naman si Sabrina sa kaniyang damit na itim na t-shirt na ang bandang pusunan ay nakapulupot at nagse-serve sa mga tumatawag na nakaupong customer.


"Psst!",tawag ng isang nakapolong bachelor sa may hawak na tray na si Sabrina

"Yes Sir... how may I help you?", lapit ni Sabrina sa lalaki

"Ahhm... Can I order you???", sambit ng bachelor boy na titingin kay Sabrina mula ulo hanggang paa, "A... I mean yung... promo ninyo rito... Hihi!"

"Ah... Sir, may mga kasama po ba kayo?"

"Parating pa lang sila eh... Ano bang masarap na pwede naming inumin dito?"

"Sir... we have wine, beer, vodka, brandy... may bucket promo din po I'll just get the menu...",wika ni Sabrina na pagkatalikod ay aabutin ng binata ang kamay ng dalaga

"Ah... Thanks!", may pagkindat na sambit ng bachelor boy sa kaniyang upuan at hahalikan ang kamay ni Sabrina. Aalisin agad ni Sabrina ang kamay at pupunta sa kabilang lamesa. Tatanggalin ng binata ang dalawang itaas na butones ng polo nito at pangiting titingin sa ilang nagsasayawan sa tugtog.


Sa kabilang banda naman ay ang grupo ng tatlong babaeng dancers na makikita ang lalaking bachelor na nag-iisa sa kaniyang upuan.

"Uy! Yung Christian Grey mo teh... loner sa couch niya", sabi ng kulot na dancer

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now