KAPILTULO 40

93 0 0
                                    

Papadilim na nang magtungo sa 'Student Affairs Office' sina Chela at Emily na nakabihis na. Naroroon sila sa tanggapan ng Guidance Counselor upang imbestigahan at tanungin ang naganap na insidente ng nakawan.




"Magnanakaw po talaga siya!!!", galit na wika ni Emily

"Teka Iha, ano ba talaga ang nangyari?", malumanay na banggit ng Guidance kay Emily

"This girl po!", wika ni Emily habang nasa gilid si Pietra at ituturo ang katapat na si Chela, "She stole my phone! Yung bagong bigay ni Daddy sa akin na wala pang isang linggo sa akin... kinuha niya!!!"

"Ah...Iha", banggit ng Guidance na ibabaling naman ang tingin sa umiiyak na si Chela, "Totoo ba ang mga akusasyong ito?"

"Huhu! Hindi ko po talaga kinuha Ma'am!", ani Chela

"Hindi??? Eh paano napunta sa bag mo yung cellphone ko?!", wika ni Emily, "Ano yun? May pakpak? Lumipad sa loob ng bag mo? Wow! Grabe! Grabe! Napaka-hightech naman nun!"

"Huhu! Hindi ko po gawain ang magnakaaaaaw!", sabi ni Chela na noo'y inaalalayan din ni Jarred sa tabi, "At saka wala po ako sa kuwarto noong mangyari ang insidenteng iyon! Hu hu!"

"Eh kung ganun pala iha... paano napunta sa bag mo ang cellphone nito ni Miss Linstoffer?", tanong ng Counselor

"Hindi ko po alam! Hindi ko po alaaam...", kawawang sabi ni Chela

"Si...nunga ling!!!!!!", mas galit na wika ni Emily at ambang sasabunutan sana ang nagsalitang dalaga nang pigilan sila at awatin nina Jarred at Pietra

"Ganito na lang... may mga nakasaksi ba sa inyo ng naganap na pagkawala ng cellphone? O pagnanakaw? I'm sorry kung wala pa kasing CCTV sa loob ng classroom ninyo", banggit ng Counselor

"Wa... wala po!", dugtong ni Pietra, "Pero bago po kami pumunta sa field ay may kakaibang tingin na po si Cecilia sa bag ni Emily... Parang may kinukursunadahan siyang bagay..."

"Hindi po iyan totoo! Wala po talaga akong kinalaman diyan!", mas namumulang ilong na sabi ni Chela at titingin sa katabing lalaki, "Jarred..."

"Ma'am! Buong P.E Session po namin ay kasama ko po si Chela... At hinding hindi niya po talaga ito magagawa dahil lagi po siyang nasa labas! Sa katunayan nga po ay nagpunta pa siyang C.R bago nangyari ang nakawan sa loob ng classroom eh!", pagtatanggol ni Jarred sa kaibigan

"Okay... kung gayon at wala namang umaamin ng krimen at wala rin namang matibay na salaysay ng testigo sa nakawang nangyari... Maaaring magkaroon na lamang ng mas masusing imbestigasyon ukol dito. We have Criminology students to assist us and for that act... I guess what is important is naisauli naman ang cellphone ninyo Miss Linstoffer", banggit ng Guidance Counselor

"But Ma'am... What if the incident will happen again and again?", wika ni Emily

"Then... a suspension would be rendered!", banggit ng Guidance sa mga estudyante, "Before the start of classes, may mga handbook na rin naman kayo 'di ba?"

"Yes Ma'am!", sagot ni Jarred na pilit pinapakalma si Chela

"Then... this is just a warning for an offense. And a warning to all of you in your classroom na sa oras na may mas matitindi pang mangyari sa mga susunod na panahon ay talagang mapaparusahan na ang tunay na salarin okay?", banggit ng nag-a-advise

"Okay po Ma'am...", sambit ni Pietra na aalalayan ang kaibigan

"This will be an incident report that we need to be fair and unbiased. Sa tingin ko ay mas maigi na makapagpahinga na muna tayo especially kayo na galing sa physical activity para mas maging productive ang mga susunod na araw... Don't worry, anytime that I get feedbacks from the investigation... I will inform you all okay?"

"Thanks Ma'am!", sabi ni Emily sa Guidance Counselor na makikipagkamay at titingin kay Chela nang nakataas ang kilay. Susubukan na ring ngumiti ni Chela at makikipagkamay sa Counselor. Paglabas ng apat sa naturang opisina ay magkakatapatan muli sina Emily at Chela sa corridor.




"Pasalamat ka at hindi ka pinatanggal sa unibersidad na ito, Probinsiyana!", sabi ni Emily sa nakatalikod na si Chela

"Naku... ang mahirap niyan baka nakikipag-close sa iba para lang makahuthot ng pampaaral niya!", sambit ni Pietra na titingin din kay Chela na katabi ni Jarred. Hihinto ang lahat sa gilid at harap-harapang mag-uusap.

"Pwede ba tama na Pietra! Nakuha na ninyo naman ang hinahanap niyo 'di ba? Ano pa ba ang gusto ninyong mangyari?!", wika ni Jarred


 "Ang mangyari???", mas nakakatakot na sambit ni Pietra at ilalapit ang mukha sa mukha ni Chela, "Ganitooo!"



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ITUTULOY

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

FeelFree to add comments, votes and suggestions!



"Magbantay ka sa mga madungong nimu nga ungol kay basin ikaw na ang musonud nga mabiktima ani!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now