KAPILTULO 38

202 2 0
                                    


Dumating ang sumunod na araw at hindi nakapasok sa oras ng klase ang guro ng mga etudyante ng Senior High sa section nina Chela. Napag-isipan tuloy ng iba na gamitin ang oras upang ipagpatuloy ang pananaliksik na proyekto nila sa isa pang asignatura. Si Chela na noo'y kausap ang mga kabarkada ay yayayain ni Magnus sa library upang makakuha ng datos sa kanilang proyekto. Naiwan sa tabi sila Pietra.





"Excuse me lang...", sambit ni Chela sa mga kabarkada at pupuntahan si Magnus sa labas ng kuwarto. Aalis din na matulin ang dalawa.

"Buti pa yung dalawa oh! Makakapag-bonding sa library natin...", wika ni Bj pagkatapos tumingin kina Chela at Magnus, "Loth... yung sa project natin? Tapos mo na ba?"

"Ah... Pictures na lang yung kulang! Madali na yun mamaya sa pag-uwi natin Ateng! Chill lang!", sabi ni Loth at titingin naman kay Alice, "Ikaw Girl?"

"Nakapag-type na ako ng ilan kagabi... hmmm... Pagsasamahin na lang namin ni Jarred yung nasimulan niya para happy!", nakangiting banggit ni Alice at titingin sa kanina pang tulala na si Jarred, "Jarred..."

"Ah! Sorry Alice... Ano nga ulit yung sinasabi mo?", ani Jarred

"Sabi ko... Pagsasamahin na lang naman yung nai-research mo sa nai-research ko para mabuo natin yung project kay Ma'am! Ikaw talaga...", banggit ni Alice sa kasama

"Ah! O... oo! Bigay ko na lang sa iyo yung Flash Drive!", ani Jarred at iibahin ang usapan,"May boyfriend na ba si Chela?"

"Ako Jarred... wala na! kaka-break ko lang sa past relationship ko eh!", singit ni Alice at susubukang kumain ng binaong LaLa sa kaniyang bag

"Ay! Si Chela? Si Chela ka?", tanong ni Bj kay Alice, "Alam mo Jarred... sa mga style mong ganyan, parang obvious na may gusto ka kay Chela eh nuh!"

"Oo nga... Love at First Sight ba tsong?!", sabat ni Loth na hihingi ng fish cracker kay Alice

"Parang... Siguro... Tila!", ani Jarred, "Kaso... baka may mas magustuhan na siya eh! Okay lang kahit special friend na lang!"

"Alam mo kung iko-compare ko kayo nung Sobrefin Borile na yun... mas gusto kita..... para kay Chela!", wika ni Bj, "Parang playboy type kasi ang peg ni Magnus... lalo pa't alam kong pinagseselosan na rin ngayon ng girlfriend niya si Chela eh!"

"Pero ang maganda diyan eh nakakagaanan ka rin naman ni Chela ng loob 'di ba? Sa katayuan ni Chela ngayon, alam kong mas gusto niya muna asikasuhin ang pagtatapos ng pag-aaral kaysa pakikipagrelasyon sa nagkakagusto sa kaniya", ani Loth

"Well... tama ka diyan Girl! Mahirap kasi magmahal agad ngayon...", banggit ni Alice,"Kagaya ko! Nagpakatanga sa ex ko! Lahat binigay ko tapos ako pa pala ang lolokohin... iiwanan... pahahabulin! Pero alam ko soon, kapag naibalik ko yung dati kong 31-27-32 figure... maglalaway na naman yung gagong yun sa akin!"

"Hindi ko pa naman ige-girlfriend si Chela eh... crush lang! May mga characteristics lang siya na ina-admire ko!", sabi ni Jarred at titingin sa mga kabarkada

"Sounds cute ah!", sabat ni Loth, "I'm sure ganun din si Chela sa iyo... Mas maganda kung maging close friends muna kayo before mamuo yung love sa isa't isa"

"And Jarred... Mag-iingat ka sa mga nakapaligid na kontrabida diyan...", sabi ni Bj at ililigid ang mga mata sa ilang nasa loob ng classroom, "Nakakaramdam ako ng giyera sa mga susunod na mga araw..."

"Wow ha! Madam Auring ikaw ba 'yan? Push mo yan teh!", sambit ni Loth na ngumangata ng ilang fish cracker, "Kayang kaya 'yan ni Jarred nuh! Iyan kaya ang 'knight in shining armour' sa buong San Marcelino... 'Di ba Jarred?"

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now