KAPILTULO 1

535 5 1
                                    

Small Silence

Sunud-sunod ang dating ng mga pasahero sa isang istasyon ng bus. Ang mga magsisipag-uwian ay halu-halo ang saya at kaba sa kanilang mga naging karanasan. Ang ilan ay may bitbit pang mga mabibigat na kahong ang laman ay mga paninda sa kanilang kanayunan. Hindi rin maikakaila ang mga bakasyunistang kasama ang kanilang mga anak at ang mga matatandang may hawak na baston. Iba't iba rin ang makikitang mga kulay ng bag na kasama sa bagahe at ilang maykaya na sukbit ang mga gadget nila. Mahaba ang pila sa hintayan ng bus kaya't ang ilan ay napiling magpahinga muna sa mga plastik na upuan habang nanunuod ng telebisyon at ngumangata ng mga pagkaing nabibili sa gilid lamang.



 Alerto rin ang ilang mga bomb squad at mga pulis na nagtse-tsek ng mga bus at drayber bago ito payagang makaalis. Ang guwardiya sa may entrada ay tumitingin-tingin din ng mga pumapasok na pasahero habang paminsan-minsan ang maririnig na pag-uusap sa nakasabit na radyo sa kanyang pantalon. Sa may 'di kalayuan ay ang mga pila ng mga bumibili ng tiket at nagtatanong ng eksaktong oras ng pag-alis nito.

"Next!!!", sigaw ng kaherang babae. Lalapit sa kanya ang isang matandang morena

"Ale... dito po ba ang sakayan ng tiket na ito?", tanong ng matanda

"Patingin nga po...", banggit ng kahera sabay tingin sa hawak ng matanda, "Oh my... Korekek!"

"Hah!", pagkamangha ng matandang babae

"Mga ilang minuto na lang po at parating na rito yung bus na maghahatid sa imo sa barkong pa-Sugbo! Lingkod ka muna diha sa bangkuan ba!"

"Ah... okay, Maraming salamat", sunod ng matanda sa kahera na magpapatuloy sa pagtawag ng mga taong may kailangan sa kanya.

Dahan-dahang dumiretso ang matanda sa silyang may butas ang puwitan at ang bitbit na bag ng mga damit ay ilalagay niya sa ilalim. Titingin siya sa oras at iihip sa bangs. Wala siyang ibang dinala noon kundi ang makukutkot na kutsinta na kanyang tira sa kanyang almusal at ang pitaka na kakaunti lamang ang laman. Hindi niya alam kung para saan ang kanyang trip na ito kung magbabakasyon lamang o magsisikap na mabago na rin ang buhay alinsunod sa kanyang intensiyon na kalimutan ang lahat ng magpapaalala sa kanya ng kanyang dating buhay. At ang tiket... na napulot niya lamang sa kanyang pamamasura at pamamalimos sa daan... ay senyales na may pag-asa pang takasan ang nakaraan at maging maligaya sa sariling pamamaraan.



Dumating na ang bus. Bumaba ang mga natirang pasahero na galing pang ibang ibayo. Ang drayber ay nagtanggal din muna ng kanyang polo dahil sa tindi ng init. Ang negrong kundoktor nito ay sumaglit sa tindahan upang bumili ng milk tea. Ilang saglit pa ay nagsipagpilahan na ang mga pasahero sa naturang bus habang unti-unting nililinis ng drayber ang bawat sulok ng upuan sa kanyang sasakyang walang aircon. Inihanda na rin ng mga pasahero ang kanilang mga tiket at bagahe hanggang sa payagan na silang isa-isang pumasok sa bus kasama ng matandang babae kangina. Mapanghi man ang gilid ng sasakyan, mas mahalaga sa mga pasahero ang makauwi sa kanilang destinasyon kapiling ang mga minamahal nila sa buhay.


Nang mahimasmasan ng kaunti ang matanda sa kanyang upuan katabi ng bintana panlimang hanay mula sa upuan ng nagmamaneho, umihip ulit siya sa bangs at tumingin sa paligid. Mas dumami pa ang tao... mas marami pa ang nais makauwi... mas marami pang pasahero. Mapapansin ng matanda mula sa labas ng bintana ang mga pulis na nagtse-tsek ng bawat sasakyan. May isang pulubi rin sa kabilang bus na namamalimos sa mga pasahero. Sa pagkaawa, mapapatingin uli sa laman ng kaniyang pitaka ang matanda habang kinakapa ng kanang paa ang bag sa ilalim ng kinauupuan. 

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now