KAPILTULO 34

194 0 0
                                    

"Officially... Enrolled! Awoo! Awoo!"

Banggit ng isang binatang may itinaling dyaket sa kaniyang baywang pagkatapos tingnan ang kaniyang Registration Form sa Unibersidad. Isa ang binata sa ilang estudyanteng unang batch ng Grade 11 sa Unibersidad. Kasama ng binata na pumila ang kaniyang mga kabarkada na kapwa may mga hangover pa sa nangyaring debut. Ilang dipa mula sa kanila ang isang bagong tayong malaking gusali na ekslusibo para sa mga estudyanteng kukuha ng Senior High Program mula sa Department of Education. May malawak na open field din ang pamantasan at kantina na dinarayo ng mga tao dahil sa bagong bukas na Starbucks doon. Pagkatapos magpa-enroll ng maskuladong huling miyembro ng barkada'y magtitipun-tipon ang lahat sa gilid ng pahingahang puno

"Awoo! Grade 11 na tayo mga tropa!", muli ng may itinaling dyaket na si Adore

"Yes... Adore! At magkakaklase ulit tayo! Sana lang hindi na kita makatabi sa upuan para wala ako laging kalabit na maramdaman kapag exam!", wika ng naka-make up na si Emily

"Sus! Eto naman si Emz...Napapagod lang kasi ako nun kaka-praktis ng basketball kaya nakakalimutan ko na magreview kapag may exams...", ani Adore at isusuksok ang kaniyang mga papel sa isang maliit na bag

"Weh? Napapagod daw! Eh lagi ka naman daw bangko sabi ng coach mo nung nakipag-usap sa amin! Palibhasa... buwaya ka raw masyado sa court! Maka-agaw ng bola hindi naman naishu-shoot!", wika ni Emily na makakakita ng isang dalagang papalapit sa kanila mula sa mga crowd

"I think Adore... you need to shift sports na lang!", singit ni Tiffy na inaakbayan ni Howie,"Why not try... Rugby!"

"Rugby... yung sakitan na football game? Hindi pa naman malaki ang mga maskels ko oh!", ani Adore na itataas ang manggas ng plain shirt para makita ang bicep

"Hindi bro...", nakangiting sabi ni Howie, "Rugby na sinisinghot daw sa daan! Baka dun... may future kang maging MVP! Hahaha! Peace bro!"

"Kayo ah... pinagkakaisahan niyo na naman ako! Kapag ako naging next Kobe Paras sa varsity try-out...", ani Adore na ituturo isa-isa ang mga kasama, "Who you kayo sa akin!"

Katabi ng nakasalaming lalakit na nagpapalobo ng bubble gum sa kaniyang bibig ay tatawag ng pansin si Emily sa nakitang papalapit na babae... "Si Pietra!"

"Hey guys!!!", masayang wika ng kulot na babaeng may bitbit na paper bag at titingin sa buong barkada, "I missed you all!"

"Pietra!", gulat na wika ni Tiffy na agad yayakap sa dalaga, "Where have you been?"

"I just finished the enrolment dear... Pinaasikaso ko na lang kay Tito Andrew yung ibang babayaran pa sa Cashier para hindi na ako pumila pa!"

"Awesome! Dapat pala nakasabay ka namin kanina para 'di na rin kami pumila sa Cashier kanina!", sabi ng nakasalaming si Top katabi ang magsiyotang sina Carl at Carly

"I'm actually trying to find you all but my phone suddenly snatched on our way going here! Buti nga at hindi kinuha pati wallet ko!", sagot ni Pietra

"Oh! Kawawa ka naman... minsan kasi ingat ingat din Sis!", wika ni Carly na kayakap ang siyotang maskulado

"Well... That's it talaga! Sayang nga eh, hindi bale at parating na rin naman yung bagong phone ni daddy by next week! And this time, naku! Lintik na ang walang ganti na magnanakaw pa nun! Grrr...", ani Pietra na tila may hinahagilap na tao

"Relax Piet...", wika ni Adore sa gilid, "Kinarma ka lang siguro kasi hindi ka pumunta kagabi sa birthday party ni Tiffany... promise promise pa siya na pupunta tapos ayun! Wala..."

"Pumunta ako!!!", sigaw ni Pietra sa grupo

"Oh??? Saang banda?",sabi ni Carl

"Sa...", nag-iisip na wika ni Pietra at titingin kay Tiffy, "Sabi ko kay Tito Andrew galing sa family reunion sa Sorsogon eh bilisan sana yung car niya para umabot ako kahit man lang midnight sana sa party kaya lang...traffic talaga at na-flatan pa kami ng gulong! Ayun... halos umaga na rin kaming nakauwi. But I have something naman for my cute and dalaga nang friend..." Ilalantad ni Pietra ang dalang paper bag at ihahandog sa kaibigan.

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now