KAPILTULO 23

300 0 0
                                    



Katibawasan Falls.

Mahigit dalawang oras na biyahe mula sa bayan, ang talon na ito ay matatagpuan sa loob ng kagubatan. Halos tatlong daang talampakang taas, ang talon ay kinahuhumalingan ng mga dumarayo bukod sa malilinis na paliguan nito at pahingahan sa paligid ng mayayabong na puno.


May ilang mga umaakyat sa matatarik na bundok at ang iba naman ay nagsipagtayuan ng mga tent sa paligid upang kanilang gawing tambayan sa oras ng pagkapagod. Dumating ang mahabang jeep sakay ng mga kabataan mula Mahinog. Marami silang dalang mga naka-impakeng bag at ilang pagkain. Ang isang lalaking nakasando ay binitbit ang isang malaking jag ng tubig habang kasunod nito ang dalawang babaeng pinagtulungan buhatin ang cooler ng mga ice cubes at inumin. Sumunod na bumaba ang drayber na binata rin at iniwan ang kaniyang student driver's license sa itaas ng lagayan ng mga gamit sa jeep. Kinuha na rin nito ang speakers at connector sa USB para maipatugtog sa kanilang tagpuan.

"Adto nata!", sigaw ng binatang drayber at sasabayan ang mga kagrupo patungo ng paliguan

"Ang ganda ng tubig...", banggit ng isang dalagang naka-sumbrerong puti at muling titingin sa kaniyang likuran, "Ang ganda..."

"Perfect for our outing!", masayang sambit ng kasama ni Magnus sa Sepak Takraw na si George sa babaeng katabi at susundan ang iba pa, "Tara na Bae!"

"Syur!", banggit ng dalagang naka-sumbrerong puti at susunod sa lalaki

Ilalapag ng nasa beynteng mga kabataan ang kanilang mga dalahing gamit sa nakuhang cottage at magsisimulang ihain ang ilang pagkain. Marami rin ang nakapagbihis na agad ng pang-swimming habang ang ilan naman ay napili munang matulog saglit dahil sa jetlag. Habang pinagmamasdan ni Magnus ang ilang mga taong nagsisipagliguan na sa tubig ay hahanapin niya sa kasama si Chela.

"Fred!!!", tawag ni Magnus sa naka-headset na Hiligaynong kaibigan

"Yes Bro... baket?", tanong ni Fred

"Napansin mo ba si Chela?"

"Oh... the Topnotcher girl na pinopormahan mo, hindi ba't kasabay mong bumaba sa jeep ganiha?"

"Uh? Dili! Si Klarisa ang iyang uban... Aywan kung saan pa yun nagpunta!"

"Sus... darating din yun, masyado ka namang nag-aalala sa babaeng yun!"

"Eh Bro, ako kasi ang nag-promise sa iyang inay na hindi ko yun pababayaan sa outing natin eh...", napapakamot sa ulong sabi ni Fred

"May number ka naman ni Klarisa eh, tawagan mo na lang! May unli-call ka pa naman ata...", sabi ni Fred na tatapikin sa balikat si Magnus...ibabalik ang headset sa mga tainga at pupunta sa kanilang cottage

"Sige... salamat Bro!", sabi ni Magnus at kukunin ang cellphone sa bulsa ng suot na shorts at susubukang tawagan ang kaklase. Hindi pa man na-ida-dial ang number ni Klarisa ay mapapansin na ni Magnus ang pagdaan ng isang magandang babae mula sa malayo. Makinis ang mga hita sa kaniyang maikling shorts at seksi sa kaniyang strapless bra. Unti-unti itong lalapit sa nakatungangang binata at magwiwika.

"Pasensiya na at nahuli kami ni Klarisa, sinamahan ko lang din siyang magbihis ng damit sa CR. Oh... tara nang maligo, sayang ang time...",banggit ni Chela

"O... Oh sige!", sambit ni Magnus na sasabayan si Chela sa paglalakad hanggang sa iwanan sila ng kasama ni Chela sa likod na si Klarisa. Bubulong sa may tenga ni Chela si Magnus at kukunin ang bag ng dalaga, "Guapa 'ha nimo"

"Aguy... nambola pa ito! Nagugutom na ako", banggit ni Chela at sasamahan ang kanilang buong grupo sa cottage. Naupo na ang lahat at inilatag na rin ang lahat ng kanilang pagkain upang mapagsaluhan. Sa paninimula ng kanilang outing ay mapipili ang kanilang 'Best in Science' na si Fred sa pagdarasal ng nakasanayan niyang diyalekto hanggang sa sabay-sabay silang nagsipagyukuan at nanahimik.

Ning KalibutanWhere stories live. Discover now