SPIN 7: Inlove?

3.8K 180 33
                                    


SPIN 7

INLOVE?

"Sige, mamaya na lang tatawagan kita, may kakausapin lang ako," wika ko kay Jae. Tumango lang siya kahit parang nawala rin 'yung ngiti niya.Halos kalahating taon kong hindi nakita si Adam... Ngayon nandito na siya, kinakabahan ako.

Nilapitan ko siya, pinilit kong maging maayos ang pagsasalita. Ano ba bakit ang bilis ng tibok ng puso ko! Ngayon lang ako natakot, nangamba, nalilito ng ganito s harapan niya.

" Adam," Nginitian ko siya pero tinitigan niya lang ako at hindi ako sinuklian ng ngiti.

" So you're happy now?" Sarkastikong tanong niya.

" Ad.."

" It's been six months, do you still know me?" aniya pa. Parang kinabahan ako, ano ba naman! Binuksan niya 'yung tabi ng driver's seat at pinapasok ako bago siya sumakay sa parte ng driver seat. Hindi kami nagkikibuan, nasa lap ko lang 'yung cake, gusto ko ng kainin kasi na-sstress ako sa presensiya ni Adam. Pero kasi ang saya na nakita ko ulit siya kahit na nakakatakot na siya ngayon. -_-

" I'll be studying here also, and you should be with me always. You'll focus with me and your study, easy and simple," sabi niya na parang nag-uutos lang tss!

" Adam, galit ka ba?" Tanong ko, kinakalabit ko pa siya sa braso tapos nilingon niya 'ko. Nginitian ko siya tinaasan lang niya 'ko ng isang kilay kaya lalo akong ngumiti. Paano ba sasabihin sa isang lalaki na " I miss you " ang pangit pakinggan!

" I miss you," sabi ko kaya napahawak ako sa bibig ko. Nanlaki 'yung mata ko ksya nag straight ako ng upo. Teka, bakit sinabi ko! Sa isip lang dapat 'yun.

"Ano?" Tanong niya na tumatawa na. Ano ba mamatay ako nito ng maaga! Pulang-pula na 'ko tapos ang kabog pa ng dibdib ko, may sira talaga 'to!

" Really? You've missed me?" Tanong pa niya, pakingtape! ><

" Ibaba mo na 'ko, may pupuntahan pa pala 'ko!" Sabi ko sabay lingon sa kanya. Tila naman huminto pag tibok 'yung puso kasi kahit siya nabigla. Hindi ko alam na malapit siya, hindi ko alam na magiging gahibla na lang 'yung pagitan ng labi namin kaya umayos ulit ako ng upo. Magpapacheck-up ako, nababaliw na 'yung puso ko hindi na normal, bumibilis tapos hihinto!

Hininto niya 'yung sasakyan. Pabababain nga ako? Hinarap ko nga siya pero bigla niya 'kong niyakap. Nabigla ako, ang init naman niya, ang laki ng katawan niya napipipi ako, bakit matitigas an braso niya bakit ako malambot! Para akong madudurog sa kanya.

" I missed you, I tried to forget you, but sht! Mababaliw lang ako kaiisip sa'yo, hindi ko man lang alam paano kita hahanapin sht lang talaga!" Sabi niya, wala akong masabi. Natitigilan ako sa yakap niya, sa pagsasalita niya, bakit ang gulo ng pakiramdam. Miss na miss na miss ko siya, ganoon ang pakiramdam ko, naluluha nga yata ako, imposibleng matapos ang isang buong linggo na hindi ako nakaramdam ng lungkot kapag naiisip ko na wala na siyang pakialam sa 'kin.

" Madaming beses kitang tinawagan pero hindi na kita macontact, "mapait kong wika. Palagi ko siyang sinusubukang hanapin pero lagi akong nabibigo. Sumuko na ko, dahil kahit nga sa facebook hindi niya 'ko ina-accept!

Nabibigla talaga ako kay Adam! Kinulong naman niya 'yung mukha ko sa dalawang palad niya. " You're mine, I'll surely get rid anyone who tried to stole you away from me," nagbabanta talaga siya pero nangingiti pa 'ko?Baliw lang.

" Ikaw nga si Adam," nasabi ko na lang kaya nangiti din siya. Ganyan 'yan, pero sa totoo kasi sa kanya lang ako nakakaramdam ng kakaiba. Siguro dahil siya 'yung pinaka-special? Ewan ko, siya lahat 'yung dahilan bakit ako kinakabahan, 'yung magalit lang siya apektado na 'ko ng sobra lalo na kapag hindi pa siya kumikibo alam kong bad trip na siya pero siya rin 'yung nagpapabaliw sa puso ko, ang bilis ng tibok, tumitigil, parang damang-dama ko ang kasiraan niya pag kasama ko si Adam.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now