SM 12: Love

1.7K 95 13
                                    


Shotgun Marriage

LOVE

" Hindi ko nga alam kung anong problema niya!" galit na 'ko ng sagutin ko si Jude na nasa harapan ko. B'wisit, maayos na kami, bigla na naman siyang nanlamig sa 'kin! Paano ko naman aayusin ang trabaho ko kung pakiramdam ko may dinaramdam si Blue? Tangna naman!

" Ask him," walang k'wentang payo ni Jude. Walang k'wenta dahil ilang beses ko ng ginawa, at literal naman na kapag may problema magtatanong ka agad. Inis na ibinaling ko na lang ang mga paningin ko sa papeles para sa iba't ibang proposal at dahil wala ako sa mood wala akong napili, wala akong makitang maganda kaya asar na tinapon ko 'yon.

" Magbakasyon kayo, O' baka dahil hinayaan mo na naman mag banda, kaya nakahanap na naman ng iba. Adam, why don't you accept the fact that he's not gay to stay with you?" si Nick na umiinom ng kape kaya sinamaan ko siya ng tingin at nagkibit-balikat lang siya.

"Hindi mo na p'wedeng pigilin 'yon, isa pa hinayaan mo kasi siya na diktahan ka minsan, kaya ngayon nahihiling niya at napipilitan kang ibigay ang gusto niya lalo na pag tungkol sa free will," epal na naman ni Jude at naiirita na 'ko, b'wisit na 'yan. Pero pag-uwi ko alam ko na aamuhin ko na naman siya, sinusubukan ko naman siyang halikan pero umiiwas siya at tinatalikuran ako. Fck, mababaliw na ba ko nito?

" Go home, dude. Kami na bahala dito, rakrakin muna namin ang mga babae dito," ngisi ni Jude na animo'y demonyo.

"Not the Bloody Mary's, " wika ko kaya napatingin sa 'kin si Jude at nginisian ko siya. " Don't eyed me like that, pero hindi sila laruan they are one of our biggest earner group. " Bloody Mary, hindi naman ako ang nag-aalaga sa kanila kundi si Micheal. At ayoko siyang suwayin sa desisyon niya na pigilin ko si Jude at Xander na lapitan ang kahit na isa man lang sa mga babae, dahil kahit sa kanila lihim ang katauhan ng mga ito.


**

" Kamusta na kayo ni Adam?" nakangising tanong ni Lyndon kay Blue nang magkita sila sa unit nito.

"Ano bang dahilan bakit pinapunta mo na naman ako dito?" may nakalakip ng inis sa boses ni Blue. Nahihirapan na siya, pero pakiramdam niya ito lang ang kaya niyang gawin para kay Jae. Siguro nga mahina talaga siya pagdating sa pagdedesisyon kaya madalas nadadali siya ng damdamin niya.

" Masama ba? Nakalimutan mo na bang may relasyon na tayo?" tumayo si Lyndon at isinandal ng marahan si Blue hanggang sa mahinto 'to sa cabinet. " Sa 'kin ka na, ito lang naman ang kaya mong gawin 'di ba? Ito lang ang p'wede mong ipalit sa pagkamatay ng kapatid ko," hinawakan niya ang mukha ni Blue at inilapit nang halos gahibla na lamang ang pagitan ng mukha nila.

Iniwasan ni Blue ang tingin nito. Nagtataksil siya kay Adam, sa t'wing nakikita niya 'to nanghihina ang tuhod niya. Alam niya naman na may kasalanan sila, si Adam na nagawa lang 'yon dahil sa mahalaga at mahal siya nito pero kahit ano pang dahilan nakapatay ito at sa kanya napunta ang puso ng taong inalisan nito ng karapatang mabuhay. Ang taong 'yon, kaibigan pa niya, at hindi talaga mawala sa isipan niya na namatay 'to habang siya na dapat na namatay ay nabubuhay pa at pinagpapatuloy pa rin ang relasyon kay Adam sa kabila ng lahat.

May kasalanan sila, kailangan nilang pagbayaran 'yon kahit pa masaktan sila. Pero hindi niya magawang makampante dahil sa maayos naman sila ni Adam bago 'yon, pero dahil sa mga bumabagabag sa kanya at mga mali na nagagawa na niya ngayon na hindi niya maitago ang pagkawala ng gana sa araw-araw ay naaapektuhan na ang isipan niya.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now