SM 25.1: My All

2.5K 100 14
                                    


MY ALL

BLUE

I tried my very best for him to know how much I wanted him to be with me again. I Doubled my effort and ended up having a fight with Yuki. Palagi siyang tutol sa mga ginagawa ko, pero kahit ano na sigurong sabihin ng iba, gusto ko siyang ibalik sa buhay ko. I'm happy, contented and whole when I'm with him.

Kung susuko ba 'ko ano na naman ang mangyayari? Hindi kami nag-aaway ni Adam, nagsasama kami araw-araw dahil doon ako nagdadala ng lunch sa GIANTS, minsan kasama namin si Red. Hindi pa rin ako tumitira kasama siya, pero hindi 'yon napapansin ni Red dahil nga umagang-umaga nakikita niya 'ko at hanggang ipikit niya ang mga mata niya.

Hindi naman sa 'di ako apektado sa nagaganap sa paligid ko, pero nakakaramdam din ako ng sakit sa t'wing may naririnig ako sa balita na babaeng may gusto kay Adam. What should I expect? He's famous, rich, and every woman's dream of. At aaminin ko na insecurity ko pa rin na hindi ako babae, at baka may ibang inilaan sa kanya ang Diyos. Yes, I believe in red strings, at imposible na kami 'yon.

Adam and I talked as if we are " just " friends. Mahal niya 'ko, pero hindi na sapat para magtiwala siya. I smiled, but deep within my heart I had a lot of bruises but still dedicated myself to earn his trust again.

9:00 am ako nagising, sabi na ta-trangkasuhin ako. Tinext ko na lang si Adam na hindi ako pupunta ngayon, isa pa Sunday naman at wala silang pasok pareho, depende kung may biglaang gagawin si Adam. Matutulog ako buong araw, para maging maayos agad ako.

Pero imbis na ipahinga ko ang isip ko dahil sa panlalamig ko nang sobra, mas naisip ko pa baka nga kailangan na ni Adam ng kalayaan sa 'kin? Hindi ko na rin naman maramdaman 'yung dating pagmamahal niya. Naiiyak na naman ako, tss. Palagi na lang! Masakit malamang he moved on? While I'm still holding on, fighting. Pero hindi ako aalis nang 'di kami nag-uusap,huli na 'to. Huling-huli na, hindi ko na ipipilit, lalo na't may iba naman akong babaeng nakikita sa mga pictures nilang magkakaibigan and she's always with Adam's side, and I'm convincing myself that she's nothing but a friend.

" Why? Red will surely ask why you're not here," he replied. Yes, for the sake of Red na lang ang nararamdaman ko na nararamdaman niya sa 'kin.

" Sabihin mo na lang na may inaasikaso ako, I'm sick and I need rest.  'Wag mo muna ko ma-mimiss saka na, I love you. " text ko sa kanya bago ko tinakluban ng kumot ang sarili ko pagkalapag ko ng phone ko sa side table. Nag vibrate siya pero masama na talaga ang pakiramdam ko, sobrang lamig nangangatal ang labi ko. Isa pa, alam ko na reply niya "Okay," hmp!

Hindi ako makatulog sa sama ng pakiramdam ko at sobrang lamig na pakiramdam. Ikinumot ko na nga pati punda ng unan!Lahat na, malamig pa rin, kakaikot ko sa kama nakatulog din ako. I need rest, kulang lang ako sa pahinga lalo sa pahinga ng isipan.


**

ADAM

When he said he's sick, nagduda na naman ako. Puro hinala na lang ako, hindi ko naman siya mapigilan sa mga gusto niya. Sa t'wing ipipikit ko ang mata ko naalala ko siya, kung paano kami nagsimula, kung ano ang mga pinagdaanan namin and why we ended up being this kind of stranger to each other. Hindi naman nagtanong si Red nang sabihin ko na wala at may inaasikaso si Blue, at sinundo naman siya ni Xander para sa birthday party ng pamangkin nito. Ang alam ni Red buo na kaming pamilya. Ang alam niya masaya na kami uli, pero hindi niya alam na we're trying to work this out again.

I love him, I really do. But there's a difference now, a big difference that makes my heart in doubt whenever he's with me. What if, there's a lot of it on my mind, can we really fix this?

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon