SM 24: ROAD TO..

1.7K 108 11
                                    

SM 24: ROAD TO...

ADAM

I don't want him to go. Pero iyon ang pinili niya. I still love him, at totoo na mahal ko siya at tiwala na lang ang kulang. Iba 'yung sakit na nararamdaman ko kapag napapalayo siya sa 'kin. Kahit na mas pinili ko sa sarili ko na tumigil na, hinayaan ko pa rin siyang gawin ang gusto niya. Kung sana mas madaling ibalik ang tiwala kagaya ng pagmamahal.

Kapag nakikita ko siya, I smiled because he's with me. But when I remembered how he was being kissed by Lyndon nawawala ang ngiti ko. Isama pa na nagkaroon siya ng iba, at 'yung sa anak niya, hindi ko alam kung tama ba na tanggapin ko lang 'yon basta? Can we still make it? Paano kung marami pang nangyari? Hindi ko lang siguro matanggap na mabilis siyang maghanap ng iba, habang ako nakalugmok, ako na 'yung mas nasaktan ako pa 'yung mabilis na ipinagpalit sa iba. Am I wrong? Is it wrong to loved someone more than the way it should be?

Hindi na 'ko nagreply dahil nakarinig ako ng mga gun shots na sunod-sunod. Hinawi ko ang kurtina sa glass wall para alamin kung anong nagaganap sa labas, nangunot ang noo ko dahil may sumugod sa bahay ko sa ganitong oras? Tinawagan ko si Yves na agad namang sumagot.

"What happened?"

"Boss, assassin! Someone is trying to assassinate you again," natatawang sabi ni Yves. " Have a good sleep, boss! Kayang-kaya ko 'to," aniya kaya nangiti naman ako. Hanggang sa putulin ko na ang linya.

Yves is one of my most trusted, pero hindi siya lantaran sa lahat. Palagi siyang nasa malayo, kilalang-kilala siya ng mga mafia's and assasins bilang si HeadShot. Sa ulo siya madalas nagpapatama ng bala, at kapag nagsimula siyang umasinta walang makakaligtas sa kanya. Galit siya sa mga Aihara, ito ang tanging kalaban ng pamilya niya noon sa paggawa ng mga espesyal na armas para nga sa ganitong uri ng kalakalan. At nasisiguro niya na ito rin ang pumatay sa pamilya niya. Kahit pa palitan ng putok ng baril ang naririnig ko, hindi ako nangangamba, ganoon ako katiwala sa kanya at sa mga grupo ng kalalakihang kasama niya.

Sound proof ang kuwarto ni Red. Hindi ko kailangang mangamba. Bakit ba hindi na sila nadala? Bakit 'di nila matanggap na higit na marami ang tauhan ko sa kanila.

Kinaumagahan. Wala ng kahit na anong kalat, at may isa lang sa tauhan ko ang natamaan sa binti.

"Magaling talaga si Yves, kung tutuusin magagaling ang mga utusang assassin na 'yon, sayang at nandito si Yves nang sumugod sila. Mga trenta ata 'yong sabog ang bungo boss," natatawang wika ni Sigi.

" Minalas talaga sila," ngiti ko na lang. " Kaninong tuta sila, nalaman n'yo ba?"

"Aihara, base sa nakuha naming mga kagamitan na may ukit. Kaya 'yon lalong nag-init ang ulo ni Yves, edi sabog bungo sila,"ani Sigi bago sinimulang paandarin ang sasakyan namin. Iniwan ko si Red sa matandang kasambahay namin dahil sabi ni Blue na pupunta siya.

"Aihara, what's their problem?" knowing Ruki, magpapasugod ba siya ng ganoon kahinang p'wersa? This is the second time, at wala talagang nakasabay kay Yves. Hindi tulad noon, may mga nakabangga siyang magagaling rin kahit Katana ang gamit, iyon ang unang nakahiwa ng likuran ni Yves na ngayon ay isang pilat na nito.

"Ano uli ang pangalan no'ng nakasugat kay Yves na mula sa Aihara?"

"Devon Aihara, sila ang tumatayong Head ngayon ng pamilya ni Ruki. Pero nagkasundo na kayo na 'di ka na nila susundan, maliban sa mga kasamahan mo, Boss. Sila ang mga notorious killer assassin talaga. Kaya nga nagtataka kami na nagpasugod sila ngayon, kung iisipin mga bubot pa ang pinadala nila na parang 'di nila kilala ang kakayanan ng mga snipers mo, boss. Isa pa, iilan na nga lang sila, sinasayang pa nila? Sana sa mas madadaling target 'yon," –Sigi.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now