OFFICIALLY 6: Greatest Fear

3K 156 40
                                    

Thank you sa active voters and comments n'yo rin siyempre well appreciated hihi ! Lalo n'yo ko pinasisipag iupdate 'to nang madalas hihi. Lovelots.



OFFICIALLY 

CHAPTER 6

" GREATEST FEAR "


" Nakakainis, napakadamot mo pinagdadamutan ba kita? " sabi niya. Lintek, ano na lang iisipin niya kapag nalaman niya kung ano 'yon? Hindi na 'ko nakikipag-ano sa iba, natira lang 'yon.

"Expired na 'yon, ayokong malason ka, "sabi ko sabay hila sa kanya at hinalikan ko sa labi. Fck, I might die without him.

Nilambing ko pa siya, mamaya talaga itatapon ko na mga 'yon. Pahamak masyado! Halos hindi na nga 'ko makahinga nang tinatanggal niya' yung butones ng polo ko kanina, napapalunok akosa tuwing sumasayad 'yung malambot niyang kamay Fck, hindi ko kinaya kaya 'yun na – yun na 'yon.

Dinner time hindi namin nakasama 'yung papa niya. May operation schedule daw kaya kami lang tatlo at as usual sa iisang pinggan lang kami kumain.

"Blue, get your own plate. Hindi makakain si Adam nang maayos kung nakikisalo ka," sabi nang mama niya. She's pretty, para nga lang silang magkapatid.

"Hayaan mo na ma, " kontra niya kaya natawa 'ko. " Gusto mo 'kong kasalo 'di ba? "Baling niya sa 'kin kaya nangiti ako. " Sumagot ka na dalian mo, tawa-tawa ka pa diyan," naiirita na siya pero lalo lang siyang nagiging cute.

"Opo, sanay na," sabi ko, makakain ako nang UPO ngayon kaka opo. Ngiting-ngiti naman siyang bumaling sa mama niya.

"Kita mo mama, mas ginaganahan siyang kasalo ako, "sabi niya. Tumagal kaya kami rito nang wala silang nararamdaman tungkol sa relasyon namin?

**

" Sayang ang oras Adam maligo ka na," hinihila niya ko sa higaan. Nakaupo naman ako.

"Promise, saglit na lang 'to, " sabi ko sa kanya na nakapokus sa laro. Final game na ng international soccer league. " Maglinis ka muna, " sabi ko sa kanya. Naglilinis talaga siya dahil may hawak siyang walis.

Hindi naman niya 'ko hinila na pero maya-maya nakahiga na siya sa hita 'ko at dahil hindi ko siya pinapansin naupo siya sa unahan ko para harangan 'yung pinapanood ko.

Niyakap ko na lang siya sa likuran at pinatong ko 'yung ulo ko sa balikat niya pero agad rin siyang umalis at dinampot 'yung walis at humarang sa TV at doon nagwalis-walis.

"Hey, hindi ko makita," sabi ko sa kanya pero hindi niya 'ko pinapansin. Kung saan pumunta 'yung ulo ko para makasilip doon rin siya pupuwesto kaya napapakamot ako sa kilay ko. Binuksan ko na lang 'yung cellphone ko para manood nang kunin niya na lang basta sa kamay ko.

"May itetext pala 'ko, pahiram lang, "sabi niya. Hindi naman ako naiinis nangingiti nga ako. Pero tinatapos ko lang naman talaga 'tong palabas, maliligo na 'ko dahil pupunta nga kami nang Disneyland.

Siguro ilang minuto rin siyang nawala nasa last five minutes na lang nang kumanta naman siya pagbalik. "So What! I'm still a rokcstar, I've got my rock moves and I don't need you ---- " kanta niya na talagang nagpawala na nang konsentrasyon ko sa TV. Nakaheadset na siya at kumakanta, ewan kung may winawalis pa siya o hindi ba niya pansin na makakabulabog siya sa lakas ng pagkanta niya. " Guess what?! I'm having more fun, and now that we're done 'm gonna show you tonight! " siya talaga 'yung hindi nakakapikon at lalo lang akong nangingiti sa ginagawa niyang halatang panggagambala sa panonood ko. Nanalo nga 'yung gusto kon grupo pero hindi ko alam paano nangyari 'yon dahil sa kanya ako nakapokus at dahil siguro tapos na rin 'yung kinakanta niya binalingan na niya ako at nag peace sign siya sabay kindat sa 'kin .Fck! Mas lalo siyang nagiging makulit habang tumatagal at mas lalo ko siyang minamahal.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora