SM 21: Biersack Family

1.7K 125 31
                                    



SHOTGUN MARRIAGE 21

BIERSACK FAMILY



 KAI *

"Maayos ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap para namang wala lang ako sa 'yo dito, " hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Aoi. Pinuntahan ko siya sa kuwarto niya after lunch dahil parang may iniisip siyang malalim kaya naman sinundan ko siya rito. Kanina ko pa siya sinusubukang kausapin pero para lamang akong hangin dito, nginingitian niya naman ako kapag kinakausap ko siya pero parang 'di naman niya 'ko nauunawaan. Tapos na rin naman ang ilang shoot ko dito para sa upcoming movie ko sa unang paglabas ko.

" Hindi pa ba tayo babalik sa Pilipinas?" tanong niya sa 'kin na tumitig pagdaka'y iniiwas rin ang tingin.

Wala pa kaming relasyon pero alam kong sa kanya ako at akin siya. I'll make sure everyday na nararamdaman niya 'yung pagmamahal ko sa kanya at nararamdaman ko rin naman na sa 'kin din niya isinesentro ang buong atensiyon niya. Pero bigla para na naman siya 'yung Aoi na nakilala ko almost 1 year ago na biglang nalulungkot at tila malalalim ang iniisip.

In eight months, marami kaming pinagdaanang dalawa. The first time I'd kissed him na akala ko tinanggap niya, iniyakan niya lang ako no'n at tinatanong niya na bakit ko ginawa 'yon. Akala ko nagkamali ako sa isiping lalaki si "ADAM " kaya pilit ko siyang kinausap na umabot pa kami sa loob ng isang linggo na 'di niya 'ko gaanong kinikibo. Naging maayos naman kami, chocolate lang naman pala katapat niya nagniluhod pa 'ko no'n. Pero dahil sa kalokohan ko kasusuyo sa kanya lalo lang ako nagkagusto sa kanya hanggang malaman ko na mula sa kanya na lalaki si Adam and they are married.

On that moment, parang gumuho ang mundo ko. Sa panahon na nag-inom ako, nag party 'til drop at walang ginawa kundi iwasan siya nang 'di ko ipinapahalata dahil kinakausap ko naman siya, nginingitian at tinatawanan pero ang totoo ang sakit ng nalaman ko. Hindi ko alam kung bakit, shet lang 'di naman ako tinatamaan ng ganito pa sa buong buhay ko –lalaki pa!

" Naaksidente si Adam, " hindi siya makatingin sa 'kin pero gusto kong pumalatak sa sinabi niya at sa damdamin na nanaig sa 'kin ng marinig ko na tila nagpipigil lang siyang umiyak.

"Pupuntahan mo?" tanong ko at hindi ko na napigil 'yung galit sa damdamin ko. Tangna, 'di pa ba patay?

" Sana –"

"Kung pipigilan kita, magpapapigil ka ba?" tanong na kahit ako kinabahan sa magiging sagot.

Umiling siya so it means " HINDI " pupuntahan niya 'yung tarantadong nanakit sa kanya. Karma niya lang na maaksidente siya, sana nga namatay na siyang gago siya!

Masakit sa loob ko at masama na rin na babalik kami sa Pilipinas para sa hayop na 'yon. Pero wala pa kaming relasyon ni Blue, wala pa 'kong siguradong parte sa buhay niya lalo pa't nalaman ko na k'warto ni Adam 'yung kalapit ng kuwarto niya dito sa pamamahay nila. Hindi ko nga sinubukang alamin ang mukha ng Adam na 'yon.

Siya naman ang nakipaghiwalay 'di ba? May pamilya na 'to, mangangamba pa ba 'ko? Gusto ko lang magmura nang magmura para mabawasan ang frustration na nararamdaman ko.

"After a year, malalaman ko na ba ang sagot mo?"

Tinignan niya 'ko at alam ko na nakuha niya ang ipinupunto ko. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako at niyakap ko siya. I don't wanna let him go, ayoko rin siyang itali sa 'kin nang husto. Gusto ko maramdaman niyang malaya siya, na may tiwala ako sa kanya. Tangina mahirap pala pag-alam mo na 'yung EX na sinundan mo minahal nang husto ng minamahal mo ngayon.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon