SM: Japan

2.4K 115 8
                                    


      SHOTGUN MARRIAGE 2 

" JAPAN "


Dressing Room

Dalawa lang sila ni Aoi para makapag-usap dahil maraming reporter ang humaharang sa bawat performer, iyong tatlo na lang ang humarap.

"Aoi, totoo ba 'yon?" Si Yuki na ang bumasag ng katahimikan dahil nagtitigan lang sila at nag-iiwasan ng tingin.

"Oo, kung hindi naman totoo ang sinabi mo kanina ayos lang, pero talagang liligawan kita, " sabi ni Aoi na pulang-pula na kaya nangiti si Yuki. Ewan ba niya, sobrang cute nito at kahit siya makapagtaray dito. Sa totoo lang ito ang kilala niyang maraming nagkakagusto ring lalaki. He had a unisex appeal like Claude.

Hinawakan nito ang kamay niya at hindi naman niya pinlanong alisin. " Kahit rebound, kahit na walang space, gusto ko pa rin na subukan Yuki. I love you, hindi ko alam kung bakit dapat ikaw, " sabi nito kaya mabilis niyang kinutusan si Aoi ng isang kamay niya.

"Bwisit ka!" natatawa siya dahil parang ayaw pa nito sa kanya.

"Bakit kasi live broadcast ha? " kinikilig na tanong niya. Aaminin niya na talagang may kakaiba na siyang nararamdaman dito, ito ang description ng lalaking 'PERFECT' para sa kanya.

"Para summary na, hindi na iba-iba ang nagtatanong, " natatawang sagot ni Aoi na hinawakan siya sa magkabilang balikat. " Kapag nasasaktan ka na, naiiyak, at pakiramdam mo pagod na pagod ka na at kahit sarili mo hindi mo na makilala nandito ako, ipapakilala kita ulit sa sarili mo Yuki , " sabi nito kaya naiiyak siya bakit kasi masyadong comfort ang ipinaparamdam nito sa kanya. Iyong comfort na hindi ipinaparamdam ni Claude.

" Nikki, kapag nasasaktan ka na, naiiyak, kahit nagagalit ka, palagi mong tatandaan na nandito ako para sayo. Kahit nasaan ako tatakbo ako para i-comfort ka," sabi ni Yuki na natatawa dahil nangiwi ito sa pagtawag niya ng Nikki. Naalala niya kasi ng dumating ang magandang babae na tila kaedad niya lang at ang sexy na akala niya girlfriend nito at tinawag si Aoi na "Nikki" noon niya nalaman na mommy pala ni Aoi iyon at grabe ang bata nito kahit ng papa nito.

"Liligawan kita ha? "sabi ni Aoi para talagang bata magtanong.

"Saka na, kapag after one year mahal mo pa rin ako tapos naasikaso ko na ang annulment namin ni Claude. Isa pa, nahihiya ako sa parents mo, " namumulang sabi ni Yuki. Nag-iisang anak kasi si Aoi tapos nag-asawa na rin siya kaya gugustuhin pa ba siya ng mga ito kay Aoi?

"Alam naman nila na, matagal na, " sabi ni Aoi kaya namilog ang mata ni Yuki. " Sabi nga ni mama, unahin na daw natin ang baby," ngisi ni Aoi kaya kinurot niya 'to sa tagiliran.

"Ouch, " napaigtad ito kasunod ng pagyakap kay Yuki. " I love you, ako na lang ang saktan mo 'wag ang sarili mo, " sabi nito kaya naiiyak siya. Pakiramdam na mas ayos na ito na lang ang masaktan basta 'wag siya?

Kahit siya nagtataka sa nararamdaman niya. The half of her heart was bleeding and the other half, it's recovering ... beating ... for Aoi..


TAKUMI

" Kasal na sila, " sabi ko kay Aoi ng matagpuan ko siya sa veranda at nilingon naman niya 'ko ng nakangiti.

" Naniniwala ako na ang pinagsama ng Diyos ay hindi pwedeng paghiwalayin ng tao. Pero nasasaktan na siya, nagpaalam naman ako kay God na kukunin ko lang ang babaeng mahal ko, kahit hindi ako ang maging asawa niya at dadaan lang din ako sa buhay niya atleast I mend her broken heart, but I was hoping na sana ako pa rin ang piliin niya on her second time na maging isang bride," sagot ni Aoi na nakangiti pa rin. " Kung ayaw niya hindi ko siya pipilitin, kung gusto niyang bumalik kay Claude wala naman akong magagawa, basta maging masaya siya. I don't care about myself, even my feelings, " dugtong niya.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now