SM 19: Goodbye, Adam

1.7K 109 16
                                    

LAST 6 CHAPTERS! <3

KAI ON THE PICTURE:

KAI ON THE PICTURE:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SM 19:

GOODBYE, ADAM


After that kissed, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nakikita ko si Adam kay Kai, kaya magaan ang loob ko sa kanya. Naiintindihan ko siya na sinasabi niya, dahil ganoon din si Adam noon at 'di na bago sa 'kin ang paraan niya sa buhay. Ipinapakita niya na mahalaga ako at ganoon din naman siya sa 'kin, pero hindi ko na gustong pumasok pa uli sa relasyon dahil alam ko na kapag nakita ko uli si Adam, babalik lahat ng nararamdaman ko. Pero wala na nga kaming pag-asa 'di ba?

Hindi ako pumunta ng Christmas kay Yuki dahil dumating ang kapatid ni Kai. At hindi ko alam kung bakit ganito sa kanila, may pamilya ba talaga na mabilis matanggap na maaaring magkarelasyon ang parte nila sa kapwa nito lalaki o babae? I don't want this overwhelming feelings, baka bumagsak ako ng tuluyan sa pag-asang mayroon ang mga mata ni Kai. He's too young for this, he's too young for me.

" Georgia!" malakas ang boses ni Tiffany nang tawagin ang kapatid ni Kai. Pareho silang babae na may relasyon, pareho naman silang maganda mas matapang lang tignan si Georgia.

" Wait, hon, " ani Georgia na natatawa, sabi niya may hihilingin siya sa 'kin pero mag iisang oras na 'di pa rin niya nasasabi.

" Let's go out, " astig na aya niya. Para siyang si Hayley na kaibigan ni Ruki.

" Good morning!" si Kai na naka-short lang at white V-neck shirt. Nginitian niya agad ako at 'di ko magawang ngumiti.

" Subukan natin 'yung regalo ko sa 'yo, ginawa 'yan ni Chryst. " si Georgia sa kapatid.

" Ikaw ba gumawa ng mga bala?" tanong ni Kai na ngising-ngisi. Noong nakita ko 'yung regalo na sinasabi nila, nagulantang ako. Totoong baril 'yon pero kakaiba ang itsura niya at puno ng mga simbolismo. Nalaman ko kay Tiffany noong nakausap ko siya dahil sa kusina kami na gumagawa talaga ng mga armas ang pamilya Aihara –armas na hindi ibinebenta. Iilan lang sa 'di miyembro ng pamilya ang mayroon no'n at panigurado na regalo lang din ng mga nasa angkan ng Aihara.

" Yes! Inspirado ng Goodbye Philippines!" ani Georgia na ang tinutukoy ay 'yung paputok na malakas at malaki ang itsura.

Nagmamadaling umakyat si Kai at kukunin na niya 'yung baril. ANg bata niyang humawak ng mga ganoon, na parang ginagawa lang nilang laruan.

" Sana mamana ni Kai ang galing ni Ruki, lalo na at siya ang ating hidden crowned Prince!"ani Tiffany na ngiting-ngiti. 'Di ko sila maintindihan. Si Ruki, nakita ko rin na may baril siya noon at hindi lang isa kundi sampu ang bilang na nakadisenyo sa kuwarto niya. Hindi ko naman sineryoso na totoo 'yon dahil parang 'di naman nga pangkaraniwan sa mata ko. Si Takumi lang ang maysabi noon na totoong gumagana ang mga 'yon. Pero siguro nga, palagi nga lang niya nililinis 'yon, 'di naman ginagamit. At saan naman niya gagamitin 'yon kung ginagamit niya?

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now