STILL 6: Who you?

2.1K 130 28
                                    


AFTER NG STILL VERSION  --Present na tayo! :) Kailangan lang 'tong mga part na 'to para naman mabuo natin ang mga pangyayari. 


STILL 6

" WHO YOU? " 



" Dito na lang uli ako sa tabi mo, mas nagiging payapa pa 'yung pakiramdam ko sa tuwing kalapit kita," sabi ko sa kanya habang nakahiga ako sa braso niya na siyang humahaplos sa buhok ko kaya inaantok ako. Nakayakap rin ako sa kanya, 'yung kahit wala kaming gawing iba, humiga lang kami o umupo sa sofa at mag-usap, ibang-iba pa rin ang saya nang pakiramdam ko.

" Pero kailangan mong matignan palagi," sabi niya kasunod nang pagtingala ko sa kanya at sinimangutan ko siya pero ngumiti pa siya!

"Bakit ka ngumingiti? Sa 'min ka na lang, gusto na talaga kitang kasama please,please,please, " sabi ko kahit ang imposible. " Baka may kumuha pa sa 'yo dito, iwanan mo pa 'ko, " bakit naman kasi ang bad trip ng sakit ko!

"Hindi kita iiwan, nawalan nga 'ko nang pakialam sa sasabihin ng ibang tao simula nang minahal kita. Tapos iiwanan lang kita? Mas natatakot nga 'kong mawala ka, kaya kahit hindi ko gusto, hinahayaan kita, doon ka kasi mas mapapabuti hindi sa tabi ko," sabi niya, ang hinahon niya ngayon kaya naman kahit na nalulungkot ako tumango ako.

" Subukan mo rin, Adam, kailangan kita. Mas gagaling ako kapag kasama kita," tumungo ako at ipinatong ko 'yung ulo ko sa dibdib niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Mahal na mahal ko si Adam, kung noon sinasabi ko na darating ang oras na magtatapos rin kami, kailangan maging preparado ako, wala namang kasiguraduhan 'tong relasyon namin. Ngayon iba na, gusto ko na palagi kong alam kung nasaan siya, natatakot ako sa isiping gagawin ng iba ang dapat ginagawa ko para sa kanya.

Naramdaman ko na hinaplos niya ang buhok ko.



NIKKA'S POV ( BLUE 'S mom )

It's been two weeks since Adam told us about his relationship with my son. Kilala namin si Adam dahil sa tuwing tatawagan ko si Blue, palagi niyang sinasabi na masaya siya at maganda naman ang pamumuhay niya sa Spain dahil kay Adam. Pero hindi ko naisip na more than friends ang magaganap sa kanila. Until now, hindi ko mapaniwalaan.

Strong personality si Adam, tila nga hindi siya makangiti madalas, if I was at his age –iyong lalaking tulad niya ang hinding-hindi ko gugustuhin. Dominant and perfectionist ang matatanaw mo sa kanya.

Napagdesisyunan naming mag-asawa na hindi sabihin kay Blue ang nalaman namin. Naguguluhan lang siya at napagkakamali lang niya ang pagmamahal niya kay Adam. Mawawala din 'yon, nasisiguro ko.

Two weeks na rin na kinukumbinsi kami ni Adam na payagan ang relasyon nila. Kahit hindi naman namin gusto, ipinapakita naming sa kanya na hindi kami payag, at galit kami sa tuwing ipagpipilitan niya. Ilang beses ko na rin siyang nakitang napaluha dahil sa frustration. Kung sana babae ang anak ko, hindi ko siya pahihirapan ng ganito.

" My, " tawag sa 'kin ni Blue kaya nawala ako sa malalim na pag-iisip. Hindi ko napansin na nakatayo na siya sa harapan ko habang nakaupo ako sa couch.

"Hindi ka ba makatulog baby?" tanong ko sa kanya, nginitian ko siya at ngumiti naman siya ng tipid.

" May sasabihin ako sa 'yo," sabi niya, ewan ko ba bakit ako kinabahan.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now