STILL 2: Second?

2.7K 180 50
                                    


     DEDICATED sa' yo kasi palagi mo binibilang ang boto. Hahaha! Mukhang sanay kang botante, chaar hahaha Loveyou, thank you for being such a supporting reader. <3



STILL 2

" SECOND? " 



" Uhmmm!" Nag inat-inat pa 'ko, masakit ang ulo ko. Nakita ko pa si Adam sa tabi ko. Ano bang nangyari kagabi? Minasdan ko uli si Adam, hmp! Siya na guwapo pero mukhang hudyo. Adam? As in Si Adam Demetrius?! Sht! Anong ginawa ko dito?

Mabilis ako't dahan-dahang umalis. Sht, sht! Nag sleep walk ba 'ko? Dinala ba ko ni Jae dito? Lumabas ako ng kuwarto, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sht, why do I nee to have this feeling na balikan siya? I'm getting insane! But I missed him,sht! Natututo ako magmura dahil sa damdaming 'to!

Naalala ko na, pedestrian lane at dito ko umuwi.Dapat nagpalit siya ng password, paano kung nakawan ko siya? Bumaba ako ng hagdanan pero bago ako makalabas ng pinto may humawak na sa 'kin para 'kong nakakita ng demonyo sa katauhan niya sa biglaan paglingon ko sa sobrang pagkabigla.

" You stay here, with me, " halos magdikit ang kilay niya pero agad ring umayos at hinawakan ako sa magkabilang balikat paharap sa kanya. Napalunok ako nang ilang beses.

"Ahm, nagkamali ako. Uuwi na rin ako, sorry," alanganin akong tumawa dahil halata naman na 'di niya nagustuhan ang sinabi ko.

" This is your home. " pinagdiinan niya 'yung home kaya tumango ako.

"Ahm, hindi na –naghiwalay na tayo 'di ba? "paalala ko sa kanya. Sht, ang sakit ng ulo ko, isama pa na ang lalaking 'to naka-umm boxer lang. " Mag short ka muna, T'shirt na rin, " iwas ko nang tingin sa kanya. 'Di naman ganoon katagal ko siyang 'di nakita pero bakit hindi na 'ko sanay sa pambabalandra niya ng katawan niyang kasing titigas ng bakal, isama pa 'yung – wala!

" Sa kuwarto tayo, baka tumakbo ka," aniya.

"Hindi, mag-uusap tayo, dalian mo na nakakailang kang tignan," taboy ko sa kanya. At nanghihina akong pumunta sa sofa at dahan-dahang naupo. Nakakabuwisit na patingin-tingin pa siya habang umaakyat sa hagdanan may dimple pa ang magkabilang upper butt niya kaya imbis na mainis ako nangiti na lang ako. May pagulo-gulo pa nang buhok niya na magulo naman talaga, hindi mag-ahit nang hindi nagmumukhang hudyo! Oo bagay naman sa kanya pero mas lalo siyang nagmumukhang creepy.

Hindi ko alam paano ko talaga siya haharapin. 'Di naman ako galit sa kanya, 'di rin naman ako umaasa na sa kanya. Pero nasa puso ko pa rin siya, masyado siyang pabida –dapat Bida Man ang pangalan nito hindi Adam Demetrius! Ang sakit nang ulo ko, hindi na 'ko iinom no'n, masakit na sa ulo , nahibang pa 'ko at dito ako umuwi baka nag-aalala na si Jae sa 'kin o baka naisip na niyang sumama ako kay Adam? Mabait si Jae sa 'kin, close kami, bestfriend at higit sa lahat 'di ako natatakot o naiilang sa kanya. Minsan nararamdaman ko 'yon kay Adam, takot at pagkailang. Is it possible na ma fall uli ako sa isa pang lalaki? 'Wag naman na, tama na si Adam.

Bakit ba nagustuhan ko si Adam? I think because I felt so weak, he's like a saviour. No, he's really my saviour. Iba ang pakiramdam na inaalagaan ka, with him I feel safe without worrying somebody might hurt me, cause I have him.

"Blue, " tawag niya, he's wearing dirty white polo shirt and walking short. Tumayo na rin ako para salubungin siya. At hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at walang pasintabing hinalikan ako. Itinutulak ko siya pero hindi ko naman talaga kayang itulak ang katawan niya kaya kinagat ko ang labi niya na ikinatigil niya.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now