SM 10: LYNDON

1.8K 108 10
                                    


SHOTGUN MARRIAGE

LYNDON

Palagi na lang may usapang inuman 'tong mga kaibigan ni Adam. Naiinis ako pag nakikita ko si Jude pakiramdam ko iniinis niya 'ko lagi at palagi naman akong apektado sa mga pang-iinis niya. Ngayon naman may pa-Dani-Dani pa siyang nalalaman. Sino na naman 'yang Danica na 'yan! Nakakainis.

"Babe, trip ka lang ni Jude," ani Adam na buhat-buhat si Red na tulog na. Nasa backseat dahil may driver naman kaming kasama.

" At masaya kang pinagti-tripan niya 'ko?" inis na tanong ko sa kanya. Magkaibigan nga sila pareho silang nakakainis

Hanggang sa makauwi kami naiinis ako sa kanya kaya tumabi ako saglit kay Red. Hindi naman ako makatulog rito ng hanggang umaga dahil iniisip ni Red na magkaaway kami ng papa niya kapag tinatabihan ko siya na totoo naman.

" Sorry na, " aniya na yumakap sa 'kin ng mahiga na 'ko sa tabi niya. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko pero 'di ko siya nililingon. " Naniniwala ka ba sa kanya? Isinasama nga kita kahit saan, kung gusto mo nga i-broadcast ko pa na mag-asawa na tayo sa media para naman hindi na rin ako nai-issue sa iba," malambing kong wika. " Ikaw lang naman ang ayaw," huminga siya ng malalim. Nilingon ko siya.

" 'Wag kang umarte, ako na naman ang magmumukhang may kasalanan!"

"Totoo naman, ikaw lang ang may ayaw na sabihin sa iba na may relasyon tayo," tinitigan niya 'ko ng matiim.

" Tama na, " hinarangan ko ng hintuturo ko ang labi niya saglit at pagtanggal ko ng daliri ko ay hinalikan ko siya ng magaan. " Darating din tayo do'n, isa pa, mas maayos na iilan lang ang may alam para walang nakikialam sa 'tin. Mas gusto ko na tahimik lang tayong tatlo," kinukumbinsi ko siya na 'wag ng makadama ng pagtatampo. Hindi ko siya ikinakahiya, kahit kailan hindi ko naman ikinahiya na nagkaroon ako ng relasyon sa lalaki rin.

" Maghihintay ako, I love you, " hinalikan niya 'ko sa noo. Maghihintay, ibig sabihin gusto niya talagang ipaalam na may relasyon kami. Nangiti ako, masaya na 'di niya 'ko ikinakahiya.

" Babalik na si Yuki, " kinaswalan ko lang ang pagsasabi no'n. Nitong mga nakaraang araw, nakakausap ko na si Yuki muli sa phone, cellphone at maging sa skype. Pero kinakausap ko lang siya kapag nandito si Adam. Iba kasi siya magselos, minsan wala sa hulog.

" Kailangan ko na bang mangamba?" tumawa siya ng pagak. Niyakap ko na lang siya at pumikit. " Hindi, gusto ko rin na magkabalikan na sila ni Claude. Kaya 'wag mo na siyang pagselosan, tapos na 'yung kabanata –"

"Paano ko 'di mangangamba kung minahal mo siya nang higit sa pagmamahal mo sa 'kin noon? Paanong hindi ako mangangamba kung hanggang ngayon hindi ako sigurado kung may bumalik na bang pagmamahal para sa 'kin?"

" Manhid ka talaga," bulong ko lang 'yon. Bahala siya, matapos kong makausap si Yuki ibibigay ko na sa kanya ang mga salitang gusto ng manhid na 'to.

" Hindi ako manhid, pero kailangan ko ring marinig 'yon dahil ayokong umasa lang sa mga ipinapakita mo. Baliw na baliw ako sa 'yo, " aniya sa seryosong tono. Nginitian ko lang siya.

Kung tutuusin ako ang nangangamba sa kanya, kapag nagmahal naman ako isa lang ang kaya kong pagbuhusan. Pero siya? Masiyado naman talagang guwapo ang hudas na 'to, siya 'yung madalas pantasya ng mga kababaihan na inilalarawan ng mga manunulat sa kuwento. Kaso, hindi 'yung madalas inilalarawang babae sa kuwento ang minahal niya.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now