OFFICIALLY 2: Snow White pt. 1

2.9K 182 34
                                    


SALAMAT sa 36 votes yiee! Hindi n'yo ko binigo! :) Okay! Try pa, haha 40 Votes next chapter okay lang? Salamat ng marami! :) Puhlease... More comment din para more inspiration hahaha!


OFFICIALLY 2

"SNOW WHITE PT. 1 "


" After ng play 'yung party, magkita na lang tayo mamaya ha? Dito na rin ako magbibihis sa school," sabi ko kay Adam na nakangiti at pumayag agad. Anong nakain nito? Hala siya. Kumakain kami sa malapit na restaurant, paella kasi ang favourite niya.

" Wala ka naman masamang binabalak?" Tanong ko pa sabay umit ng hipon sa pagkain niya. Tinusok ko ng tinidor haha! Ubos na 'yung hipon ko. Hmp!

" Wala, ano naman babalakin ko?" Umayos siya ng upo tapos ngumiti siya. Bwisit, bakit bumibilis 'yung tibok ng puso ko na parang mamumula na naman ako, pati tenga ko nag-iinit! Tss. Iba talaga virus nitong si Adam.

Nasa mesa 'yung kamay niyang may relo kaya ako din. Sa left siya sa right ako. Ang ganda tignan. Hindi ko rin talaga maunawaan, ang alam ko lang si Adam 'yung gusto kong palaging makasama. Siya 'yung ayokong mawala sa 'kin.

Kay Adam naging ako si "AKO" I mean, hindi ko naman alam ang ugali ko noon. Mahilig lang ako sumunod, takot mawalan ng kaybigan, hindi nagbibigay ng opinyon pakiramdam ko naman wala naman may pake. Pero nang dumating siya, parang nakilala ko 'yung sarili ko, masayahin, mainisin parang lahat ng emosyon ko Malaya kong nasasabi, nagagawa sa kanya.

Hindi ko rin maintindihan bakit niya ko gusto. Maraming babaeng nagkakagusto sa kanya at aaminin ko na na-iinsecure na rin ako. Pakiramdam ko darating din 'yung time na hindi na ako ang kailangan niya, pareho kaming lalaki, at hindi ko naman kayang punan 'yung nagagawa ng isang babae sa buhay niya. Isa pa hindi ko naman gustong maging babae, masaya 'ko na kasama si Adam.

Pagkatapos kumain pumunta na 'ko ng theatre. Si Adam naman hinatid lang ako sa building then umalis na rin siya. Wala naman ako sa play kaya hindi 'yun magtitiyagang manood. Hindi naman mahilig 'yun sa panonood. Ang gusto niya kasi puro sport ang pinapanood.

Thirty minutes na kaming nag-aayos pero still wala pa si Jae at 'yung partner niya kaya naman tinawagan ko na si Jae gamit ang phone ni Beatriz, kasamahan namin. Sila na bahala sa partner niya. Ang tagal ko siyang tinatawagan, paikot-ikot na 'ko ayaw pa rin niyang sagutin. Tss! Tinext ko nga siya.

"Nasa'n ka na? Ngayon ang play Jae! Naman, please, - Blue " sabi ko, after one minute siya na kusang tumatawag.

" Buti sinagot mo na!" sabi ko.

" Ikaw nga," parang masaya pa siya, " Sige pupunta na 'ko, namimiss mo naman agad ako, " sabi niya sabay tawa.

"Dalian mo na, anu-ano pa sinasabi mo," inis na sabi ko. Narinig ko kanina na kausap na nila 'yung leading lady kaya naman tingin ko okay na.

" Blue, " sabi niya.

"Umm?"

" I love you -----" may sasabihin pa siya pero pinatay ko na. Kinabahan ako. Ewan ba, parang malaki talaga takot ko kay Adam. Siguro hindi lang kasi takot na isipin niyang may ginagawa akong iba sa likuran niya, takot na baka magalit siya at itigil na niyang mahalin ako...... kung kailan naman .... basta!

Naisipan kong tawagan 'yung number ko, kasi cellphone ko naman lagi 'yung hawak ni Adam.

" A ----"

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now