SM 14: Tears

1.6K 104 54
                                    


Bilis no? Ang haba pa! Haha Loveyouuu! *u* Baka kasi 'di ako makapag-update nextweek! <3 But then, pag-iisipan ko depende sa comment at votes haha! I love you! <3

Dedicated to you! Thank you for the flood votes and reading almost all of my works. <3


SM 14

TEARS


BLUE

" Salamat, " nginitian ko si Lyndon dahil hindi na niya 'ko pinahirapan pa tungkol sa relasyon na gusto niyang ipilit.

" Hindi ko lang gusto na magalit ka sa 'kin, susubukan kong kalimutan ang damdamin ko sa 'yo lalo na kung ganitong alam ko naman na wala akong tiyansa," nginitian niya 'ko. " But we could be good friends, right?" hinawakan niya ang kamay ko sa mesa, tinanguan ko naman siya bilang sagot.

Naiintindihan ko na ang mga araw na pinagsama namin ay hindi dahil sa gusto o mahal niya 'ko, may galit lang siya sa 'kin at gusto niyang sirain kami ni Adam. Pero sa huli, para rin siyang si Jae na pinalaya ako. Hindi ko ikakaila na mabuting tao si Lyndon, at hindi ko pagsisisihan na pumayag akong makipagrelasyon sa kanya. Bakit? Dahil naayos ko ang damdamin niya na galit sa 'min ni Adam.

" Ingatan mo ang sarili mo, maayos na rin sa 'kin ang Alpha kaya siguro kailangan ko talagang isuko ka. Kung sakaling saktan ka ni Adam, sana sa pagkakataon na 'yon layuan mo na siya o' babalik pa 'ko para bawiin ka?" aniya na puno nang pag-aalala.

" Iingatan ko ang sarili ko, at kahit masaktan ako hindi ko iiwanan si Adam. Kailangan mong bumalik dahil nandito sila, kaibigan kita at magiging ninong ka pa ng susunod na anak namin," natatawang sabi ko. Totoo 'yon, hindi ko na iiwanan si Adam, maliban kung hihilingin niya... Pero pag nangyari 'yon hindi na niya ko matatagpuan, ayoko ng maging maliit ang mundo namin, pipilitin kong mabuhay sa lugar na malayo sa kanya –malayo sa kabihasnan? Bundok? Gubat?

Nang pakawalan niya ang kamay ko nagsimula na 'kong kumain. Our relationship belongs to foods. Mahilig lang kami kumain, lalo na sa lugar na 'to. Aaminin ko na naging masaya naman ako kasama siya, pero hindi pang relasyon ang pakiramdam –isang close friend na kasundo ko sa mga gusto ko.

" Hi,"

Sabay kaming napalingon ni Lyndon sa babaeng bigla na lang sumulpot. Nangunot ang noo ko, gumapang ang kaba sa dibdib ko nang mapagtanto ko kung sino siya.

" Luciel, if ever you forgot me," aniya sa 'kin nang nakangiti bago bumaling kay Lyndon. " Lyndon, right? We met before in states, " anito pa kaya tinignan ko si Lyndon na tumango lang.

" I think so," sagot ni Lyndon.

" Siguro naman wala kayong alam mo na, babae na naman ang ginugusto mo nitong mga nakaraan 'di ba?" sarkastiko niyang wika sa 'kin.

" Miss, do you have some business between us?" naroon na ang inis sa boses ni Lyndon.

" No, aalis na rin ako. Gusto ko lang sabihin kay Blue na masaya 'ko para sa kanila ni Kuya Adam. Na finally natauhan sila na hindi naman sila p'wede, nasabi ko rin kay kuya na magkasama kayo. And maybe because he's Jae's twin –"binitin niya ang sasabihin niya.

Nang sabihin pa lang niya na sinabi niya kay Adam nanlamig na 'ko. Balak ko naman sabihin na kay Adam, hinihintay ko lang makaalis si Lyndon. Hindi ko alam kung mabubuwisit ako kay Luciel sa ginawa niyang pagsasabi sa 'kin ngayon o ipagpapasalamat ko na rin 'yon dahil hindi ako magugulat na biglang darating si Adam dito. Hindi tamang gumawa kami ng eksena dito, knowing Adam? Kapag galit na galit siya 'di talaga siya nakakapagpigil.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon