OFFICIALLY 7: NO!

2.7K 180 34
                                    


Nakakalungkot ang pagbaba ng votes! But still40 up next update pag wala pa, maghintay na talaga ako. Pag 'di umabot magpaalam na muna tayo sa kanila huhu!


OFFICIALLY 7: NO!

PHILIPPINES

We decided na pumunta nang Pilipinas ngayon na another weekend na naman. Ipinatawag si Adam ng Dad niya at ayaw niya 'kong iwan sa Spain. Pero ayaw din naman niya 'kong isama, sabi niya sa hotel muna ako pero sabi ko sa mall muna ako. Gusto kong maglaro para hindi naman ako mainip. Nahirapan pa 'kong kumbinsihin siya basta kapag tatawag siya kailangan kong sagutin ko, isipin pa no'n nakidnap ako.

Walang araw na hindi ipinaramdam ni Adam na mahal niya 'ko, gano'n din ako sa kanya. Marami nang may alam ng relationship namin, kung may nagtatanong naman hindi ko ikinakaila. Hindi na rin ako kinakausap ni Jae, naiisip ko talaga nang husto dahil kaybigan ko siya. Pero 'yung good thing naman do'n, walang pinagseselosan si Adam.

Nasa ground floor na 'ko para maglaro bumili ako nang maraming tokens. Ano kayang itsura nang pamilya niya? Simula nang nagsama kami wala siyang kinuwento, wala rin siyang pictures nang kahit sino sa pamilya niya at higit sa lahat last last day ko lang siya naringgan na kausap ang daddy niya. Lolo pa lang niya ang nakita ko.

Naglaro ako nang basketball at nakakahiyang tinitignan ako nang grupo ng mga highschool at puro sila ang "Cute" kaya nang matapos ang time ko pumunta na 'ko sa dulo. Balak ko sanang maglaro pa kaso masyadong crowded kaya napatingin ako doon sa kumakanta nang "Stupid Love" sa videoke, natawa 'ko dahil parang maliit na maliit ang boses niya.

"Nakakainis! Ang pangit mo," inis na may tumabi sa 'king babae na galing sa KTV part kung saan by rooms ang mga videoke. Sinulyapan ko siya – she's cute. Curly ang dulong part ng buhok niya at may red ribbon siya sa buhok habang nakabackpack siya na black na maliit lang parang notebook lang kasya. Napatingin siya sa 'kin kaya alanganin na nginitian ko siya at 'yung simangot niyang mukha nginitian din ako.

" May kaaway ka?" Tanong ko na lang sa kanya. She's cute and pretty in a way na hindi ka masasawang titigan siya.

"Kulang na kasi 'yung tokens ko, alangan maglakad ako pauwi! Ayaw akong papasukin sa KTV nang pangit na babaeng 'yon, nakakairita ang pangit nang ugali! Alangan dito ako kumanta ang ingay ingay kaya! " aniya na parang bata kaya nangiti ako.

" Tokens?" Alok ko sa kanya may twenty pieces pa kasi ako.

" Binibigyan mo 'ko?" aniya na nanlaki ang mata sabay ngiti nang matamis. She's really cute. Hinawakan niya 'ko sa braso at dinala doon sa babaeng naka-color violet.

"Miss, heto na 'yung boyfriend ko. Marami kaming tokens, papasukin mo na kami," binalingan niya 'ko. " Baby, ipakita mo nga sa kanya ang tokens natin," aniya in a sweet tone. Ipinakita ko naman ang tokens ko doon sa babaeng kanina pa 'ko nginingitian, mukha naman palang mabait.

"Okay, pasok na kayo," anito.

"Let's go baby, kakanta pa 'ko ng mga songs natin," wika pa nang babaeng nakahawak sa 'kin. Amoy strawberry siya, maybe the cologne.

" Mukha naman mag-isa ka rin, kaya dito na lang tayo. Kumanta na lang tayo, " aniya nang makapasok kami sa maliit na room na may mga malalambot na upuan. Hinulog muna niya' yung 4 pieces na tokens na hawak niya bago tumabi sa 'kin.

"" I'm sorry! Nakakairita kasi 'yung babae. Kanina ko pa gustong kumanta, kaunting time lang please? Itotodo ko lang talaga 'yung hinakakit ng puso ko! By the way, I'm Yuki ... Yuki Sa-wa-kiri, from Claremont University! Thirty six, twenty four, thirty! " aniya na ngiting-ngiti ang daldal naman niya. Hindi kasi ako madaldal kapag una ko pa lang nakikilala.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now