STILL 9: Finally

2.2K 134 52
                                    



STILL 9:

FINALLY 


" Are you okay?" nag-aalalang tanong ng mama niya. Nanatili lang na nakaupo si Blue sa hospital bed at nakabaling sa kabilang direksiyon. Ngayon nadarama na niya ang karamdaman niya ng husto. Nanghihina ang mga katawan niya isama pa ang panghihina niya dulot ng mga ikinasasama ng loob niya.

Mag iisang linggo na siya doon pero hanggang ngayon walang anino man lang ni Adam na dumadalaw sa kanya. Wala na siguro 'tong pakialam sa kanya dahil palagi na lamang itong napagsasabihan ng kung ano. Masakit isipin na 'yung taong minamahal mo sinusukuan ka na. Isa 'yon sa nagpapasakit ng damdamin niya at isa na rin sa dahilan ng panghihina niya.

Hindi na niya ipipilit ang relasyon nila ni Adam. Dahil sa kanya nasasaktan lang 'to siguro nga sa pagkakataon na 'yon kailangan niya na 'tong palayain. Hindi na rin naman siya magtatagal, mabuti pang habang may oras pa siya ibigay na niya dito ang kalayaan. Ilang araw pa ang lumipas, ganoon pa rin, walang Adam na nagpakita sa kanya. Hindi siya tumutol ng sabihin na pagkatapos ng tatlong araw pa babalik na sila ng Japan.

Hindi na gumanda ang pakiramdam niya at mas lalo lang lumalala sa paglipas ng mga araw. He badly needs a heart transplant –pero hindi naman dahil may donor ka na, ayos na lahat. Dahil kung tutuusin, ilang beses na hindi nag match sa kanya ang donor niya.

"Lumaban ka ha?" panay ang pagluha ng mama niya sa kanya ng hawakan nito ang palad niya.

Ngumiti lang siya nang tipid at tumango pero bumagsak rin ang mga luha niya dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Hindi naman niya magawang sumama ang loob dito ng matagal, ito pa rin ang mama niya –mahal niya ang mga magulang niya sadya lang na hindi niya matanggap na hindi mapagbigyan ang relasyon nila ni Adam. Kahit sana sa mga huling sandali niya mapagbigyan siya.

Hindi niya batid na naroon si Adam sa kanya palagi. Hindi man niya nakikita pero naroon lang ito sa paligid niya. Sa labas ng pintuan ng kuwarto niya sa hospital at alalang-alala 'to na hindi pa rin siya pinauuwi, ibig sabihin lang na seryoso ang lagay niya ngayon. Hindi pa malalaman ni Adam na nasa hospital 'to kung 'di niya 'to pinuntahan at sabihin ng tita nito na wala na roon, samantalang nandoon pa ang mama ni Blue kaya sinundan niya 'to hanggang makumpirma niya na nasa hospital 'to. Ganoon pa rin, hindi siya pinapapasok miski ang kitain ito hindi pinapapayagan. Nagkasya na lang siya sa pagbabantay sa labas ng pintuan nito. Hindi niya maipilit na pasukin ito dahil baka sumama na naman ang loob nito sakaling mapagsabihan na naman ito ng pamilya nito tungkol sa relasyon nila. Para lang siyang hangin na hindi nakikita roon.

Hindi niya magawang kumain ng maayos kapag naaalala niya 'tong nakahiga lang sa kama nito. Hindi nito nakakain ang mga gusto nito at lalo na nawala na ang sigla at kadaldalan nito.

" Ma, I'm dying," ani Blue sa mama niya na nagbabantay sa kanya. Halata na nabigla 'to sa biglaang pagsasalita niya sa pag-aakala nitong natutulog na siya. Namumutla na rin siya,biglaan ang paglala ng karamdaman niya kaya hindi sila makabiyahe pabalik ng Japan.

"No, you're not, God knows how much we need you as our angel here, still fight for us Blue," hinaplos nito ang mukha niya at hinalikan siya sa noo. Hindi na 'to natigil kaiiyak sa araw-araw. Mamaya lang gabi darating na ang papa niya.

"Nararamdaman ko na,"mapait siyang ngumiti. "Tanggapin mo na lang kapag nangyari 'yon ha? mama," ani Blue.

Ilang beses umiling ang mama niya. Hindi nito matatanggap ang bagay na 'yon, hindi niya gugustuhing mawalan ng anak.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon