OFFICIALLY 10: END?

2.5K 167 37
                                    


Dedicated to my favorite author! :) Maraming-maraming salamat sa inspiration, kaya sumubok ako sa BxB  kahit na alam ko na parang magsisimula ako uli, dahil hindi naman into this ang mga readers ko. Thank you so much! Hihi, nakakahiya man pero idinedicate kita kasi naman sobrang inspiration ang ibinigay mo sa 'kin. Godbless and always be happy! :) 


OFFICIALLY 10

END?




ADAM

It's been a week since I act like this. Hindi ko alam kung bakit naasar ako, inaasahan ko naman na nasa ranking siya tapos iipitin lang siya ng gano'n? Just for my sake, isasakripisyo niya 'yon?! Pinaghirapan niya 'yon, and I'm not even worthy to have a chance lalo na sa subject na 'yon, hindi ko pinapasukan 'yon at hinamon ko pa nang away 'yung prof. Na 'yon. Not worthy para ipagpalit niya ang sarili niyang grade for me. Kung hindi lang kakilala ni dad si Mr. Constantino sasapakin ko talaga 'yon, at buwisit na buwisit ako kapag sinasabi niyang may relasyon kami ni Blue parang sinasabi niya na sasabihin niya kay dad, kaunti na lang magmumumog na nang dugo 'yon.

Pero lahat nang kagaguhan ko pinagsisihan ko rin nang gabing pinuntahan niya 'ko sa bar. I've seen hurt in his eyes –masyadong tapat ang mga mata niya at tumagos 'yon sa kaluluwa ko.Ano ba 'yung ginawa ko? Because of this stupid pride na siya 'yung gumagawa ng way para sa 'kin na ako dapat lahat ang gumagawa nagalit ako? Nainis ako sa taong minamahal ko? Because of my immaturity he's gone.

That night, parang sinasakal na 'yung pakiramdam ko nang hindi siya kumibo pagkababa namin nang sasakyan. He did'nt slap me or nag me about what I've done –pumasok lang siya sa kuwarto namin at nang papasukin ko na siya after an hour of cursing myself –locked ang pintuan. Hinayaan ko muna siya bukas na lang –ptanginang bukas 'yan hindi ko na siya inabutan!

Ang inabutan ko na lang 'yung table sa kitchen na naroon lahat nang ginawa niya sa 'kin. Cupcakes with " Sorry, I love you " one per letter and his monthsary message. Pati 'yung date nakalimutan ko dahil sa pagiging gag* ko.

Pagpasok ko sa kuwarto hindi na nakalocked akala ko pumasok lang siya nang maaga until I've seen his note at that time parang binaril 'yung pakiramdam ko. He's gone –umalis siya at sa letter na 'yon nadurog ang damdamin ko. I made him feel worthless.

Sorry, sorry kung hindi ko kayang ibigay sa 'yo ang kayang ibigay ng isang babae. Sorry kung masyado akong nakikiaalam sa buhay mo, ang selfish ko pa dahil ginagawa ko 'yon para sa ikasasaya ko. Sorry kung hindi ko kayang gampanan 'yung parte ko bilang karelasyon mo. Sorry, nasayang ang oras mo sa 'kin, sorry kung hindi ako naging sapat.

Pakiramdam ko kinuyumos ang puso ko at pinipira-piraso. Naririnig ko ang boses niya na puno nang hinanakit at sakit habang sinasabi ang mga salitang 'to. At dahil medyo kumalat ang ibang tinta alam ko na nabasa 'yon –pinaiyak ko siya at hindi 'yon maganda sa pakiramdam ko. I promised not to make him cry but I did. I love him, he's my life.

Ikaw 'yung pinakamamahal ko. Ikaw 'yung nagpapasaya sa 'kin, ikaw lang naman 'yung kayang pasayahin ako basta kalapit lang kita at kahit pa simangot ka, ayos lang.

Siya rin naman 'yung mahal ko at higit sa lahat siya ang pinakamamahal ko higit sa pamilya ko, sa magulang ko o kahit sa sarili ko. Pero anong ginawa ko? Ptangina, ikamamatay ko kapag hindi ko siya nakita.

''Di ba sabi mo mahal mo 'ko? Pero bakit mo 'ko ginaganito? Alam ko naman na pwedeng masaktan kapag nagmamahal, hindi mo naman sinabi na ganito pala kasakit parang hindi na 'ko bubuhayin nang sakit.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें