SM 9: PILLOW

2.2K 111 20
                                    

Thank you for voting and commenting! Ang saya-saya talaga na 50+ votes ang narereceived nito. Noon 40+ ibig sabihin may mga readers ng nag vote! Lalo na sa mga nagco-comment sobrang nakakatuwa kasi nalalaman ko opinion n'yo. :)

#MisaCrayola


SM 9: PILLOW

Nami-miss ko na si Angel( anak ni Yuki ). Hanggang larawan na lang niya 'ko dahil pati facebook ko talagang lantad kay Adam. Inilalantad ko na talaga sa kanya dahil paranoid siya –as usual mukha ako laging nanakawin ng iba.

Nang mag post ako, high ata ako no'n! Naisip ko later on, at nahihiya ako sa caption, pinanindigan ko na lang. Dahil sa post na 'yon para ng pusa si Adam na naglalambing! Akala mo naman pagbibigyan ko siyang saktan na naman niya 'ko pag ganitong pakiramdam ko may mga babae siya. Noong huli may nababalita tungkol sa kanya na modelo pero siyempre ang alam ng iba single siya at hindi naman siya sumasagot sa mga issue dahil hindi nga siya tumatanggap sa interview kaya parang pag-amin na 'yon na may relasyon sila. Tss.

" Blue, babe –" si Adam 'yon. Hmp! Nakakasanayan ko na 'yang Blue Babe na 'yan sa araw araw na tinatawag niya sa 'kin. 'Di ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paggagawa ng sandwich. Natutuwa ako pag nakikita ko si Red na may bag at naka-uniform ang cute cute niya at ang liit. Sana 'di siya maging kasing tigas ng pagmumukha ng ama niya.

" I'm goin' to Greece, " niyakap niya 'ko sa likuran at ipinatong ang baba niya sa kanang balikat ko.

"Kasama babae mo?" pinilit ko naman 'di magboses naghihinala sa kanya.

" Kasama 'yung mahal ko," aniya kaya siniko ko siya bago ko nilingon. Pero mabilis pa sa alas-kuwatro na ninakawan niya 'ko ng halik!

" Pangalawang linggo na, hindi ka ba naaawa sa 'kin?" pinalambing pa niya ang malandi niyang boses.

"Mukha mo, umalis ka na nga! Naiinis na naman ako sa pagmumukha mo," inis na binalik ko ang atensyon ko sa pagla-lock ng Tupperware na kinalalagyan ng sandwich ni Red.

" Saglit lang, " hinahaplos-haplos niya na naman 'yung balakang ko. Napakahalay talaga nitong si Adam!

"Tigilan mo nga 'ko, napakahalay mo!" tinanggal ko ang kamay niya at narinig ko pa siyang tumawa-tawa. 'Di ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Inilagay ko na sa lunchox ni Red ang lahat ng baon niya kasama ang Choc-O na favourite ko na dapat favourite niya rin, ipinipilit ko talaga! Kailangan mga gusto ko kinakain niya at hindi mga gusto ng ama niya para lumaki siyang inosente tulad ko at 'di mahalay gaya ni Adam.

" I love you," niyakap na naman niya 'ko. Hmp! Akala niya madadala niya 'ko sa mga ganyan niya. " Sama ka na sa 'kin sa Greece, ayaw mo ba 'kong bantayan?" tanong niya.

"Mukha mo, wala akong pakialam kung mambabae ka do'n. Ayoko rin kasama ka, mahalay ka. Bumalik ka agad! " sagot ko sa kanya. Nang humarap ako niyakap niya 'ko ng mas mahigpit. Tss!

About sa pinost ko, maraming nagsasabi na iyon ang bihirang bagay kay Adam y'yung ngumiti sa larawan. Totoo naman 'yon, kahit naman noon mahirap siyang pangitiin. Marami na ring komento tungkol sa relasyon ko sa kanya na 'di rin pinaniniwalaan ng iba. Lahat naman may puna. Hindi ko man masabi kila mama't papa, gusto ko na makarating sa kanila na magkasama kami ni Adam. Nahihirapan akong aminin sa kanila mismo na pinasok ko na naman ang relasyon na ipinangako ko ng kakalimutan. Ano bang magagawa ko? Nagtagpo pa rin kami at ginusto ko na naman siya. Narito pa rin 'yung guilt dahil kay Jae –pero kapag nakikita ko si Red pakiramdam ko ayoko na silang iwanan. Even Adam, he needs me. If we really meant to be together, gusto ko sana na bago ko aminin sa kanya 'yung nararamdaman ko, wala na 'yung guilt ko at sleepless night 'pag talaga naaalala ko si Jae. I really wanted to give Adam a chance –chance para sa 'ming dalawa.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now