SM 4: HoneyMoon?

2.5K 133 60
                                    

SM 4: HoneyMoon?

**

" Daddy! Papa is here na!" nagmamadali pang tumakbo sa 'kin si Red ako naman pagkarinig ko pa lang ng "Papa is here na!" parang binabarena na 'yung isipan ko. Bakit hindi? After nang wedding, nagkaroon siya ng isang urgent meeting sa kung sino man. Sabi niya maghintay kami rito ni Red and p'wede naman akong kumain ng kahit ano dahil nga marami naman siyang pinadala sa mga Johnny Bravos niya.

Nasa kitchen ako para kumain dahil nagutom na rin ako kakaisip sa kung ano ang magiging buhay ko ngayon kasama siya. Ilang beses ko ngang tinignan 'yung singsing namin na hindi ko na gustong alamin ang presyo dahil baka ika-putol lang 'to ng daliri ko.

" Sabihin mo mag rest na siya, pagod siya," sabi ko kay Red nang tunguhin ko siya. Parang nagtaka pa siya at ang guwapo niyang bata. Mahahaba at makakapal ang pilik mata niya. Sino kaya ang mommy niya? Kamukhang-kamukha niya si Adam, maliban sa kutis dahil kakulay ko siya.

"Sabi niya mag shower ka na daw daddy, at sabay kayong magpapahinga at this day hindi ako p'wedeng lumapit sa inyo." Ngiti niya sa 'kin. Ako naman tila kinilabutan sa sinabi niya. Anong mag shower! Mukha niya!

"Ha? Kalapit ka namin, siyempre dapat happy family tayo, ha-ha-ha" pati ako naiinis sa pagtawa ko na parang robotic na ewan.

Umiling siya. Ano ba naman 'tong batang 'to 'di ko magawang kakampi!

"Papa will be mad, kapag sinabi niya 'yun na 'yon. Don't worry daddy, magtatabi din tayo ha?" aniya na inosenteng-inosente. Ganitong-ganito talaga ko noong mga panahon bago dumating si Adam!

" Red, I told you to sleep at eight, " si Adam na akala mo military kaya agad nataranta si Red at tinignan ako. It's already 8:30pm na.

"Daddy," pabulong niyang tawag sa 'kin habang hinihila niya anglaylayan ng shirt ko.

"Hindi ka kakainin niyan, " natatawang bulong ko lang sa kanya kaya nangiti siya at pumunta sa likuran ko. Hinawakan niya ang laylayan ng shirt ko sa likuran at alam ko ang gusto niya, ipagtanggol ko siya sa ama niyang kung ako rin naman ang anak ay matatakot. Ewan ko ba bakit ang sama ng mukha ni Adam. Parang pinaglihi sa ampalaya, apdo, oregano at anu-ano pang mapait!

" Patutulugin ko lang siya, gusto ko siyang patulugin tapos," sabi ko sa kanya nang makita ko siya sa sofa at akala mo pornstar na nakabukas ang tatlong butones ng polo niya. Tinaasan ako ng kilay na parang 'di kumbinsido. Pero hinawakan ko na si Red at siyempre mag e-escalator kami sa bahay namin na mukhang mall.

"Good night papa," ani Red. Hindi siya kumiss? Parang nagsisiniksik nga lang siya sa 'kin.

"Good night," parang wala lang na sagot ni Adam kaya 'yung takot ko sa honeymoon napalitan nang inis. Wala talagang asukal kahit patak ang dugo nitong Adam na 'to.

Ang bilis lang nawala nang inis ko nang makita ko ang kuwarto ni Red matapos namin sumakay ng escalator. Tamad si Adam, kaya may escalator, elevator siya sa mansion na ang laki-laki hindi naman marami ang laman. Maganda kaya 'yung di naman kalakihan pero masayang tignan dahil mabilis kayo magkakakitaan. Iniisip ko na lang na isa na rin 'to sa paraan ko para kahit paano para matanggap ko ang kinahantungan namin ni Yuki.

Still, I can't stop my self from thinking abouth her. What does her son/daughter look like. Madali naman sa 'kin tanggapin ang anak niya. Mahal ko siya --mahal na mahal. Isipin ko pa lang na magkakabalikan sila ni Claude parang kinukurot ang puso ko. But still, I'm smiling as if wala akong masakitna dinadala.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now