SM 6: ALpha Band

2.2K 98 34
                                    

Kung nais n'yong makilala ang buong miyembro ng Alpha Band. Basahin ang THE PLAYGIRL'S PLAYBOY na side story ni XANDER HARTWELL. On going na siya! :)

Also, para mas makilala natin ang mga karakter iadd n'yo ang group sa facebook na "THE ALPHA DEUS ( WEREWOLVES BAND) " sa group. Kung di n'yo makita add n'yo na lang ako sa Jovielyn Rivera ( MisaCrayola) at hingin n'yo sa 'kin ang link. :)

SHOTGUN MARRIAGE 

CHAPTER 6 

Mabilis ang paglipas ng mga araw maging ang concert ng pagpapakilala ng Werewolves Band ay kinasabikan ko. Pero kahit pa kilalang-kilala ko ang boses niya, hindi ko pa rin mapaniwalaan na isa si Adam sa grupong 'yon.

Adam is the owner of GIANTS company. Kung gaano kabilis ang paglaki ng pagkilala at kabilaang balita sa bagong istasyon ay siya ring bilis ng pagkilala sa mga ito. Mag-isa lang akong nanood ng concert niya at hindi ko alam kung bakit napakatagal na niya 'kong 'di pinapansin. Grabe naman siyang magalit!

Naalala ko ang GZ habang nagsisigawan ang mga tao. Hindi rin naman ako mapapansin dahil nasa unahan na unahan ako. Malakas ang tilian at sigawan at kahit ayoko siyang titigan 'di ko mapigil huminto ang paningin ko sa kanya. Palagi ko na lang itinatanong sa sarili ko kung bakit ang tulad niya ay mas pipiliin makisama sa kapwa niya lalaki kung kaya naman niyang humanap ng kabilaang kababaihan? We're married, pero 'di pa talaga 'ko handang pagtiwalaan siya. Isa pa, ayoko na rin na manatili sa ganitong relasyon.

Nang marinig ko ang boses niya mas lalong 'di ko nahiwalayan ang pagtitig sa kanya. Lahat sila bokalista ng banda nila dahil may mga kanta na iba-iba ang lead vocalist. Alam niyang gamitin lahat ng instrumento at kahit sinong makaririnig walang makapagsasabi na 'di maganda ang boses niya. Isa sa mga minahal ko sa kanya noon ang paraan ng pagkanta niya. Isa sa mga 'di nagpatulog noon sa 'kin ang isipin na yon. Bakit ko ba iniisip 'yon ngayon?

Naririnig ko kabilaan ang sigawan at tila ba masyadong sensitibo ang pandinig ko at tila sa tenga ko halos nagsisigawan ang "ADAM" ipagduldulan sa 'kin? Hindi ko alam na sa pagkawala namin sunod-sunod rin ang paglalabasan ng iba't ibang banda. Matagal na ang WEREWOLVES iyon lamang ngayon lamang sila nagpakita sa camera. Hindi na nga 'ko nagtaka na napakaraming nanood sa iba't ibang bansa. Ito ang kauna-unahang beses at maraming gustong makasaksi niyon.

Maging dito sa concert nila 'di niya ibinabaling ang tingin sa 'kin! Doon s'ya nakatingin sa kumpulan ng mga babaeng kulang na lang dambahin siy at pagpira-pirasuhin para pag partehan. Kung 'di naman pala niya 'ko papansinin bakit pa 'ko pinanood dito? Sana pinanood ko na lang matulog ang anak namin kesa ganito. Anak namin talaga? Nakakainis na isa sa 'di ko kayang iwanan si Red –mahiwalay nga lang sa paningin ko siya namimiss ko na siya.

"ADAAAAAAAAAAAAAAAAAAAM! One night stand!" sigaw ng babae kaya halos magdikit ang kilay ko. Ipagsigawan ba 'yon? Tss.

Tumataas naman ang kilay ko nang makita ko siyang nangiti. Narinig ba niya 'yon? Wow ha! 'Edi mag one night stand sila buhusan ko pa sila ng ice bucket at ihahampas ko sa pagmumukha ni Adam 'yung bucket. As if nagseselos ako, naaasar lang ako sa pagmumukha niya.

Nang mapatitig siya sa 'kin 'di ko siya nginitian. Iniba ko ang puwesto ng tingin ko hanggang kay Mitch na nasa gilid at hawak ang electric guitar na siya mismo ang nagdisenyo. Lahat ata ng talento meron siya. Micheal –minsan hindi niya 'ko nginingitian at madalas naman na kapag magkakasama sila noon siya lang rin ang nakakausap ko. Alam ko na 'di rin naman nila 'ko gusto para kay Adam. Ipinaglalaban lang talaga 'ko ni Adam –wow, Ipinaglalaban talaga term ko?

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now