OFFICIALLY 5: Adam's secret! *u*

3.2K 168 49
                                    




OFFICIALLY 5: Adam's secret! *u*


" Bakit sobra ka namang mainis? Pansinin mo na 'ko, ano bang gusto mong gawin ko? Sabihin mo na, hindi ko naman talaga siya ngitian. Ahm, natawa ako kaya 'ko napatingin do'n wala naman talagang iba!" Sabi ni Adam na talagang ikinaiirita ko. Kitang-kita ko naman talaga siya sa panty siya nakatingin!Bakit naman nakikita na 'yung panty no'ng babae! Napakababaero, nakakagigil talaga.


" Ewan sa 'yo. Magsama kayo ng pink panty girl na 'yon! Mahilig ka do'n 'di ba? Saksak mo sa baga mo. Umalis ka nga sa tabi 'ko, nabubuwisit talaga ko sa 'yo! Isa pa lalayasan na kita! " Galit na wika ko sa kanya abay bunggo sa balikat niya. Nakakapikon talaga! Kababago lang namin nagpapakita na agad siya ng infidelity!

" Honey sorry, " tinabihan niya 'ko sa sofa. " I love you, trust me," kinuha niya 'yung kamay ko tapos hahalik-halik siya. Akala niya ba madadala niya ko sa ganyan niya?! " Anything, tell me, I'll do everything to do it for you, " sabi niya. Hmp! Hmp!

" Tatawa na 'yan, " sabi niya kaya pinagdikit ko 'yung kilay ko. Kaso mukha siyang asong nakangiti at ewan nakakabuwisit nangiti naman ako sa itsura niya!

" Ngumiti na siya, " sabi niya kaya nawala agad 'yung ngiti ko.

"Siguro ganyan ka sa mga babae mo no? Ginagamitan mo 'ko ng same trick!" inis na naman ako. Tss

"Galit na naman, sobra ka pala magselos, " nakatawa pa siya, tss! Nang-iinis ba talaga siya?!

" Anything na i-request ko papayag ka?" tanong ko sabay ngiti at yakap sa kanya.

"Ano nangyari sa 'yo? " Biglang tanong niya. Siya aso, ako pusa na kumikiskis sa T'shirt niya. Mukhang may chance na mapapayag ko siyang sumama sa Pilipinas!

" Ahm babe, " ngitinitian ko siya ng husto nang tumitig siya ng matiim sa 'kin.

"Ayusin mo, " babala niya. Tss! Nakakapawalang-gana maglambing!

"Babe.. " Ulit ko, baka bigla siyang magwala kaya nakayakap ako sa kanya. Defense position talaga 'to! "Ahm, pwede bang sumama tayo sa Pilipinas, sa kanila? This coming semestral break?" Ang lambing-lambing ko na, todo na 'yon.

"Ayoko.. " madiin niyang sabi.

Napasimangot na 'ko. Hindi ko na siya niyakap. Sayang ang effort kong maging malambing! " 'Di wag! " Galit na tumayo ako. Tss! Nakakainis na naman si Adam!

Hanggang sa dinner cooking ko hindi ko pinapansin 'yang si Panty Bird! Naramdaman ko na lang na niyakap niya 'ko sa likuran sabay patong ng baba niya sa balikat ko. Hinapit niya 'yung katawan ko sa kanya.

" You won, I love you. Sasama na tayo, "pagsuko niya. Bumuntong hininga pa siya at masyadong mainit na ang pakiramdam kaya tinanggal ko ang kamay niya. Namumula na naman ako! Napakaano ni Adam! ><

" Ba't ka namumula? " Natatawang tanong niya.

Ganyan ang daily routine namin ni Adam. Mag-away, mag-inisan, maglambingan at matulog nang maayos, matiwasay at mahimbing! Malapit na 'yung birthday ni Jae kaya sinabi ko kay Adam na magbe-bake ako ng cake. Nagalit siya pero siyempre wala naman siyang nagawa dahil siya naman ang nanakit kay Jae, isa pa, parang magkakagusto naman sa 'kin si Jae! Malayo nararating nang imahinasyon ni Adam! Kailangan niyang mag-sorry.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Kde žijí příběhy. Začni objevovat