Still 1: Angel with a shotgun!

2.6K 176 39
                                    

Still 1: Angel with a shotgun! 


Blue

After the examination. May party sa school ground, wala namang attire na napag-usapan. Mahirap ngumiti kahit hindi naman gusto ng isip at puso kong ngumiti. Nanonood lang ako ng mga performance, singing, dancing habang sila may sumayaw o kumanta nagwawala sila sa baba ng stage. Kasali sila Claude sa kakanta kaya wala rin akong kasama. Ilang beses may lumapit sa 'kin, babae – may lalaki, tss. Hindi na 'ko makikipagrelasyon sa lalaki, si Adam lang. Naalala ko 'yung babaeng kumompronta sa' kin kanina:

" Hey, may gusto ka ba talaga kay Jae?" kompronta sa 'kin ng isang babae. Nakita ko na yata siya minsan, hindi ko alam, si Adam lang naman nakikita ng mata ko. Biro lang.

"Ha?" narinig ko naman, baka mali lang. Ibinalik ko na ang mga libro sa locker. Inuuwi ko lang naman 'to kapag may kailangan akong i-review o gawin. Isinara ko munaang locker ko bago ko siya hinarap. Iba naman ang uniform niya.

" Hindi mo ba alam na M.U na kami?" mataray na tanong niya. Hindi ko alam, hindi ko nga siya kilala.

"Oo sabi nga niya," sagot ko. Alangan sabihin ko na hindi? Idineny? Wala naman sinasabi si Jae. Sumilay 'yung ngiti niya, para siyang batang-bata magsalita na pag nagkamali ka ng sasabihin mag ta-tantrums siya.

" Maaasahan ko ba na hindi ka makikipagrelasyon sa kanya?" Inilahad niya ang kamay niya sa 'kin.

" Wala akong balak makipagrelasyon pa sa isa pang lalaki," nginitian ko siya. Totoo naman, si Adam ang first and last.

" Usapang babae sa ---"

"Lalaki, " madiin kong wika. Baka magkamali pa siya nang sasabihin mag super saiyan 4 ako dito.

" Weh?" aniya, iniwan ko nga sarap batukan. Pero sinundan ako nang bulinggit na babaeng 'to. " Hindi mo ba itatanong ang pangalan ko?" tanong pa niya pero nagtuloy lang ako paglalakad.

"Anong pangalan mo?" pilit na tanong ko.

"Luciel, " sabi niya, familiar.

"Okay, hindi mo pa ba 'ko kilala?" lalapitan ba niya 'ko kung hindi.

"Pinsan ko si Adam, "sabi niya. Ano naman --- sino raw? Nilingon ko siya uli at huminto ako paglalakad. Nakangiti siya. " Buti talaga sinasaktan mo 'yon, ang sama kasi ng ugali no'n," aniya sabay ngiti at kaway sa 'kin. Tumakbo na siya patungo sa kabilang pasilyo. May track and field battle ba siya?

Hinihintay ko lang si Jae, in one hour tapos na ang flaring niya sa isang sikat na bar dito. Susunduin na niya 'ko, uuwi na kami at makakapagpahinga na 'ko. Nilalaro ko nga lang ang tinidor ko sa sliced cake ko. Ganito pala kapag broken hearted? Nakakawalang ganang kumain, gusto ko nga lang matulog nang matulog.

Hindi na nagpapakita si Adam sa 'kin. Iniiwasan niya 'ko. Pumapasok siya dahil nakita ko sa guard na may attendance siya. Nawawala ang ID niya, siguro nahulog sa bar, pinag- interesan ng mga babaeng kakapit-kapit sa kanya. Tss. Hindi ko hinanap ang pangalan niya sa nakalista sa guard, tinitignan ko lang kung nandoon na noong nakaraang araw 'yung bisita nang adviser namin na magtuturo sa 'min. Oo na, ako nang nakikipagtalo sa sarili ko!

Tumingin na lang ako sa stage. Nasa madilim na part ako na sinadya ko para hindi na 'ko nilalapitan. Oo na, ako ng lonely. Ayoko talaga nang kausap dahil gusto kong mag moment kasama ang sarili ko. Muli kong tinignan ang minassacre kong sliced cake, tss kahit ang ingay gustong bumagsak ng mga luha ko. Kasalanan 'to ni Adam!

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now