OFFICIALLY 4: Honey and Babe!

3.2K 165 40
                                    


OFFICIALLY 4: Honey and Babe!

ADAM

What he just said? He loves me too? Fck. I've got tongue tied! Nakatitig lang ako sa kanya. Totoo ba siya? Hindi naman ako nagdroga, nababaliw lang kaya ako? Halusinasyon ko lang ba siya?

"Mahal kita, Adam ano ilang ulit pa?! Hindi ka dapat magselos sa kanila. Kasi iba ka, iba 'yung nararamdaman ko sa 'yo sa nararamdaman ko sa kanila. Sa 'kin ka na ha?" Mula sa pagkakatungo nag-angat siya ng tingin sa 'kin, ako naman shock.

" Totoo ba 'yung narinig ko?" Hinawakan ko siya ng marahan sa magkabilang balikat.

"Bakit mas gusto mo ba na joke lang? " Tanong niya na nakasimangot na. Mabilis ko siyang niyakap. Sht, hindi ko alam bakit wala akong masabi. Iba 'yung sipa ng saya sa 'kin, ibang-iba parang nakakalutang ng pakiramdam. Mas matindi pa pala sa droga ang tama ko sa kanya!

" I love you ... I love you so much... Mahal na mahal talaga kita," sabi ko sa kanya . Naramdaman ko na niyakap niya rin ako.

" 'Wag mo 'ko paulit-ulitin, nahihiya ako. Basta damahin mo na lang ha? I love you .... Ready na 'ko harapin lahat ng consequences ng relationship natin, Adam" sabi niya. So kami na? As in? Official?

"Happy Infinity day Adam! 8 ngayon, so eight tayo?" Natatawang inilayo niya 'ko sa kanya kasunod ng paghalik niya sa pisngi ko sabay talikod.

"Mag-aayos na ulit ako ng gamit ko, " aniya na tinignan ulit ako sabay ngiti. Yes! Fck, para namang wala akong lakas sumigaw. Nakakalutang talaga ng pakiramdam. Sht.

Niyakap ko siya mula sa likuran ipinatong ko 'yung baba ko sa balikat niya. " I love you, thank you for making me feel this kind of happiness. Hindi kita sasaktan," sabi ko.

"Hmmm. Part yung masaktan 'di ba? Ang dapat mong sabihin, mas magtitiwala ka na sa 'kin at magiging matatag ka para sa 'kin," sabi niya kaya nangiti ako. Mababawasan ko kaya pagiging seloso ko? -_- Hirap no'n.

**

" Sabihin mo kung anong gusto mo, lahat ibibigay ko sa 'yo," gahibla lang ang pagitan ng mga mukha namin. Nakahiga na kami at magkaharap. Hawak ko ang kamay niya na paminsang hinahalikan. Is it real? Tangna magbibigti ako pag panaginip 'to!

" Gusto ko ng buwan at bituin," sagot niya kaya napamaang ako. Mahirap 'yun! " Pero sige na nga, p'wede ka na rin," aniya sabay yakap sa 'kin. Sht, napakalambing niya! Para siyang tuta!
" Alam ko na hindi tayo magkaka-baby. Pero promise me, magkakaroon ka ng sarili mong anak ha? I wanna see your little cute baby Adam, " aniya. Anong ibig sabihin no'n?

"What do you mean?" Tanong ko. Wala 'di ko makita mukha niya kasi inuubos niya 'yung amoy ko!

"Basta!Matulog na tayo, " aniya na lalong sumiksik sa 'kin. As if naman na pakakawalan ko pa siya? NO. He's mine.

"Bawal ka ng umalis na hindi ako kasama. Bawat ka ng manigarilyo ng higit sa tatlo. Bukas na 'yung iba, ililista ko," natatawang sabi niya kaya nangiti naman ako. Kaso 'yung lagi siyang isasama? Baka kasi makasapak lang ako pag may tumingin sa 'yo.

**

PAGGISING ko namulatan ko siya na nakaupo at nilalaro ang pilik mata ko ng thumb at index. " Good morning, " para siyang anghel. Bakit ang sweet niya? " Akala ko nanaginip lang ako. Pero katabi nga kita," sabi niya sabay halik sa noo ko. Sht. Bakit gano'n? Kinikilig na 'ko, ganito ba kinikilig parang tanga ng ngiting-ngiti.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now