Officially 3: Confession day!

2.8K 178 46
                                    


40 up next chapter! Maraming salamat sa pagbibigay sa 'kin ng 40 votes para dito hihi sana dumami pa kayo! Comment for more inspiration. <3 


May reader ba 'ko dito na bago? 'Yung as in hindi naman binasa ang MDC at YSAL Pero binabasa 'to? :D thank you pala!



        OFFICIALLY 3

" CONFESSION DAY"


 " Kaya mo 'yan, " ngiting-ngiting sabi ni Jae kay Blue na lumabi lang. How does Blue managed to be so cute in every reaction he has?

" Siguro nandiyan si Adam no?" – Jae

" Wala. Hindi 'yun pupunta, hindi naman ako kasali sa play alam niya. Tamad kaya 'yon, buti nga, baka mamatay ako sa kahihiyan pag nakita niya 'ko nakaganito," ani Blue sabay piece sign at pa-cute kaya natawa si Jae.

" Hayaan mo, makakalaya ka rin sa kanya, "

"Ha?" natawa si Blue dahil hindi na naman niya agad magets kaya natawa rin si Jae. Nagsimula ang play nila, at totoong kinakabahan si Blue pero kailangan nila 'yon. Isa pa si Jae naman 'yon, hindi naiiba, iba rin naman ang kuwento. Sadya lang Snow White ang title.

Kasalanan ng hindi niya pagkakaroon ng adams apple pa kaya hindi nahahalatang lalaki siya. Nanginginig na siya habang nagdedeliver ng mga lines, pero si Jae naman kasi makatitig parang sayang-sayang tignan siya.

Napakaraming nanonood kaya halos gusto niyang tumakbo paloob. Mabuti nga at may flat siyang nasuot. Paano naman matangkad na naman siya. Ayos naman, hindi naman siya mabi-big issue siguro, malaki ang university nila at hindi naman talaga lahat magkakakilala.

Habang kabang-kaba siya aliw na aliw naman ang mga manonood sa kanya. Akala ng mga ito parte ng script ang ibang sinasabi niya sa pagkabigla dahil may sinasabi rin si Jae na wala sa linya at nagtitilian 'yung mga tao.

" I love you, I'm gonna save you from that Beast," ani Jae na ang tinutukoy ay si Adam.

"Ha? Who? " Natatawang tanong niya rin kaya lalo siyang namula. May ganoon ba kasi? Paano niya sasagutin 'yon! Nagiging comedy na tuloy sila kasi pinagtatawanan na sila ng tao. Sa tuwing hahawakan kasi siya nito lumalayo siya, para kasing kahit wala si Adam natatakot siya dito.

Papalapit ito sa kanya siya naman humahakbang palayo.

" I love you, since the first day I saw you. You captured my heart, I wanna be close to you, to be your man, I will never leave you just say you'll love me too," ani Jae na nakalapit na ng husto kay Blue. Binalewala niya ang ingay ng tao dahil sa kilig na namamayani.

Samantalang si Blue hindi niya alam kung doon na ba niya ide-deliver yung linya para sa finale. Huminga siya ng malalim. Nanlalamig ang kamay niya nang hawakan siya nito sa mga kamay. Naisip niya na si Adam ang nasa harapan niya kaya lalo siyang namula.

" I .. " Nakagat niya ang ibabang labi. " I .... love you too " aniya kasunod ng maingay na hiyawan pero tila huminto ang oras ng bigla nitong ilapat ang labi sa labi niya. Itutulak niya 'to pero hawak nito ang mga kamay niya. Salamat sa pagbaba ng kurtina at nagawa niyang itulak 'to.

" Mag-aayos na 'ko," aniya na tinalikuran na 'to. Napakabilis ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya kinakabahan siya, natatakot siya. What if malaman ni Adam?

"Nakita ko si Adam, naghihintay siya sa exit, " ani Beatriz kaya sa tingin niya iyon angahilan ng pagkatakot niya. Nakita kaya nito? Mabilis siyang nagtungo sa exit ng hindi nagpapalit. Kailangan niyang magpaliwanag. Nasa script 'yon, play 'yon walang ibang dahilan!

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now