SM 18: Kiss

1.5K 98 20
                                    


Dahil gusto ko ng pagbati haha, early update! MERRY CHRISTMAS! Last Seven ( 7 ) Chapters na lang. Sana suportahan n'yo siya hanggang sa huli. <3

50 votes next

#MisaCrayola


SHOTGUN MARRIAGE 18

  "KISS "


I don't care about Christmas – before. And loved it again when we became family. Maybe because I used to be with him during Christmas and New year, hanggang magdesisyon akong iwanan siya dahil sa nangyari kay Jae. Kasalanan ko pa rin ang nangyari, dahil sa pagiging konektado ko sa iba't ibang uri ng pagpapayaman, maraming nakatunog at maraming balak akong patayin.

Umalis ako dahil alam ko na 'di ko pa kakayanin kung kasama ko si Blue sa malayo. Hindi pa sapat ang mayroon ako para siguraduhin ang kaligtasan niya. Naging doktor ako kahit tamad na tamad ako noong mag-aral, inilalagay ko lang sa isipan ko na gusto niyang maging doktor ako at kailangan kong matapos 'yon. Pero hindi ako tumigil sa pagpapayaman, I don't need my bloodline just to reach what I have now.

Binalikan ko siya dahil kailangan ko na siya. I felt the devil is trying to corrupt my wholeness. And I really need my angel to balance me. Naiiba ako kapag kasama ko siya, the way he looked at me it makes me complete.

Araw-araw na yata 'kong nag-iinom. Nang sabihin ko sa kanya na bubuuin ko ang pamilya ko, parang ang totoo no'n sisirain ko ang pamilya ko. I vowed to love him for a lifetime, at sa bawat araw na wala siya parang masisira na ang ulo ko. Pero hindi ko 'yon ipinakita, naiisip ko rin si Red he never talked to me. At hindi ko alam kung paano ko ba siya dapat kausapin, that's why I hired two maids for him.

About Ana? I don't love her, she's just some kind of ordinary girl I dated and ended up in bed. Hindi ko siya gusto, b'wisit na b'wisit lang ako sa kanya sa ginawa niya kay Jude. Hindi ko lang inaasahan na mabubuntis ko siya, knowing that she's pregnant makes me happy. Dahil magkakaroon kami ng anak ni Blue. Binayaran ko siya, blangko ang tseke na ibinigay ko sa kanya 'wag lang siyang magpakita sa 'kin.

Nasaktan ko si Blue ng pisikal kaya nagdesisyon akong paalisin siya. Tangina, pinirmahan niya talaga 'yung divorce namin at iniwan ako. Sinira ko rin agad at nagpakalulong ako sa alak, trabaho. Nasaktan ako sa ginawa niya, akala ko maayos na kami. Bakit may Lyndon pa? Bakit may ganoong eksena? Sht. Hindi ko maatim isipin na may nangyari sa kanila. Sa 'kin lang siya, kakapasok no'n sa isipan ko gusto ko ng patayin si Lyndon –if it's not for Jae. Kung 'di dahil sa puso niya wala na si Blue kaya tiniis kong murahin na lang siya sa isipan ko.

Nang tawagan niya 'ko, gusto ko nang bumigay pero alam ko na paulit-ulit ko lang isusumbat sa kanya ang nangyari. Hangga't maaari ayoko na siyang saktan lalo sa pisikal. Kapag naalala ko kung paano ko siya tinuring sa halos isang buwan, gusto kong barilin ang sarili ko sa ulo mismo. Tangina, mahal na mahal ko 'yon pero pinapabayaan ko dahil sa b'wisit na selos na 'to. Pati anak ko hindi ko alam kung anong mangyayari, totoo, tama sila –kagaya ni Red ganito kagulong pamilya ang mayroon ako kaya nga wala akong amor sa kanila kahit pa may mamatay sa kanila. Si Grandpa lang ang dahilan bakit may koneksiyon pa 'ko sa pamilya na 'yon, siya ang nag-alaga sa 'kin.

Tinikis ko ang mga araw, baka kayanin ko. Buwan ang lumipas at hindi ko ipinakita na kailangan ko siya. Hindi ko rin hinayaan na maglabas masok si Ana sa buhay ko. Kahit na siguro ganoon si Ana, alam ko na mahal na mahal siya ni Jude. Bakit ganoon? Kaya niyang mahalin nang paulit-ulit si Ana kahit nagdaan na 'to sa iba't ibang lalaki? Wala ba siyang pride? Hindi ko ata gugustuhin 'yon na mangyari kay Blue. Tangina, kung p'wede lang mawala 'tong pride na 'to. Mahal nga ba niya 'ko?

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now