SM: Secret?

2K 95 11
                                    



SHOTGUN MARRIAGE

"SECRET"

"Adam, " hinarap ko siya nang makahiga na siya sa tabi ko. " Pumunta na tayo ng Greece, pagkatapos ng mga gagawin natin dito. " tinignan ko ang reaksyon niya at lumarawan doon ang pagtataka.

"Akala ko ayaw mo?" tanong niya na kinabig ako sa katawan palapit sa kanya. Naramdaman ko agad ang mainit niyang katawan.

" Umalis muna tayo, " sumiksik ako sa kanya. Kailangan kong maiwaksi sa isipan ko ang kamukha ni Jae, dahil kung hindi palagi kong maalala ang nakaraan. Ayoko na sanang magalit kay Adam, pero kung mapapadalas na nakikita ko siya baka magkasakitan na naman kami. Maayos na kami, tanggap ko na siya na ang makakasama ko, bakit kailangan pang magkaganito ang lahat?

" Okay, I love you. " hinalikan niya 'ko sa noo. " Mahal na mahal kita, " aniya nang magkatitigan kami kasunod niyon ang pagbaba ng labi niya sa labi ko. Gusto ko sana siyang sagutin pero nanghihina ang pakiramdam ko.

Alam ko na darating din ang oras na magkikita uli kami, nangyari nga ngayon sa PARADISO. Nginitian ko siya na parang wala lang, alam ko na inaakala ni Adam na mabibigla ako nang biglang lumapit si Lyndon. Pero hindi –nauna na 'yon noong una ko siyang makita. Napahigpit ang kapit ni Adam sa balikat ko kaya tiningala ko siya at nginitian.

" Nandito si Claude, pupuntahan ko muna siya, " nilingon ko rin si Lyndon, " Sige mamaya nalang uli," iniwan ko sila sa buhanginan na pinong-pino at puting-puti para hanapin si Claude. Nakita ko siya kanina kahit marami ang mga bandang dumating, kasama niya si Calvin at ang mga kasamahan nito.

Sa likurang bahagi ng hotel ako pumunta dahil alam ko na doon madalas si Claude. May ekslusibo roong hardin na para mga kilala lang niya. At isa naman ako doon sa pinapapasok, nalaman ko rin sa guard na naroon siya kasama ang mga RSYND.

"Claude," tawag ko agad sa kanya nang makita ko siya na nakaupo sa swing at nakatingin lang sa Bermuda grass. Nag-angat naman siya ng ulo at nginitian ko siya, wala pa kaming pormal na pag-uusap simula noon, at ayoko na sa ganito lang mauwi ang pagkakaibigan namin.

Tinignan din ako ni Calvin at Chryss na kapatid ni Ruki. Pero agad rin silang nagbaling ng tingin at tinuloy ang ginagawa nilang paglalaro ng maliliit na baraha sa damuhan. Nakakatuwa sila dahil nagbabatukan sila.

Tinignan lang ako ni Claude, hindi naman siya nakangiti kaya napalunok ako. Ganito talaga siya, hindi pa ba 'ko masasanay? Tumayo siya at lumapit sa 'kin.

" May balita ka kay Yuki?" tanong niya, naroon ang nanulay na kalungkutan sa mga mata niya kaya lumayo ang tingin niya. " Ilang taon na, kung gugustuhin ko siyang ipahanap baka nakita ko na siya. But if ever I knew where she is, hindi ko alam kung makakayanan ko pang tiisin na wala siya sa 'kin. Paano kung may iba na?"aniya, ilang taon na, ilang taon na rin siyang puro kompanya na lang nila ang inaasikaso at doon ibinubuhos ang mga oras.

Alam ko kung nasaan si Yuki, alam ko na may mga anak sila, pero hindi tamang sa 'kin magmula ang mga salitang may mga anak siya.

" Wala pa siyang iba –" hindi ko napigil bigkasin ang mga salitang 'yon na ikinabigla ko rin. Hinawakan niya 'ko sa magkabilang balikat at hinarap.

Akala siguro nila nag-aaway kami kaya inawat agad siya ni Calvin at Zey at inilayo sa 'kin.

"Easy brod, " ani Zey na nasa gitna namin. At bakit siya naka-boxer lang? Wala namang swimming pool dito, maliban sa fish pond?

"Nasaan si Yuki?! Alam mo kung nasaan siya? " tanong niya ng mas malakas.

Tumango ako sa kanya, " Alam ko, babalik na rin siya. Pero alam mo naman na gusto niyang bumalik ang grupo natin, at ikaw lang naman ang hinihintay namin, " iyon ang tanging paraan para muling mabuo kami. Pero sa nakalipas na mga taon alam kong may mababago. Pero ang mahalaga magbalik kami sa dating lahat, kasama si Yuki at para makilala na siya ng mga anak niya.

GZ 3: Shotgun Marriage! (BxB)Where stories live. Discover now